2

3K 80 17
                                    

2

"ANAK, may problema ka ba?" tanong ni Karla sa anak.

Kanina pa kasi niya napapansin ang malungkot na mukha ng binata. Pinaglalaruan lang niya ang pagkain sa plato at halatang walang gana. Naisip niya na baka pagod lang ito sa trabaho pero bilang isang ina, alam niyang may malalim pang pinanghuhugutan ang kanyang anak.

"Wala Ma...pagod lang ako," sagot ni Daniel.

"Daniel hah, alam kong hindi dahil lang sa pagod yan. Sabihin mo sa akin kung ano talaga ang problema mo..." saad ni Karla.

Tiningnan niya ang dalawa pa niyang anak na babae na sina Magui at Carmella. Kumakain ng tahimik ang mga bata pero alam niyang nakikinig ito sa usapan nila. Pinabayaan na lang niya. Magkapamilya sila. Ang problema ng isa, problema ng lahat.

Binitawan ni Daniel ang hawak na kubyertos at ginulo ang kanyang kanina pang magulong buhok. Halatang frustrated ang binata at nasasaktan.

"I broke up with Michelle..." sabi ni Daniel sa basag na tinig. "We're not engaged anymore. Hindi na kami ikakasal at nai-cancel ko na ang marriage preparations."

Suminghap si Karla. "Ano?! Bakit?! Anak, baka naman pwede niyo pang pag-usapan ang problema. Bakit mo kinansela agad ang pagpapakasal niyo?"

"She cheated on me Ma. She's sleeping with someone behind my back," singhal ni Daniel. "I think she wanted to marry me because of my money and what I can give. I loved her, Ma. I truly loved her."

Bago pa makapagsalita ang ginang ay sumingit si Magui sa usapan. "She's a bitch. I'm happy you've known her colors before you actually marry her."

Nanlaki ang mga mata ni Karla. "Magui! Huwag kang makisali sa usapan ng mga matatanda."

"I'm not a child anymore Ma. I'm telling you. That woman is a bitch. Inaaway niya ako at si Carmella. We kept quiet about it because we knew kuya Daniel loves her. We couldn't take his happiness away," sambit ni Magui.

Ngumiti ng mapait si Daniel.

Napakamatiisin talaga ng mga kapatid niya pagdating sa kanya. Laging inuuna ng mga ito ang kanyang kasiyahan. Bakit nga ba hindi niya nakita kung ano talaga si Michelle? Malamang dahil nabulag siya sa pagmamahal. He's so in love with the idea of being in love na hindi niya napapansin kung ano ang epekto nito sa mga taong nakapaligid sa kanya.

He needed to move on. He needed to forget.

Pagkatapos niyang mag-move on, pinapangako niyang hindi na ulit siya mabubulag ng pagmamahal. Wala ng babae pang makakagamit sa kanya. Wala ng babae pang makakaloko sa kanya.

He had enough of love.

Bumuntong-hininga si Daniel bago tumingin sa ina. "Ma, can I go mountain hiking? I miss the nature. When I was a kid, dad used to bring me there all the time. When he died, tsaka lang ako huminto pumunta sa kabundukan. Pero ngayon, I think I needed it. I want to take some time to heal. Mga 3 days, kahit 3 days lang, I want to forget everything."

Lumungkot ang mukha ng ginang. Naaawa siya sa anak. Siyempre papayagan niya ang binata. Sino ba siya para ipagkait dito ang tsansang mag-move on?

"Sure anak. Take your time," sambit ni Karla.

"Pero paano po ang kumpanya –"

Pinutol ni Karla ang sasabihin ng anak. "Daniel...nandon naman si Sam. Wag mo muna intindihin ang kumpanya. For once, intindihin mo muna ang sarili mo."


KINABUKASAN, pagkatapos ihanda ang kanyang mga gamit, nakasakay na si Daniel sa kanyang jeep commander habang tinatahak ang daan papunta sa kagubatan. Ipinasok na lang niya ang kanyang sasakyan sa maputik at masukal na daan para hindi ito mawala at madali niya itong mapuntahan pagbalik niya mula sa kabundukan.

The Isolated Maiden (Maiden #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon