3

2.7K 65 7
                                    

3

"M-MAGHUHUBAD ako?" ulit ni Daniel sa sinabi ng dalaga. Umakyat na ata lahat ng dugo niya sa mukha niya. Hindi maipagkakaila ang pamumula ng kanyang pisngi. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kakakilala lamang nila ni Kathryn pero gusto na agad ng dalaga na makita siyang nakahubad.

Wala sa sariling inilagay niya ang kamay sa ulo at tumungo. Nahihiya siya sa babae. Hindi niya alam kung bakit ganito ang inaakto niya sa harap nito. Marahil dahil iba ang dalaga sa mga babaeng nakilala niya. Hindi man lang ito natinag sa pagsabi na maghubad siya.

"Bakit ba ang tagal mo maghubad?" tanong ni Kathryn na may halong pagkainis sa boses. "Gusto mo ba talagang magkasakit?"

Agad na iniangat ni Daniel ang kanyang ulo para tingnan ang dalaga. Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan ang sinabi ng babae.

"Anong ibig mong sabihin?" saad ni Daniel. Ibinaba na niya ang kanyang mga kamay mula sa kanyang ulo at nawala na rin ang pamumula ng kanyang mukha. Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig sa mga sinabi ng babae. Mali nga ba ang kanyang iniisip?

"Gusto kong kunin ang mga damit mo para ibigay kay Cola ng malabhan na mga iyan. Basa ang mga damit mo at baka magkasakit ka niyan. Wala akong damit ng lalaki sa mansyon kaya habang nilalabhan ang mga damit mo baka gusto mo muna ng bed sheet. Iyan lang ma-ooffer ko sa'yo," paliwanag ni Kathryn.

Nanlumo naman si Daniel sa narinig. Masyado niya kasing pinatakbo ang pagiging mahalay niya sa isipan niya kaya kung ano-anong konklusyon na lang ang nakukuha niya. Umiling-iling siya at tumingin sa dalaga. Tumango na lamang siya bilang sagot.

Pumunta na si Kathryn sa pinto. "Si Dash na ang maghahatid sa iyo sa guest room. Kapag may kailangan ka pa, sabihan mo lang siya." Tumingin ang dalaga sa isa pang robot at nagpatuloy, "Cola, siya si –"

Huminto ang dalaga at tumingin kay Daniel. Hindi pa pala niya alam ang pangalan ng binata. Nakalimutan na niya itanong dahil sa pag-aasikaso niya sa sugat nito.

"Daniel Padilla," sagot naman ng lalaki.

"Ako nga pala si Kathryn Bernardo," pagpapakilala naman ng dalaga. Tumingin ulit si Kathryn sa robot niya. "Cola, siya si Daniel Padilla. Kapag may kailangan siya, kayo na ang bahala. Kapag may tanong siya kayo na ang sumagot. Pero hindi niyo siya bibigyan ng access sa lahat ng may kinalaman sa programming ng mansyon."

"Masusunod po," sagot ni Cola.

Muling tumingin si Kathryn sa binata bago umalis. "Ihahanda na nila ang pampaligo mo. Huwag mong kalimutan ibigay kay Cola ang mga damit mo para malabhan."

Naiwan si Daniel sa loob ng library. Bumuntong-hininga siya. Napatingin siya sa buong library at hindi niya ulit maiwasan na mamangha dito. Napakagaling talaga ng babae pagdating sa mga computers. Ito lang ang makakatulong sa kanya para alisin ang virus sa computer system ng kumpanya.

Pero paano niya kukumbisihin ang babae na sumama sa kanya at bumaba sa bundok nito? Ito lamang ang makakasalba sa proyekto ng kumpanya. Magagahol lamang sila sa oras kapag nagsimula pa sila mula umpisa. Kailangan na lang nila isalba lahat ng files mula sa virus at matatapos na ang problema ng kumpanya.

Kailangan niya mag-isip ng paraan para maisama niya ang babae sa pagbalik niya sa lungsod.

Tumingin si Daniel kay Dash. "Ganyan ba lagi ang amo mo?"

Palibahasa, hindi gaanong na-built ng dalaga ang vocabulary ng robot na si Dash kaya hindi nito naintindihan ang mga sinasabi ng binata. "Hindi maintindihan ang tanong, pakiulit."

"Hindi ko rin maintindihan," bulong ni Daniel, ngunit narinig pa rin ito ni Dash.

"Hindi naman iyan tanong," wika ng robot.

The Isolated Maiden (Maiden #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon