-NOTE TO SELF-

16 1 1
                                    

Ni: Ariel Olaera Omangayon

Dati na imagine ko na sarili ko sa dulo ng aisle na nakabarong, habang hinihintay ko ang aking prinsesa na mamahalin ko habang buhay, tapos sabay kami magsasabi ng "Oo po Padre".

Pantasya ko yan bata pa lamang ako, habang nagsusulat ako ng love letters kay crush, na kahit isa di ko man lang naibigay sa kanya.

Nagkaisip ako, di naman pala totoo yung mga ganyan. Kasi yung taong pangarap mo di mo naman makamtan, tapos yung taong pangarap ka sasaktan mo lang naman.

Marami kang makikilala, marami kang mamahalin, marami kang leksyon na matututunan. Unti unting wawasakin ang pangarap mong maging masaya at makatagpo ng taong panghabang-buhay.

Sa dami ng makakasama mo at mamahalin mo, mararanasan mong mawasak at mamatay sa sakit, pero maghihilom lahat ng sugat at mawawala ang galit.

Matututo kang maglaro at maging manhid, magiging malakas ka. Pero ang pagiging malakas mo ay siyang magiging kahinaan ng iba. Matatawag kang walang kwenta.

Pero di naman madamot ang tadhana, sa huli kahit gaanu pa ka kapal ang kalyu mo sa puso. Makakatagpo ka ng taong tatanggal nga takot mong magmahal ulit ng totoo at tuturuan ka ulit magtiwala.

Sa puntong ito, para kang bumabalik sa pagiging bata. Maninibago ka, maaalala mo lahat at matatakot ka. Pero kapag nasa tamang tao ka na, hindi ka na magiging duwag kasi alam mong di ka nag-iisa at alam mong kahit magkamali ka matatanggap ka nya.

Note: Wag kang matakot magmahal, wag kang matakot masaktan, ganyan talaga! Kasi ang tunay na nagmamahal, nasasaktan. Hindi ka naman masasaktan kung di mo mahal di ba?

Ang Mga UBRA ni AYENGWhere stories live. Discover now