-KITIL-

9 0 0
                                    

Ni: Ariel Olaera Omangayon

Nagagawa pa namang tumawa,
Pero durog na durog na't mag-isa.
Kilos na 'Bahala Na'
Kaakibat ay 'Walang Pag-Asa'.

Sa mundo nyang kay saya
Tila tinakwil ang problema
Ngunit isang libong patalim
Ang naka tusok sa dibdib nya.

Kung kakayanin'y tatawa pa.
Tatawa pa ng tatawa.
Kung hindi na'y may lubid
Na titigas sa liig nya.

Ang Mga UBRA ni AYENGWhere stories live. Discover now