12

2.3K 81 13
                                    

12

INILAGAY ni Kathryn ang kanyang kamay sa balikat ni Daniel at hinila palayo kay Michelle. Ngumiti siya ng matamis sa binata at sa gulat na babaeng nakatunganga sa kanya. "Babe, who is she?"

Kumunot ang noo ni Daniel sa narinig mula kay Kathryn. "B-Babe?"

"Babe, hindi mo ba ako ipapakilala sa friend mo?" tanong ni Kathryn. Pagkatapos ay ibinigay niya ang atensyon kay Michelle na mukhang nakabawi na sa unang pagkabigla at tiningnan na siya ng masama. "My name is Kathryn Bernardo, Daniel's girl. You are? Anong relasyon niyong dalawa?"

Inismiran ni Michelle si Kathryn at humalukipkip. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa kanya. I want him to take me back because I am –"

Kathryn gave out a short gasp. "Oh my gosh, I am not aware. I am so sorry."

"Mabuti naman alam mo na kung sino ako. Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa'yo kung ano talaga ang relasyon namin ni Daniel –"

"Babe, hindi mo naman sinabi na nagmamakaawa itong babae na ito na ibalik mo siya sa trabaho niya bilang maid sa bahay niyo. Ikaw naman, maawa ka naman sa kanya," sabi ni Kathryn kay Daniel.

Nagulat naman ang binata sa biglang inasta ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na si Kathryn ang babaeng dinala niya pauwi galing sa bundok. Ang takot na babaeng ito na pinilit pa niyang iuwi ay biglang naging tigre ngayon habang kaharap ang kanyang dating kasintahan.

Na-eskandalo namang tiningnan ni Michelle si Kathryn. "What the hell! I am not a maid! I am his fiancee!"

"Ex-fiancee...Dahil wala na kayo," mataray na singit ni Magui.

Sinamaan ng tingin ni Michelle si Magui. Napaatras naman ang bata dahil naalala nito ang ginawa sa kanya noon ng dating kasintahan ng kanyang kapatid. Lumipat naman si Kathryn sa harapan ni Magui para siya ang sumalubong sa galit ni Michelle. "Look here lady, wala ka ng babalikan sa pamamahay na ito dahil nandito na ako. Ang tanga-tanga mo kasi. Ginto na pinakawalan mo pa. And while looking at you, I can't help but to think that Daniel really upped his standards by going out with me. So better scram dear, habang nakakatimpi pa ako."

"Bitch," sambit ni Michelle. "Hindi mo ako basta-basta mapapaalis. Akin si Daniel. Una siyang naging akin and he loves me so much."

Tumango si Kathryn. "He loved you so much. Past tense, Michelle because you belong to the past now. Hindi na dapat binabalikan kasi history ka na lang."

"Sa mga school nga binabalikan ang history eh, bakit hindi natin i-apply sa totoong buhay. Mark my words, Ms. Bernardo...I will get what is mine," sabi ni Michelle.

Itinaas ni Kathryn ang kanyang kamay at sasampalin sana si Michelle pero nahuli ni Michelle ang kamay niya. "You can't hurt me, bitch."

The Isolated Maiden (Maiden #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon