5

2.7K 86 22
                                    

5

HINDI pa rin alam ni Kathryn ang isasagot sa binata. Nanatili siyang tahimik.

Ngumiti na lamang si Daniel at hinalikan sa ulo ang babae. “Hindi ko naman minamadali ang sagot mo. Mukhang matatagalan pa naman ang alis ko dito dahil sa bagyo. Basta ipangako mo sa akin na pag-iisipan mo ng mabuti ang proposal ko.”

Tumango si Kathryn.

Wala ng umimik sa kanilang dalawa hanggang sa basagin ng dalaga ang katahimikan. “Gusto mo na bang makita si Nacho?”

“Oo naman. Pero kailangan ko muna sigurong magbihis,” sabi ni Daniel. Tumingin siya sa maliit na tela na suot-suot niya. Sinundan naman ni Kathryn ang tingin ng binata. Namula siya ng makita kung saan ito nakatingin at bigla na lang siyang umiwas.

Tumayo na silang dalawa mula sa sofa at sinamahan ni Kathryn ang binata hanggang sa guest room. “Dito na lang kita aantayin.”

“Pwede mo naman akong samahan sa loob. Libre lang naman manuod sa pagbibihis ko,” saad ni Daniel.

Namumulang hinampas ni Kathryn ang binata at tinalikuran ito. “Bilis na. Magbihis ka na. Dito lang ako sa labas.”

“Bahala ka! Your loss,” wika ni Daniel at pumasok na ng guest room.

Napakagat na lang ng labi si Kathryn at napaupo sa lapag dahil kahihiyan. Masyado ng mabilis ang pangyayari sa kanila ni Daniel. Masyadong malakas ang atraskyon niya sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit.

Pero ano nga naman ang aayawan niya sa binata. Nag-uumapaw ang sex appeal at kagwapuhan nito. Mapungay at expressive ang mga mata. Matangos ang ilong. Malambot na mga labi. Malapad na balikat. Toned abs. Big hands and long fingers.

Umiling siya. Pilit niyang iniwawaksi ang imahe ni Daniel sa kanyang isip. Para kasing nag-iinit siya kapag iniisip niya ito.

Biglang nagbukas ang pinto ng guest room at napasinghap si Kathryn. Nagulat siya sa biglang paglabas ni Daniel sa pinto.

“I’m ready...” saad ng binata.

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan nito. Nakasuot ito ng itim na t-shirt at khaki shorts.

“Tara na?” tanong ng binata.

Tumango si Kathryn.

Sinundan ni Daniel ang dalaga papunta sa workroom nito. Pumasok sila at masiglang nagsalita si Kathryn, “Welcome sa workroom ko!”

Nilampasan ni Daniel ang dalaga at pumasok na sa loob ng kwarto. Napanganga siya habang tinitingnan ang mga computers at machine sa loob.

“I don’t believe this,” bulong ni Daniel habang nilibot ng tingin ang buong kwarto.

Madami siyang tanong, pero alam niyang hindi ito sasagutin ng dalaga.

“Madami ka bang alam na computer lingo?” tanong ng dalaga sa binata.

Umiling ito. “Kaunti lang. Nagagamit ko lang ang computer sa kumpanya namin para maghanap ng files or gumawa ng reports. Pero wala akong alam sa advance software o sa hardwares ng isang computer.” Tumingin ang binata sa dalaga. “Bakit? Natatakot ka bang makita ko ang sekreto ng mga ginawa mong robots?”

Nasilayan ni Daniel ang sakit sa mga mata ni Kathryn. Umiwas ng tingin ang dalaga at tinalikuran siya. Maagap naman niyang hinawakan ang braso ng babae. “I’m sorry.”

Hindi alam ni Kathryn kung paano nalaman ni Daniel na nasaktan siya nito. “Hindi mo naman kailangan mag-sorry.”

“Kailangan. Katulad mo, hirap na rin akong magtiwala sa mga tao ngayon. I’m sorry,” sabi ni Daniel.

The Isolated Maiden (Maiden #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon