Chapter 18

13 6 0
                                    

MIKYLA's Point of View

"Kakaiba na yung panaginip ko ngayon isang batang babae at lalaki na nangako na mag papakasal"simpleng sabi niya

Natigilan naman ako sa sinabi niya saka binaba ang tingin

Hindi ako umaasa na kaming dalawa yun

Pero yung luha niya kitang kita ko kung paano pumatak ehh

Kung normal na panaginip yun bakit niya kailangan umiyak

Maya maya lang din nung naka recover siya

"Matulog kana ulit,sorry kung naabala ko"sabi niya saka ako nginitian ng tipid

Nang humiga ako sa lap niya hindi mahinto yung mata kong tumingin sa magkabilang gilid

Hindi ko naman pinahalata sa kaniya na natatakot ako kasi aasarin lang ako niyan

"Nararamdaman mo ba yung nararamdaman ko?"mahina pero seryoso niyang sabi

"A-Ano ba ang sinasabi m-mo"utal kong sabi nakaniya

"Ssshhh"pigil niya saakin saka tumingin sa magkabilang gilid

Hindi ko na talaga maiwasan yung takot...natatakot na talaga ako

"Umalis na tayo dito CK"kinakabahang sabi ko

Aaaaaa bakit kapag natatakot ako Ck ang naipapangalan ko sakaniya

"Hindi pwede,ang sabi sakin ni Lola kapag daw meron nararamdamang kakaiba dapat manatili sa pwesto kasi kapag daw gumalaw o gumawa tayo ng ingay mabubulabog sila"seryosong ulit ni Ck

Kaya napatakip nalang ako ng tenga at hindi maiwasang umiyak

Lolo......

Gusto kitang makasama lolo at lola uuwi na ako jan

Kapag may mga ganto akong na eencounter si lolo at lola ang nilalapitan ko,feeling ko kasi secured ako ehh

"Bakit ka umiiyak!"sabi naman niya

Nanatili ako sa ganong sitwasyon ng pinaglaruan niya ang nakapusod kong buhok

"Niloloko lang naman kita ehh wala namang ligaw na you know"sabi niya pa

"Hindi magandang biro yun Ck alam mo namang ayaw na ayaw ko sa ganun eh"umiiyak pang sabi ko

Pinaka ayoko ng niloloko ako sa mga kinakatakutan ko

"Joke lang naman yun saka hindi naman totoo yun"sabi naman niya saka ngumisi

"Shh tahan na"sabi niya pa saka pinunasan yung luha ko

"Tuwing natatakot ka laging Ck yung tawag mo sakin ha!sana lagi kanalang natatakot"sabi naman niya habang nakangis

Ibig niyang sabihin gusto niyang tawagin ko siyang Ck

"Wag mokong kausapin!"masungit na sabi ko saka natulog

Hindi na ako nag isip ng ano ano dahil antok na antok na ako

Pagkagising ko nagulat nalang ako ng mahuli kong nakatitig saakin si Ck

"Mag ready kana aakya na tayo"sabi niya saka sinuklay ang buhog gamit ang daliri niya

Nanatili pa rin akong walang imik dahil sa kagabi

"Galit kapaba sakin?"tanong niya

Halata naman diba!

"Hindi tayo aakyat hanggang hindi mo ako kinakausap"sabi niya pa

Kung ayaw mo ako nalang ang aakyat

"Mikyla kausapin mo ko,look sorry sa kagabi hindi ko sinasaja kausapin mo lang ako promise mo kapag nakauwe tayo pupunta tayo ng mall"sabi niya pa

Natigilan naman ako

Dati naming gawain yun ehh para maging masaya siya o kaya ako nag pupunta kami ng mall para mag laro

"Gagawin mo yun?"sabi ko naman saka umayos ng tayo

"Basta kausapin mo ko eh"nakanguso naman naman niyang sabi

"Fine!basta wag mong uulitin yun"sabi ko saka hinawakan siya sa braso

"Tara na umakyat kana aalalayan kita"sabi naman niya

Sinunod ko naman siya at dahan dahang umakyat

"Careful Mikyla"sabi naman niya

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakahalata nun ehh pero sa lahat ng nakakakilala sakin siya lang talaga tumatawag sakin sa full name ko

Sila mommy,daddy at kuya kyla ang tawag sakin

Siya naman Mikyla pero anyway

Ng makarating ako sa taas siya naman ang umakyat

Hanggang sa makaakyat kaming dalawa hindi naman namin napigilang ngumiti sa isa't isa

Habang nag lalakad kami naisipan naming pumito ng pumito nag babakasakali na may nakakarinig saamin

"KYLLLLAAAAA"rinig kong sigaw ni Clyde

"S-Si Clyde!"masaya kong bati sakaniya

"Narinig lang yung boses masaya na agad"sabi naman niya saka inayos ulit ang buhok

"Syempre masaya ako dahil makakabalik na tayo"sabi ko naman habang naka ngiti

"Ang sabihin mo masaya ka dahil makakasama mo nanaman siya"masungit na sabi niya

Anong problema nun

Parang may saltik lang Depungal talaga

"Badtrip ka"sabi ko nalang

"Ako pa ngayon ang badtrip"inis na sabi niya

"Eh bat ba nagkakaganyan ka,si Clyde lang pag aawayan natin"inis na sabi ko din

Hanggang sa may nakikita na kaming tent

"Pano kasi lagi nalang si Clyde!ako yung kasama mo pero iba ang hinahanap mo,hindi kaba sanay makuntento kung ano meron ka"sabi niya saka ako iniwan

Depungal talaga lakas ng trip


To be continue

FateWhere stories live. Discover now