Chapter 36

6 2 0
                                    

Muli kong tiningnan yung mikey mouse na naka drawing sa harap ng notebook at lihim na napangiti.Binukasan ko ito at nakita ko ang picture naming dalawa habang suot niya yung costume na talong samantalang ang soot ko naman ay labanos,batid kong nutrition month yun.Parehas kaming nakangiti sa kuha nayun,sa babanaman nun nakita ko din yung picture namin na nakadapa sa damo at naka pangalumbaba siguro mga 13 years old ako nun.

Nakita ko naman na may nakasulat sa baba Ito lang yung naitago kong kuha natin,nag sisituloy ako kung bakit hindi ako mahilig sa picture tsk natawa naman ako sa sinabi niya simula bata talaga kami wala siyang kahilig hilig sa pagkuha ng picture kasi nangangalay daw siyang ngumiti,buti nga kahit papano meron kaming kuha eh.

Pag lipat ko ng pahina nakita ko yung date na nakasulat sa taas

August 1

Dear Mikey Mouse,

Mikey mouse ang tagal na nating hindi nag kikita simula ng natulog ka ng matagal hanggang ngayon hindi pa kita nakikita.Bakit mo naman kasi ako iniwan ng walang sabi,ayan tuloy malungkot ako.Alam mo ba tuwing hapon lagi akong pumupunta sa Park nag babakasakali na darating ka,pero wala talaga.Mikey kahit wala ka sa tabi ko gusto ko lang malaman mo na kaya ako hindi dumalaw sayo nung natutulog ka gusto ko kasi na hindi mo marinig ang boses ko na laging nag papaiyak sayo.Hanggang dito nalang muna.I love you.

Nagmamahal
Ckie

Hindi ko alam kung bakit unti unti akong nabuhayan ng loob.Hindi ko alam kung dahil ba sa nakasulat o dahil sa I love you niya.

Sobrang naiinis ako bakit kailangan pang kaming dalawa ang maging ganito.

Kung gusto lang ng tadhana na matuto kami pwes ang dami kong natutunan.

Lumabas ako ng kwarto dahil nagugutom ako ng makita kong naka ulo si Clyde sa lamesa

"Hey"bati niya sakin

"Kanina kapa jan?"sabi ko habang tinatali ko ng mataas ng buhok ko.Nahuli ko namang titig ma titig siya sa muka ko habang ginagawa ko yun

Ng mapansin naman niyang natingin ako sakaniya"A-Ahm hindi naman,naalala ko kasi na hindi kapa kumakain kaya bumaba ako dahil alam kong nagugutom ka"nahihiyang sabi niya pa.Bakit nga ba ang isang Clyde Calo ay napansin kong sweet na kahit hindi masyadong nag sasalita ramdam mo naman sa kilos niya.Bakit hindi nalang kaya siya ang minahal ko?

"Hindi niyo ko ginising kanina eh"ani ko sabay bukas ng Ref saka kumuha ng tubig.

Lumapit naman siya sa gawi ko saka kumuha ng plato para ipaghain ako.See ang sweet diba

"Ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi kananamin ginising"sabi niya habang nag lalakad papunta sa lamesa.

Binalik ko naman agad yung tubig sa ref pagharap ko nagulat ko dahil nasa harap ko siya.Napangisi nalang siya na para bang sinaja habang ako nanlaki ang mata at namula.

"H-Hindi ako makahinga"sabi ko habang nilalaro yung kamay ko

"Hawak ko ba ang hininga mo"sabi niya sabay tawa.Sira ulong to ikaw tong sobrang lapit sakin makakahinga kapakaya ng matino.

Depungal talaga tsk

"Ang lapit mo sakin ano ba-"hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla niyang hinalikan yung noo ko.Ang hilig niyang manghalik ng noo.

Lumayo naman siya saakin saka tumalikod"kumain kana"sabi niya saka naupo sa inuupuan niya kanina at kinuha ang Cellphone.

Habang ako kumakain napapatingin naman ako sakaniya dahil tutok na tutok siya sa Cellphone niya na parang walang kasama.Kaya kinuha ko rin ang akin at binuksan

"Wag kang gumamit ng Cellphone habang kumakain"bigla niyang sabi habang nasa Cellphone parin ang atensiyon napapahiya ko namang binaba ang cellphone ko saka minadaling kumain

"Dahan dahan lang"sabi niya pa saka binaba ang Cellphone niya at tumingin sakin.Tumayo naman siya saka kumuha ng dalawang basong tubig pag balik naman niya umupo siya sa tabi ko saka humarap sakin.

"Nakita ko kanina sila Khierr at Jasmine habang sumasayaw tayo"sabi niya naman saka nilalaro yung basong may tubig.Natigilan naman ako dahil ang akala ko umuwi na sila."pero nung nakita ako ni Khierr na nakatingin sakaniya umalis din agad"sambit pa niya agad rin naman niyang tiningnan ang muka ko na parang binabasa kung ako ang sinasabi ng muka ko.

"Ah ganon ba"sagot ko nalang sakaniya saka uminom ng tubig.

"Alam mo ba kung bakit nandito sila?"sabi niya saka umayos ng upo "dinalaw nila yung mama ni Jasmine na maysakit"ani niya pa kaya nagulat naman ako.

"Si tita Yazzi?"

"Bakit hindi ko alam?"tanong ko saka umupo ng maayos at humarap ako sakaniya

"Ngayon ko lang din nalaman.Habang natutulog ka pumunta ako ng ospital at nakita ko nga na nandoon ang nanay niya"kwento niya pa saka kumuha ng isang saging at binalatan."Pero ang alam ko bukas din ay aalis silang dalawa"sabi niya sabay kagat sa saging

"Samahan mo kong dumalawa sakaniya"pakiusap ko naman.Taka naman siyang tumingin saakin

"Saka na kapag naihatid nanatin sila"sabi niya saka kinuha ulit ang Cellphone niya.Ano bang meron sa cellphone niya bat hindi niya maiwan iwan.Dahil sa inis ko tumayo na ko saka umakyat ng kwarto.Bahala ka sa buhay mo

"Matutulog kana?"pahabol niyang sabi kaya tumango nalang ako habang nakatalikod

Dumaretso agad akong Cr saka nag toothbrush.Hanggang sa makatulog naulit ako

K I N A B U K A S A N

CLYDE's Point of View

"Matutulog kana?"pahabol kong tanong sakaniya pagkatapos niya akong iwan nakita ko naman na tumango siya kaya binalik ko nalang ang paningin ko sa cellphone ko.

Meron kasi akong iniistalk nakita siya dati pa ngayon ko lang naalala.

Yaz lopez

Actually nakita ko nasiya dati nakasalubong ko siya sa mall,hindi ko alam kung bakit sinundan ko siya at narinig ko naman na sabi nung isang babae sakaniya na so Yaz Lopez nice to meet you

Dahil sa dami kong iniisip dati nakalimutan ko na.Ng makita ko yung bio niya nakasulat don yung karma is a bitch

Karma is a bitch?what the

Nakita ko naman na Complicated yung status niya.

At mutual niya si Khierr.Hindi ko nalang ginawang bigdeal kasi baka kakilala lang naman niya somewhere diba

Umakyat narin ako ng kwarto saka natulog

K I N A B U K A S A N

Pagkagising ko ako nalang tao dito sa kwarto kaya nagapura akong maligo at gumayak dahil ngayon ngapala ang alis nila.

Nang matapos ako napadaan ako sa nakaawang na kwarto ni Tita Jan at narinig ko namang nag salita si Kyla

"Mom gusto ko lang po na sumama ihatid sila"si kyla

"Babalik rin naman daw po si Clyde dito"dagdag paniya

"Si Clyde naman pala ang kasama mo,alam ko namang hindi kaniya pababayaan"si Tita Jane

Si Clyde naman pala ang kasama mo,alam ko namang hindi kaniya pababayaan

Si Clyde naman pala ang kasama mo,alam ko namang hindi kaniya pababayaan

Si Clyde naman pala ang kasama mo,alam ko namang hindi kaniya pababayaan

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa narinig ko.So may tiwala sakin si Tita hehe





To be continue

FateWhere stories live. Discover now