1

42.3K 774 58
                                    


Ipinarada ni Angeli ang kotse niya sa pinakadulo at nag-iisang bakanteng parking space sa tapat ng three-star restaurant na iyon sa Roxas Boulevard. Alas-siete y media ang dinner date niya kay Dirk at late na siya ng fifteen minutes.

At kung may pagpipilian siya'y hindi sa sulok na iyon niya ipaparada ang kotse. Nagkalat ang mga walang-magawa sa paligid. Nasisiyahang basta na lang guhitan ang sasakyan. At ang lugar na iyon ay medyo malayo-layo sa puwesto ng security guard.

Bumaba siya ng kotse at nagmamadaling lumakad patungo sa restaurant. Hindi pa siya nakahahakbang nang malayo nang makuha ang atensiyon niya ng dalawang lalaking nasa pagitan ng dalawang kotse.

"B-boss, wala ho akong kinalaman doon!"

Nakita ni Angeli kung paanong umangat sa lupa ang lalaki dahil nakapitsera dito ang mas malaki at mas mataas na lalaki at ibinalya sa kotse. Pinigil niya ang sariling lumapit at awatin ang malaking lalaki sa karahasan nito.

"Ako mismo ang papatay sa iyo... tandaan mo iyan! At kapag nakita mo ako'y umiwas ka na dahil kung hindi'y—" Hindi nito nakuhang tapusin ang sinasabi. Naramdaman ang presensiya ni Angeli at lumingon sa gawi niya.

She froze. Sa kabila ng malayo nang kaunti ang poste ng ilaw ay nakita niya ang matinding galit sa mga mata ng lalaki. Kung para sa kanya dahil naroon siya'y hindi niya alam. Subalit hindi agad niya makuhang ihakbang ang mga paa palayo. The dark fury in his eyes froze her.May ilang sandaling nagtagpo ang mga mata nila bago sa nanginginig na mga tuhod ay mabilis siyang lumayo mula roon.

The man was undoubtedly very attractive. Sa kabila ng galit, his voice was cultured, deep and masculine.

A wolf in designer's clothing! she thought. Binilisan ang lakad patungo sa restaurant.Pinagbuksan siya ng pinto ng security guard at sinalubong ng maitre d'. Sinabi niya ang pangalan ni Dirk. Alam niyang nagpa-reserve ito ng mesa roon.

"This way, Ma'am," wika nito at inakay siya patungo sa isang sulok na mesa. Malayo pa siya'y natanaw na siya ni Dirk. Agad itong tumayo pagkakita sa kanya, nakangiting hinila ang upuan niya.

"Thank you..." wika niya sa head waiter at agad tinawag ang isa pang waiter para kumuha ng order nila.

Humingi sila ng aperitif.

"You're late," wika ni Dirk nang tumalikod ang waiter. Subalit walang akusasyon sa tinig. Isa sa mga katangiang gusto niya rito. Magtataka siya kung may makakagalit itong tao. Dirk was mild and gentle.

"Kanina ka pa?"

"Not very long. I came from the bank." Hinagod siya nito ng tingin at ngumiti. "You look haggard. And I thought this is a romantic evening."

"You know I am not supposed to be here, Dirk. May trabaho ako sa Pampanga kaninang tanghali and I have to rush back to Manila for this meeting." Sinikap ni Angeli na pagaanin ang hindi maiwasang iritasyon sa tono niya sa pamamagitan ng paglinga sa paligid.

This was Dirk's favorite restaurant. Quiet and romantic. Sa loob ng sampung buwan mula nang magkakilala sila ay hindi na niya mabilang kung ilang beses silang nagpupunta roon. Minsan ay gusto na niyang magsuhestiyon ng ibang lugar.

"You work too hard, Angel," nakangiting wika nito. At kung may nararamdaman man siyang iritasyon ay tuluyang naglaho sa ngiting iyon.

Dirk was both handsome and charming. He was in his late thirties, had been married when he was twenty five. After one-and-a-half years ay naghiwalay. Pagkatapos ng mga legalities, he and his wife parted ways amicably.

And she and Dirk had one thing in common— photography. While she was a photographer by profession, iyon ay hilig lang ni Dirk. Nagkakilala sila nito sa isang photography seminar more than ten months ago.

