6

2.6K 89 20
                                    

6

SA tulong ng robot na si Dash at sa pagturo nito ng daan papunta sa kwarto ni Kathryn ay naihatid ni Daniel ang dalaga sa sarili nitong kama. Hinawi niya ang buhok na nagtatago sa magandang mukha nito at kinumutan. Buhay na ang aircon pagkapasok pa lang niya ng kwarto. Parang may sariling buhay ang buong mansyon ng babae.

Umungol si Kathryn dahilan na magwala nanaman ang parte ng katawan niya sa ibaba. Ipinikit niya ang mata at tinalikuran na ang dalaga. Mahimbing na ang tulog nito. Hindi niya ito gigisingin para sa sariling kapakanan. At isa pa, pareho silang lasing at parehong nadala lamang sa nangyari.

Lumakad na siya palabas ng kwarto at nakita niyang nakatayo pa rin doon si Dash. Uminit nanaman ang kanyang ulo pagkakita sa robot.

“Anong ginagawa mo diyan?” tanong niya dito.

“Inaantay ka. Kailangan ka ihatid sa kwarto mo,” sagot naman ni Dash.

Humalukipkip siya at sinimangutan ang robot. “Hindi na ako bata. Alam ko na papunta sa guest room. Tinuro mo na yun kanina, di ba?”

“Hindi ka bata, tao ka,” wika ni Dash.

Inis na ginulo ni Daniel ang kanyang buhok.  Malapit na siyang mabaliw dahil kay Dash. Sa lahat ng robot na ginawa ni Kathryn, si Dash ang pinakapakialamero sa lahat. Lahat na lang ng kilos niya binabantayan. Lahat na lang ng kilos niya pinupuna. Kung hindi lang siya masasaktan kapag sinuntok niya ito, marahil matagal na niya ginawa iyon.

Binigyan niya ito ng matalim na tingin bago ito tinalukuran at naglakad palayo dito. Pero hindi naman siya tinantanan ng robot at sinundan siya hangga’t makarating siya sa kwarto.

“Oh, wag mong sabihin hanggang sa loob ng kwarto ko sasamahan mo ko?” saad ni Daniel.

“Hindi maintindihan ang tanong, pakiulit,” wika ni Dash.

“Ewan ko sa’yo!” angil ni Daniel sa robot at pumasok na sa guest room. Malakas niyang binalibag ang pinto.

Nagulat siya ng biglang nabuhay ang aircon sa loob ng kwarto. Bumuntong-hininga siya. Kakaiba talaga ang bahay na ginawa ng isang Kathryn Bernardo.

Naglakad siya papunta sa banyo.

“I need a cold shower,” bulong nito bago pumasok.

MAAGANG nagising si Daniel kinabukasan. Naghilamos at nagsipilyo muna siya bago bumaba. Nabungaran niya si Cola sa ibaba ng hagdan.

“Cola,” tawag niya sa robot. “Gising na ba si Princess?”

“Sino si Princess?” tanong ng robot sa kanya.

“Ay, si Kathryn pala. Gising na ba siya?” aniya.

The Isolated Maiden (Maiden #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon