-PARANG TAYO-

12 0 0
                                    

by: Ariel Olaera Omangayon

Ang puso ko'y parang kampana
la..la..la.. para kang harana
ako yung tagadungaw sa bintana.
Parang mga bata...
nagtataguan!
parang bangkang papel tuwing tag-ulan
nakakatuwang pagmasdan
may nalulunod, may tinatamaan.
Parang kwentuhan...
minsan konektado, komplekado!
parang tayo...
pagtitinginan ay malabo, malayo...
parang kandila na naghihingalo.
Parang kamay ng orasan...
may naghihintay, may nang-iiwan
parang ikaw at ako...
"parang tayo..."
salita na 'di sigurado.

Ang Mga UBRA ni AYENGWhere stories live. Discover now