14

13.8K 468 3
                                    

NAGPAKATANGGI-TANGGI si Angeli na magpasama kay Hanz sa general store. Subalit ang takot ay muling umahon sa dibdib niya nang makitang flat ang gulong niya. Hindi lang basta flat, kundi nakita niyang hiniwa ang hulihang gulong.

"Something's wrong?" tanong ni Hanz na lumabas sa balkon at makitang nakatayo siya roon, color drained from her face.

"S-somebody knife-slashed my tire."

Kunot ang noong lumapit si Hanz. "Relax. Flat tire lang iyan. Hindi na-carnap ang sasakyan mo." Tumalungko ito at sinilip ang gulong. "It doesn't look like as if it was knife-slashed. You've been travelling for hours yesterday on rough road. At sa papasok dito ay matatalas ang mga bato. Pumutok ang tire mo."

Somebody slashed her tire! Her mother's car was only twelve months old at matibay pa ang gulong dahil ni hindi lumalabas ng Metro Manila ang mommy niya! Gusto niyang isigaw kay Hanz iyon.

"Hey," Hanz said gently at hinawakan siya sa braso. Napaatras siya. "There's no need to worry. I'll take you to the general store."

"No!"

Lumalim ang kunot ng noo ni Hanz sa ikinikilos niya. "Angeli, are you all right?"

Huminga siya nang malalim upang kalmahin ang sarili.She was acting like a real weirdo. "I-I'm all right. It's just that I don't know how to change tires."

"Then let me take you to the general store. Hindi ka pa naman aalis, saka ko na papalitan ang gulong mo."

At walang mapagpilian si Angeli kundi ang pumayag na magpahatid kay Hanz. Nasa highway na sila nang lingunin siya nito.

"I hope you don't mind my asking," sabi ni Hanz. "Natatakot ka ba sa akin?"

"B-bakit mo sinasabi iyan?"

Isang naiiritang hininga ang pinakawalan nito. "Now you're stammering." He shook his head. 

"Sapilitan ang pagpayag mong ipag-drive kita. At kanina pa hindi humihiwalay ang kamay mo sa door handle na tingin ko ba'y gusto mong tumalon ano mang oras. You drive a model car, Angeli, and you know this is power locked just like yours, at kahit pa buksan mo iyan kung hindi ko gusto'y wala kang magagawa."

She sucked her breath. Nawala sa isip niya iyon. Umilap ang mga mata niya. Hanz uttered an oath.

"What's wrong with you? Did you think I purposely slashed your tire just so I can drive you to the general store? Credit me with some finesse, Angeli."

"I-I'm sorry."

"Gusto kong isiping sa akin ka lang ganyan, lalo at kaninang madaling-araw ay takot na takot ka nang mamulatan mo ako sa silid mo—"

"Kahit sinong babae'y matatakot kung magigising na may lalaki sa silid niya, Hanz," she snapped.

"That's true. Pero hindi lang takot ang nakita ko sa mga mata mo kagabi, Angeli. You were petrified. Kahit nang sabihin kong hindi kita sasaktan. At kanina'y nakita ko uli ang sindak na iyon sa mga mata mo nang tingnan mo si Luke."

Hindi siya sumagot. Pumayag siyang samahan siya ni Hanz sa general store dahil mas may pakiramdam siyang ligtas siya rito kaysa kay Luke. At ni hindi niya alam kung sino sa dalawa ang may kagagawan ng pagka-flat ng gulong niya.

"Were you raped?" he blurted out and gritted his teeth at the same time.

"No!" mapuwersang sabi niya, namanghang naisip nito iyon kasabay ng pagtataka niya kung para kanino ang galit sa mga mata nito.

"Then why? Ano ang dahilan at parang natatakot ka sa amin ni Luke? O pati ba kay Manong Elmo?"

"This is ridiculous! Ano ang ikatatakot ko sa inyo?" she lied through her teeth.

"So tell me, sweetheart," he said drily. "What's your story?"

"Walang—" Isang pagkalalim-lalim na hininga ang pinakawalan niya. Kumikilos siyang hindi normal sa paningin nito.At kailangang may maipaliwanag siya o magmumukha siyang neurotic.

"Perhaps I'm still in shock. I had a road acci­dent... just recently." Hindi niya gustong ulitin ang "anim na linggo." At matiim niyang pinagmamasdan ang profile nito, umaasang may mapupuna siyang mapagkikilanlan sa ekspresyon nito. But there was none. Mas pag-aalala ang nakita niya sa mga mata nito nang lumingon sa kanya.

"Your leg, iyon ba ang dahilan kaya ka umiika kahapon sa dagat?"

Tumango siya. "I stayed in the hospital for ten days. Nilagyan nila ng cast ang binti ko. Hindi ko alam kung saang bahagi ng sasakyan tumama. Medyo nabugbog uli kahapon dahil sa paghampas ng alon sa akin sa batuhan."

"You needed this vacation, of course. And you're a brave young woman, Angeli. Hindi ka pa dapat nagmamaneho. Though I'm very glad that you're here and we've met, bakit dito mo naisip magpunta? Napakalayo nito at marami namang lugar na mas malapit at maganda at tahimik din naman?"

"I'm a professional photographer, Hanz. I half- owned a gallery in Greenhills. I need new subjects... new photographs. Mas malayo, mas marami akong makikitang magagandang subject." It was a safe answer.

"Greenhills. Alin doon?"

"Precious and Few."

Bahagya itong namangha, then the handsome face broke into a smile. "I know the place. Ipinagmaneho ko ang Mama minsan sa gallery. You'd be surprised to find one of your photographs in my mother's drawing room."

"You're kidding!"

He grinned. "It's a sunflower, sweetheart. And when you smiled at me this morning, you reminded me of that photograph."

Hindi makapaniwalang sumandal si Angeli, inihilig ang ulo sa headrest at sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-relax. Sunflower was one of her best photos and she personally liked it. Hindi niya gustong ipagbili iyon dahil may cardinal rule ang gallery na hindi magkakaroon ng dalawang kopya bawat photograph.

At kung gusto nilang dalawa ni Ansel ng photo­graph na kaparehong subject, kailangang kuhanan ang subject ng panibagong larawan. Natural na hindi na iyon katulad na katulad ng nauna. No two photographs of the same subject were the same. Kaya naman mas marami silang customer dahil hindi nagiging common ang mga larawan nila sa gallery.

And that Sunflower was put on display.

But Ansel sold it and said he couldn't refuse the prize the buyer had offered.Sandaling pinagmasdan ni Hanz ang panatag at payapang mukha ni Angeli. And he had this urge to kiss that Mona Lisa smile on her lips.

He was intrigued by this pretty woman.

Naniniwala siyang naaksidente ito sa kalye. Hindi ipinagsisinungaling ang ganoong dahilan. So she wasn't raped. He believed that, too. Pero naniniwala siyang may ibang dahilan ang nakikita niyang pagkatakot nito.

He wished he could stay away from her personal problem, kung ano man iyon. She was a complication he didn't need at this point in time.

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now