17

13.7K 444 28
                                    

ANGELI never thought she would enjoy a man's company as much as she had enjoyed with Hanz. Sa bangka sila nananghalian. Pagkatapos ay ipinakita nito sa kanya ang fishing nets na ginagamit sa panghuhuli ng isda. Tinuruan din siya nitong gumamit ng pamingwit at tumili siya nang may kumagat sa pain niya.

Though it was just a small fish, she was so ecstatic. And yet to Hanz's surprise, she took the hook off from the mouth of the fish carefully and threw it back to the sea.

"You have a soft heart, Angeli," wika nito. There was such tenderness in his eyes that she felt running to him. Tell him her fears. Pero pinigil niya ang nagpupumiglas na damdaming iyon. The man was still a stranger.

"I'm giving that fish a second chance at life, Hanz," nakangiting sabi niya. "Huwag siyang kakagat uli sa pain ko at mauuwi siya sa kaldero ni Manang Tere."

Hanz laughed. Pagkuwa'y sumeryoso. Then something like anger crossed his eyes as he turned to gaze at the blue ocean. "People seldom get second chance at life, Angeli."

Hindi alam ni Angeli kung paano tatanggapin ang sinabi nito. May palagay siyang may kahulugan ang sinabing iyon ni Hanz. Gusto niyang magtanong pero hindi niya alam kung paano at ano ang itatanong.

Subalit nang lumingon ito'y naroon na uli ang ngiti sa mga labi. "I'll teach you how to scuba dive," wika nito. "Pero hindi ngayon. Baka hindi pa lubusang magaling ang napinsalang buto sa binti mo. Mahihirapan ka sa ilalim ng dagat."

"Oh, Hanz, I couldn't stay longer," may panghihinayang niyang sabi. "I have a job. At pinutol ni Mommy ang bakasyon ko ng hanggang limang araw."

Kaninang nag-usap sila ng ina sa telepono ay naghintay sa kotse si Hanz, giving her the privacy to talk to her mother. Hindi niya gustong mag-alala ang ina, subalit hindi niya maiwasang sabihin dito ang tungkol sa kotseng itim. Natatakot siya at kailangan niya ng mapagsasabihan. At kung sinunod niya ang ina'y gusto nitong umuwi na siya kaagad, so she promised that she'd cut her vacation to five days.

Sa gulat niya'y hinapit siya ni Hanz. Itinaas ang mukha sa pamamagitan ng daliri nito. "Good. Babalik ako ng Maynila in four to five days. Sabay na tayo. Sa ibang pagkakataon, ipinangangako kong dadalhin kitang muli rito." Then he bent his head and kissed her. He sent his tongue deep, feasting on the sweetness of her. And she clung to him with fervor, wanting more than just kisses.

At sa pagkamangha niya'y huminto sa paghalik si Hanz at pinakawalan siya.

"Let's go back, Angeli, humahapon na."

"Of course," sagot niya sa pinasiglang tinig, trying to hide the embarrassment that she felt. Ni hindi niya makuhang tumingin dito.

She knew full well that she had returned his kiss with all the passion she never knew she had possessed. Walang ibang lalaking pumukaw sa kanya ng ganoong uri ng pagnanasa maliban kay Hanz.

At kahapon lang niya nakilala ang lalaking ito! And it wasn't like her to exchange kisses, passionate kisses with a virtual stranger!

Dapat pa nga'y ipagpasalamat niya ang rejection nito. Siguro nga, pero hindi niya maitatanggi ang sakit na nararamdaman.

ALAS-singko na nang dumaong ang bangka sa baybayin. Lampas-tao na ang tubig sa may batuhan dahil sa paglaki ng tubig. So they swam ashore. Isinusuot ni Angeli ang basang sneakers nang matanawan sa malayong bahagi ng baybayin si Luke. Katunayan ay nakaharap ito sa kanila na tila ba nag-aabang, maliban sa hindi niya makita nang malinaw ang mukha nito dahil malayo.

"Ano ang ginagawa niya roon?" may bahagyang kaba sa tinig niya nang magtanong.

Nagkibit ng mga balikat si Hanz. "Enjoying the sunset. Huwag mo siyang intindihin."Hand in hand, they went back to the guest house.

"Another guest?" sabi ni Hanz nang mapunang may isang puting sedan na nakaparada sa harap ng guest house.

She smiled. "Ayaw mo noon, bukod sa pangingisda'y kumikita pa ang guest house kahit off season."

"May katwiran ka diyan," he said laughing.

Pagbungad nila sa pinto'y ganoon na lang ang gulat ni Angeli nang makitang si Gail ang naroroon kausap ni Manang Tere.

"Angeli!" nakatawang sabi nito at sinalubong siya.

"Paano mo natutuhan ang magandang lugar na—" Nahinto ito sa sinasabi nang mapuna si Hanz. Hinagod nito ng nanunuring tingin ang kabuuan ni Hanz. "Hmm... twenty-four hours at may kapalit na kaagad si Dirk, huh?"

Gustong pamulahan ni Angeli. Lalo at alam niyang sa sulok ng mga mata'y nilingon siya ni Hanz. Ipinakilala niya ang dalawa sa isa't isa. Hanz smiled politely and shook Gail's hand.

"Twenty-four hours at maganda na ang kulay mo, chica," patuloy nito. "Hindi ka ba sinumpong kagabi?"

"Gail, please..." awat niya sa kaibigan, agad na nakadama ng pagkailang. Sinulyapan niya si Hanz na nakatingin din sa kanya. Nagtatanong ang mga mata. Umiwas siya ng tingin. "Bakit ka nga pala naririto? Paano mo nalaman ang lugar na ito?" nagtatakang tanong niya.

"Ang mommy mo. 'Di ba't tinawagan mo siya kaninang umaga? Nagkataong binigyan ako ni Boss George ng bakasyon. Ipinasya kong samahan ka na lang dito sa halip na sa Vergara Beach Resort. Tuwang-tuwa nga ang mommy mo dahil magkakasama tayo," tuloy-tuloy nitong sabi. Pagkatapos ay lumingon sa may mahabang sofa at noon lang napansin ni Angeli na may isang lalaking nakaupo roon.

He seemed amused while listening to Gail's chatter. Tumayo ito at humakbang palapit.

"Si Carlos, Angeli," pakilala nito. At pagkuwa'y nahihiyang ngumiti at idinagdag, "Boyfriend ko siya. Carlos, siya ang kaibigan kong sinasabi sa iyo. Dirk's girlfriend."

May pakiramdam siyang gusto niyang sipain si Gail sa sandaling iyon. Si Carlos ay nakangiting inilahad ang kamay sa kanya.

"How are you, Angeli? Tama si Gail nang sabihing maganda ang kaibigan niya."

She rolled her eyes, hindi maiwasang ngumiti rin sa palakaibigang pagbati ni Carlos. Ipinakilala niya ang dalawang lalaki. While Hanz was distantly polite, naka-plaster na ang ngiti sa mukha ni Carlos.


Hindi nagkakalayo ng taas ang dalawa, bagaman mas maganda ang katawan ni Hanz. Carlos was slimmer. At marahil ay nasa mid-thirties na ang lalaki. Hindi ito magandang lalaki pero ang palangiting mukha nito'y kaaya-aya na maaakit ang sino man.

Nagpaalam si Hanz na magbibihis muna.

"Gusto kong mainggit sa iyo, Angeli. Kahit kailan, lagi ka na lang lumalamang sa akin," sabi ni Gail na ang mga mata'y nakasunod kay Hanz na pumapanhik sa hagdan.

Kumunot ang noo ni Angeli. Nakangiti si Gail pero parang gusto niyang isiping may pananaghili ang tono nito. Subalit bago pa makabaon sa isip niya iyon ay hinapit nito si Carlos at iniyakap ang braso sa baywang nito. Her eyes brilliant.

"Pero siyempre, hindi ko ipagpapalit si Carlos ko kahit na kaninong hunk." May pagmamalaki sa tinig nito at gustong matuwa ni Angeli para sa kaibigan. It was painted on the wall, her friend's very much in love.

"Kailan ba kayo nagkakilala? Bakit hindi mo man lang nasabi sa aking may boyfriend ka na?" may himig ng tampo ang tinig niya.

Masuyo itong tumingala kay Carlos. "Hindi naman kasi ako nakatitiyak kung seryoso siya sa akin. Ayokong mapahiya. Dalawang buwan na kaming magkasintahan. Taga-San Nicolas siya, Angeli. Pero malimit siya sa opisina kapag hindi nakakarating si Boss. Magpinsan sila ni Boss. Hindi ba siya nababanggit ni Dirk sa iyo noong nabubuhay pa ito?"

"Of course! Kaya parang pamilyar ang pangalan niya."

"At siya ang humalili sa puwesto ni Dirk." May lungkot na dumaan sa tinig nito na agad din namang binawi ng pinasiglang tinig. "Aling silid ka ba sa itaas? Akin iyong isang nakadungaw sa entrada."

"Halika, samahan mo ako sa itaas at nilalamig na ako." Nakangiting nilingon niya si Carlos. "At huwag ka munang umalis, Carlos. Dito ka na maghapunan. Malihim itong kaibigan ko. Ni hindi man lang ibinabalitang may boyfriend na pala. I hope you don't mind kung medyo kikilatisin kita nang kaunti."

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Carlos.

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now