21

13.4K 429 4
                                    

"Hanz!" Ang relief na nadama ni Angeli pagkakita kay Hanz ay halos magpawala sa lakas niya. Napaupo siya sa gilid ng kama nito.

"Angeli?" sabi ni Hanz na nagulat nang makita siya sa loob ng silid nito.

"W-where have you been at this hour?" Relief, fear and confusion were all in her voice. Suot pa rin ni Hanz ang damit na suot nito kagabi. Hindi pa ba ito natutulog? Saan ito nanggaling?The grin that he gave her made her feel even weaker.

"You sound like a wife, sweetheart. And I like that."

Pinamulahan siya roon. "H-hindi mo sinasagot ang tanong ko, Hanz."Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya. "I am a fisherman, aren't I? At walang nangingisda sa umaga, Angeli."

Nasa tinig pa rin nito ang amusement, and though she half-believed him, she felt so foolish. Umusog siya at nagbigay ng distansiya sa pagitan nilang dalawa. If he were this close, hindi siya makapag-isip nang maayos.

"Hanz, I'm not... crazy."

"Who says you are?" wika nito. And he added in a gentler tone, "Hinintay mo ba ako para lang sabihin sa akin iyan?"

"Hinabol ko si Gail kanina para sabihing sa silid niya ako matutulog at narinig ko ang mga sinabi niya sa iyo. And I don't blame her, Hanz, for what she thought. Tulad ng mother ko, she's worried."

"Of course, she's your friend." His face was absorbed as he gazed at her worried face. At nasa mga mata ni Angeli ang takot.

"Hanz, maniwala ka sa akin. Alam kong may nagtulak sa akin kagabi sa balkon. Hindi ko imahinasyon lang ang kamay na humawak sa braso ko at itinulak ako!"Hindi sumagot si Hanz, sa halip ay nanatiling nakatitig sa kanya na tila siya nasisiraan ng bait.

"Oh! Hindi ka naniniwala sa akin, hindi ba? Hindi ka rin naniniwalang may nagtatangkang pumatay sa akin!"

"Angeli, calm down..."

"All right, ayoko ng madilim!" Tumayo siya at pinagsalikop ang mga braso sa dibdib. "It's because I can't stand total darkness. It's more preference than fear. Pero hindi dahil sa mga dahilang sinabi ni Gail. Kung totoo iyon, di sana'y hindi na ako pumasok sa silid ni Dirk nang gabing iyon. It was dark in his room, Hanz. So I am not crazy... hindi ko gawa-gawa lang ang mga sinabi ko kung bakit ako naaksidente nang gabing iyon! Dirk's killer chased me that night."

"Paano mong natiyak na pinatay si Dirk, Angeli?" he probed.

"Ang Vergara Trading ay nasa third floor ng building, Hanz. I went to the ladies' room for four or five minutes. The ladies' room was on the same floor outside the office. Kung narinig ng guwardiya ang putok ng baril sa ibaba ng building, sa palagay mo ba'y hindi ko maririnig iyon?"

"That's very logical. But what if Dirk committed suicide before you arrived that evening?"

"Mas maririnig dapat iyon ng mga empleyado. Wala pang sampung minutong nakaalis si Gail nang dumating ako. Hanz, he was murdered. Kung bakit ay hindi ko alam. And his murderer tried to kill me, too!"

"Ang sabi ni Gail ay ang guwardiya ng building ang nasa silid ng gabing iyon. Nakilala mo ba siya?"

She shook her head wearily. "I'm not sure. Hindi ko nakita ang mukha ng guwardiya nang dumating ako sa building. This is not a movie thriller. Hanz, kung saan ang hinahabol ay lumingon pa! Nang tumakbo ako palabas, hindi ako nag-aksaya ng sandaling lingunin ang lalaki!"

May ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago muling nagsalita si Angeli. "Siguro'y tama si Gail. Kailangang umuwi na kami bukas."

"No," Hanz said quickly. Too quickly, na lalong nagpalalim sa kunot ng noo niya. "I mean, stay for a couple of days, Angeli. Ako na mismo ang maghahatid sa iyo sa Maynila."

"I'm sorry for being a coward, but I'm scared, Hanz. At tama si Gail, nagiging abala ako—"

"You are none of those things, Angeli," wika nito. His voice a mixture of tenderness and assurance. "I want you to stay for a couple of days."

She gave him a small grateful smile. Muli siyang naupo sa gilid ng kama. "Nagising ako dahil napanaginipan ko na naman ang nangyari kay Dirk. Lumabas ako sa balkonahe dahil hindi na ako makatulog... at nakita ko sa ibaba si Luke, nakatingin siya sa silid ko. Iyon ang dahilan kung bakit pumasok ako rito sa silid mo!"

Hanz opened his mouth to say something. Pero nagbago ng isip at sa halip ay inabot siya at kinabig sa dibdib nito at hinagkan sa ibabaw ng buhok.

"I promise no harm will come to you, Angeli. Paniwalaan mo sana iyan..."

At naniniwala si Angeli, hindi niya alam kung bakit.

Basta iyon ang idinidikta ng puso at isip niya. Tumingala siya rito upang sabihin ang nasa isip, and his lips found hers as he turned her slowly in his arms.

Banayad ang pag-angking ginawa ni Hanz sa mga labi niya, ang kamay nito'y humahaplos sa likod niya. When his hands reached the soft contours of her hips, she curved her body against his.

Angeli moaned with pleasure as Hanz's kiss deepened and grew more urgent. The power of his embrace made her dizzy. Ang kamay nito'y hindi humihinto sa paghaplos at pagdama sa katawan niya. And when his hand drifted tenderly up her rib cage to her breasts, napasinghap si Angeli. Namamangha sa sariling damdamin.

She wanted him with almost wild desperation.

Nararamdaman niya ang pagtaas ni Hanz sa oversized T-shirt niya. At gusto niyang mapaso sa init na nagmumula sa palad nito. Pinakawalan ni Angeli ang mga labi mula kay Hanz.

"W-what's happening, Hanz?"

"Sshh..." Hanz feverishly reclaimed her lips at naputol ang anumang sasabihin niya. The fog of passion was blinding her at kung hindi niya paiiralin ang matitinong kaisipan ay baka hindi na niya kayang pigilin pa ang maaaring sumunod na mangyayari. Banayad siyang kumawala.

"Hanz..." she whispered. "I-I don't usually..."

Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. Inilagay ni Hanz ang kamay sa ilalim ng baba niya at itinaas iyon.

"Of course, you don't. At hindi ko rin alam ang nangyayari sa atin. It's so strong it almost scares me."

Sa isang matagal na sandali'y nanatili silang nakatitig sa isa't isa. Both were shaken by the intensity of a passion that had seemed to be driven by a force beyond their control.

Kinabig siya ni Hanz patungo sa dibdib nito, banayad na sinusuklay ng daliri ang buhok niya. And Angeli tried to stop herself from trembling... she, too, had been frightened by the same feeling.

Estranghero sila sa isa't isa. Hindi niya iyon maitatanggi. And yet in the vibrant heat of their embrace, she felt something more than just wanting him physically. Nararamdaman niyang higit pa roon. At hindi niya kayang ipaliwanag iyon.

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon