Chapter 38

7 3 0
                                    

CEVIN KHIERR's Point if View

Iba pala yung sakit na makita mo yung babaeng gustong gusto mo na kasama ang iba.Para kang ginugulungan ng Pampatag ng lupa badtrip.

Nung nakita ko siyang sumasayaw kasama si Clyde badtrip para akong binuhusan ng malamig natubig.Nakikita mo yung babaeng pinangarap mo masaya kaso sapiling ngalang ng iba.Nakakabadtrip napakaraming hadlang sa love story namin

"Khierr bakit ba kasi hindi moko makuhang gustuhin"biglang sabi ni Jasmine habang pinag mamasdan yung mama niya na nakahiga.Yung mama niya kasi may bone cancer kaya sumama ako para makita ko kung ayos lang ba ang lagay.

"Ano magagawa ko kung hindi kita magustuhan,talagang si Mikyla ang tinitibok ng puso ko eh"inis kong sabi.Lagi nalang niya kasing tinatanong sakin yun tuwing wala siyang masabi.Nababad trip naman ako sa pagdikit dikit niya na hindi ibig sabihin na kasama ko siya nakalimutan ko yung pinag gagagawa niya kay Mikyla At Timothy

"Maganda naman ako,sexy,maputi hindi ngalang mabait"nakanguso niyang sabi saka tumingin sakin "hanggang ngayon ba hindi mo parin siya nakakalimutan.Nakita mo naman diba na masaya na siya kay Clyde"sabi niya sakin saka umikot ng 360 ang mata niya.See pano kita magugustuhan tsk

"Nililibang lang siguro niya ang sarili niya,saka alam ko naman na hindi ako sasaktan ni Mikyla"inis na sabi ko saka lumabas.

Pinagbigyan ko lang talaga si Jasmine pero kapag naging ok na ang lahat hinding hindi ko na hahayaan na magkahiwalay pa kami ni Mikyla.At pinangangako ko na tutuparin ko ang pangako ko sakaniya noong bata palang kami ano man ang mangyari.Kasi hindi ako naniniwala na promises are ment to be broken.Kasi promises are ment to be fulfilled

Saka alam kong hanggang ngayon pinanghahawakan yon ni Mikyla

Bakit ba kasi bumalik pa ang alala ala ko,sana wala nalang ako naalala para hindi ako nasasaktan ng todo ngayon.Lagi akong nakikiusap kay Jasmine na hayaan na kami ni Mikyla na maging masaya pero ayaw niya talaga.

Bago kami bumalik sa Pilipinas may sinabi ang mama ni Jasmine sakaniya

"A-Anak alam kong alam mo na mula una palang na s-si kyla ang gu-gusto ni Khierr.Hindi ko alam kun-kung ano ang ginawa mo,p-para makasama niya p-pero ang gusto kolang sabihin sayo bago ako m-mawala na w-wag mong hayaang kainin ka ng galit at inggit mo"nanghihinang sabi ni mama niya,nakita ko naman na unti unting bumaksak ang balikat niya."Gusto ko i-ipangako mo saakin na ha-hayaan mo silang sumaya ni Kyla anak"umiiyak na sabi ng mama niya.Napatingin naman saakin si Jasmine saka agad ding binalik sa mama niya na ngayong nakatingin sakin

"I-ikaw khierr g-gusto ko lang na wag mong saktan ang anak ko sakabila ng ginawa niya"nakaharap at nakatingin sa mata kong sabi niya.Napa buntong hininga naman akong tumango.Pag katapos non ay unti unting pumikit ang mata niya.Hindi na nabigla si Jasmine dahil alam naman niya na talagang hirap na talaga ang mama niya.

Hanggang sa nailibing na ang mama niya.Iyak lang ng iyak si Jasmine kaya lagi ko siyang pinakakalma.Pilit naman niyang nilalayo ang loob niya saakin dahil sa sinabi ng mama niya

"Wag mo munang isipin yung sinabi ng mama mo,alam kong sa ngayon ako lang ang malalapitan mo kaya nandito lang ako para sayo"pinakakalma kong sabi siya

"Ang dami kong nagawa sayo,sainyo.Siguro ito na nga talaga yung panahon para hayaan ko kayong maging masaya"sabi niya na sahalip na matuwa ako hindi ako natuwa dahil inisip ko na si Mikyla maraming nag mamahal sakaniya kaya kahit na wala ako pansamantala sa tabi niya ay sasaya siya.

