Chapter 42

6 2 0
                                    

pagkatapos namin don sa Buyagao falls nagpunta naman kami sa lussok cave kasama si Eddie sa isang bangka kami nakasakay tatlo

Pagdating namin dun hindi ko maiwasan manlaki ang mata sa nakita ko,gwwwaaaddd sobrang ganda talaga tapos anlamig lamig pa sa loob kinuha ko ulit yung phone ko saka pinicturan ang bawat angalo ng cave

Kuya green din yung tubig pero grabe ang linaw.

"Kuya marami bang namamasyal dito"wala sa sarili kong tanong kay kuya eddie na ngayon nakangiti

"Kapag bakasyon lalo na kapag summer marami"sagot naman niya sakin.Summer mainit,kaya gusto ng iba magpunta kasi anglamig ng tubig

"Mga mag kakaibigan po ba halos ang nag pupunta dito?"tanong ko pa kay kuya eddie

"Halos kagaya niyo na magnobyo"sagot niya parehas nama kaming natigilan ni Clyde saka nag iba ng paningin

LUNOK LUNOK LUNOK LUNOK LUNOK
LUNOK LUNOK LUNOK LUNOK LUNOK
LUNOK LUNOK LUNOK LUNOK LUNOK
LUNOK LUNOK LUNOK LUNOK LUNOK
LUNOK LUNOK LUNOK LUNOK LUNOK

GWAAAAAADDDDD MUKA BA KAMING MAG NOBYOOOOO NI CLYDEEE

DEPUNGAL KA KUYA EDDIE!hmp

"Hindi po kasi kami mag nobyo"nahihiyang sabi ko saka napahawak sa batok

"Akala ko panaman mag nobyo kayo,ang sarap niyo kasing pagmasdan kanina"sagot naman niya habang nakatingin saamin na para bang mas inlove siya "Naalala ko tuloy ang asawa kong si Tess,dito ko rin siya dinala nung nag sisimula palang kami hanggang sa unti unting magkapalagayan ang loob namin hanggang sa inaya ko siyang magpakasal"kwento samin ni kuya Eddie hindi ko naman alam kung bakit napangiti ako

Kahit na alam ko din sa sarili ko na para kaming tunay na couple kanina hindi ko parin talaga maramdaman yung nararamdaman ko kay Ck kapag kasama ko si Clyde yung kapag lumalapit siya para kang kinakapos ng hininga,kapag hinawakan ka niya may kuryente yung hawak.

Hindi ko talaga maramdaman yan kay Clyde

Alam niyo yung parang kaibigan kolang talaga siya

Hindi ko naman mapilit ang sarili ko na oy si Clyde naman ang pansinin mo

Nililibang ko lang ang sarili ko saibang bagay para makalimutan si Ck.Pero kahit anong libang ko kapag napagod ako bigla ko nanaman siyang maiisip na ano kaya ginagawa niya ngayon,masaya nakaya sila ni Jasmine

Nakakainis lang na may mga taong pilit na kinukuha ang atensiyon mo pero ikaw na hindi mo mapagbigyan ang gusto nila kasi nanatiling nakatutok sa taong mahal mo.

Para bang pinapaasa ko lang si Clyde sa lagay namin ngayon.

Sinasabi ko naman sa sarili ko ma swerte mo nasayo siya yung iba nag kakandarapa pero hindi siya nakuha,tapos nung nasayo sasaktan mo lang.

Kung si Clyde nalang sana ang una kong nakilala eh,Edi sana walang nasasaktan saamin ngayon

Kung si Clyde lang sana ang unang nakilala ko ede sana maayos ang lahat at walang nasaktan

Kung si Clyde lang talaga ang minahal ko handa kong ipagsigawan sa buong mundo kung gano ko siya kamahal

Kaso hindi si Clyde eh

Si Ck

CLYDE's Point of View

Habang nag kukwento si Kuya Eddie napansin ko na lumilipad ang isip ni Kyla.Hindi niya kumikibo pero nakikita ko namang napapailing siya

FateWhere stories live. Discover now