-TAKAS-

18 1 0
                                    


by: Ariel Olaera Omangayon

Isang malayang taludtod
Para sa isipang napagod
Mga gamit na salita'y
Sa tiyan hinuhugot.

Sa kantang bulag, pipi at bingi
Ako doon ang "tagahanga"
Di man matawag na may depekto
Ngunit ako pa yung mas malubha.

Nakalimutan ang papel
Maging ang lapis na pang marka
Nahumaling sa pagbabago
Sa automatikong makenarya.

Namumutla ang pintura
At mga brutsang naaagnas
Ilan lamang sa hiwatig
Ng talentong tumatakas.

Mga lireko kong nilikha
Hanggang ngayo'y walang nota
Sinubukan pang awitin
Pero hindi na madama

Susukuan mo na ba?
Ang buhay mong may tugma?
Kung tatakas ka ngayon?
Matatawag ka bang malaya?

Ang Mga UBRA ni AYENGWhere stories live. Discover now