Hindi kagaya ni Jasmine na walang magulang tapos wala pasiyang mga kaibigan na dadamayan siya kapag nalulungkot siya kaya hindi ko siyang iwan ngayon lalo na kamamatay palang ng mama niya.

"Alam ko naman na kaya molang nagawa ang lahat ng iyon ay dahil sa selos na naramdaman mo"sabi ko saka siya tiningnan ng seryoso "mananatili akong pansamantala sa tabi mo basta't mangako ka na wag kana ulit mananakit ng iba"ani ko pa saka siya niyakap

"Patawad at salamat Khierr"umiiyak na sabi niya "ipapangako ko din na sa oras na masawa at gusto mong balikan si Kyla ay papayagan kita ng bukal sa puso ko"nakangiting sabi niya saka nag lahad ng kamay sakin

"Friends?"

"Friends"sabi ko saka ginulo ang buhok niya.Kaya naman pala niyang maging mabait nagpakain lang talaga sa selos

Kinabukasan din bumalik na kami sa Pilipinas dahil ang sabi ni Timothy kailangan na talaga namin na kumpletuhin ang natitirang araw ng pasukan kasi kapag hindi maari kaming mapaalis sa paaralan at wala nang tatanggap na kahit ano samin.

Ng makarating kami hinatid ko naman si Jasmine sa lolo't lola niya saka umuwi nadin ako.

Si Mikyla naman doon na talaga sila titira ng pamilya niya kasi nalaman ko din na akala ni Tita Jane na kabit ng asawa niya si Mama.kahit nung una mejo nabigla ako nawala rin ng makapag paliwanag si mama sakin.Na alam ko na hindi niya magagawa yun dahil mahal na mahal niya kami

K I N A B U K A S A N

"Sigurado kabang papasok kana anak?"ulit saakin ni mama habang pinupunasan ang kamay niya "Baka naman pagod kapa hanggang ngayon"sabi niya pa saka lumapit saakin at umakbay

"Ma kailangan ko na talagang pumasok kundi mapapatalsik ako"paliwanag ko saka tipid na ngumiti

"Ikaw naman kasi kung ano ano ang ginagawa mo"masungit na sabi niya saka bumalik sa niluluto niya

"Ma sinabi ko naman na sayo kung bakit ko yun ginawa"buntong hininga kong sabi

"Alam ko naman pinapaalala ko lang"nakatalikod niyang sabi habang hinahalo ang niluluto niya.Nang mag apaalam ako sakaniya dinaanan ko naman si Jasmine para sabay na kami pumasok

Nalaman ko din na nag drop out si Zoe dahil natatakot nasiya sa pwedeng gawin ni Jasmine.Ikaw banaman kasing hiwain sa noo hindi ka matatakot tsk

Mas lalo namang dumami ang may galit kay Jasmine ng malaman nila yung ginawa niya kay Mikyla,Timothy at Zoe yung iba nga pinagtitripan siya,hindi nalang siya gumaganti dahil kasalan naman talaga niya

Yung tungkol naman kay Timothy sobrang galit parin si Tim kaya tuwing lumalapit si Jasmine sakaniya para humingi ng tawad iniiwasan naman agad ni Tim.Mejo nagkalamat narin yung relasiyon naming dalawa ni Tim bilang magkaibigan.Hindi niya rin kasi matanggap na sa dami ng ginawa ni Jasmine saamin hindi ko parin siya iniiwan.Abo't naman ang paliwanag ko pero wala eh

"Iwan mo nalang ako Khierr ok lang naman sakin,kesa nakikita ko kayong dalawa ni Timothy na nahihirapan dahil sakin.Saka alam ko naman na si Timothy nalang ang natitira sayo"pangungulit niya sakin.Sinasabi ko naman sa kaniya na ok lang ako at magiging ayos din ang lahat.

Yung mga kaibigan naman ni Mikyla umiiwas din saakin dahil narin kay Jasmine kaya ending laging kami ni Jasyang magkasama.

"Kyyyaaa hindi manlang nag sabi si Clyde na may balak pala siyang manligaw kay Kyla"rinig kong sabi ni Bea

"may balak pala siyang manligaw kay Kyla"

"may balak pala siyang manligaw kay Kyla"

"may balak pala siyang manligaw kay Kyla"

Napalingon naman ako kay Bea kaya lang nung nakita niya ko inirapan niya lang ako saka tinarayan.

Pero akala ko ba ako lang ang gusto niya.Tsk kabadtrip.

Sabagay nag babago ang nararamdaman saka hindi ko naman siya masisi kung bakit nahulog siya kay Clyde


To be continue

FateWhere stories live. Discover now