Agad silang nagkahulihan ng loob. At sa nakalipas na mga buwan ay hindi na mabilang ang mga theatre plays at concerts na pinanood nilang magkasama.

It probably had been a silent agreement for both of them. It had always surprised her that Dirk was satis­fied with their relationship. He embraced and kissed her often, kung meron din lang pagkakataon. But he never pressed her for further intimacies.

Then a week ago, sa isa sa mga dates nila, Dirk had hinted that he wanted something out of their platonic relationship. His usual pleasant embraces and kisses ay tila nagkaroon ng init na higit sa karaniwan. At nang hawakan siya nito sa dibdib ay napaigtad siya. Mabilis siyang kumawala. At nang makita niya ang hinanakit sa mga mata nito'y nakadama siya ng guilt.

"I-I am sorry, Dirk. I'm... tired. Yes. Maraming customers sa gallery kanina," pag-iwas niya, she couldn't even meet his eyes.

"Don't let us beat around the bush, Angeli," banayad nitong sabi. "Alam mong sa malaon at madali'y mangyayari ito..."

Huminga siya nang malalim. Ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. Suddenly feeling cold. Pagkatapos ay wala sa loob na tumango.

"Siguro nga. P-pero hindi pa ako handa sa ganitong uri ng relasyon, Dirk."

"You're twenty-five at thirty-three ako. We're both matured enough to consider marriage life, Angeli. At sa nakalipas na mga buwan ay sinikap kong magkakilala tayo nang husto dahil ayoko ng panibagong broken marriage."

Her eyes flew to him. "M-marriage life?"

Dirk smiled at her stunned face. Humakbang ito palapit sa kanya. Ni hindi niya pinag-ukulan ng pansin nang dumukot ito sa bulsa at may inilabas. A small velvet box. Huminto ito sa paghakbang sa mismong harap niya. Binuksan ang kahon at inilabas ang naroroong engagement ring at inabot ang kamay niya at isinuot sa daliri niya ang Tiffany.

"I want to marry you."

Hindi niya makuhang makapagsalita. Nanatili lang nakatitig dito. He had proposed. And suddenly, she had turned chicken.

Tinitigan niya ang singsing, kumislap ang bato niyon mula sa liwanag ng fluorescent light sa sala.

"Will you marry me, Angeli?"

Muling umangat ang mga mata niya rito. "M-maaari ba nating pag-usapan ito sa ibang pagkakataon, Dirk?" Halos hindi maglandas sa lalamunan niya ang tinig. "B-binigla mo ako."

Muling ngumiti si Dirk. "I can see that. Okay, I'll give you two days, Angel."

Subalit ang dalawang araw ay naging isang linggo. At nang tawagan siya ni Dirk kagabi para sa pagkikita ngayon ay naghahanap siya ng mabigat na dahilan upang huwag makipagtagpo rito. But that would be a coward's way and so she decided to meet him today.

"You're not wearing my ring, Angel," putol nito sa pag-iisip niya.

"Dirk..." She cleared her throat. "Hindi ko alam kung paano sasabihin ito na hindi ka masasaktan, but I realized I love you as a friend... hindi bilang kasintahan. Mas panatag at komportable ako sa ganoong relasyon, Dirk."

"Angel—"

"Sana'y maintindihan mo ako at manatili na lang tayong magkaibigan. I'll give you back the engage­ment ring..." Binuksan niya ang bag at mula roon ay kinuha ang singsing at inilagay sa harap ni Dirk. Hindi niya gustong tingnan ito, hindi niya gustong makita ang sakit sa mga mata nito. After all, he was such a dear.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito.

"Dirk, may mas higit na karapat-dapat kang pagbigyan ng singsing na iyan..."

"Yeah, I guess you're right," wika nito sa resigned na tinig. Nahagip niya ng tingin ang lungkot sa mga mata nito. Subalit agad iyong nawala at nahalinhan ng ngiti, kinawayan ang waiter. "Let's eat. I'm starving." She smiled. Just like Dirk. At ikinagagalak niyang naging madali para dito ang tanggapin ang rejection niya. She'd hate losing him as a friend.

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now