6: Make you fall inlove again

165 5 0
                                    

** THIRD PERSON's Point of View **

Natapos maglipat ng mga gamit si Solenn sa pad nya ng mga bandang 4pm.

Kanina pa umalis si Stephen, ngunit hindi parin makalimutan ni Solenn yung pag-uusap nila kanina...

* - - - Flashback - - - *

Umiwas si Solenn ng tingin nang makita nya ang mga mata ni Stephen na nagsasabing nasasaktan ito.

"Matagal na tayong tapos." she answer in a flat tone.

"Baket?" nakayukong tanong ni Stephen.

"Anong baket? Tigilan mo na to Stephen. Matagal na yon, kalimutan mo nalang." pasigaw na sagot naman ni Solenn.

"Dahil ako kinalimutan ko na yon." dagdag pa nya sa pamamagitan ng mahinang salita. Tatalikod na sana sya kaso biglang nahagip ni Stephen yung braso nya at hinawakan ng madiin.

"Ano ba? Nasasaktan ako." pagpupumiglas ni Solenn.

Iniharap ni Stephen si Solenn sa kanya para magtama ang mga mata nila.

"Pano mo nakayang kalimutan nalang? Pano mo nakaya na umalis ng walang pasabi-sabi? Pano mo nakaya na iwan ako? Ganon lang ba yon? Parang laruan na pinagsawaan at itatapon nalang basta-basta pag ayaw mo na?!" halatang pinipilit ni Stephen na pakalmahin ang sarili kaso hindi nya talaga mapigilan at napapataas na ang boses nya.

Hindi sumagot si Solenn dahil nararamdaman nyang nasasaktan din sya sa mga sinasabi ng binata.

Nung hindi umimik si Solenn, nakabuntong hininga naman si Stephn, kinocontrol na hindi sumabog sa galit.

Dahan-dahang binitawan ni Stephen ang wrist ni Solenn, at naglakad nalang papunta sa pintuan.

Habang si Solenn, pinipigilan na tumulo ang kanyang mga luha.

'Kailangan kong maging matapang, sasaktan at sasaktan ka lang nya.' Yan ang iniisip ni Solenn kaya kelangan nya maging matapang para harapin ang nakaraan.

Nasa tapat na ng main door si Stephen, hinawakan nya ang door knob at akmang bubuksan na ito ngunit biglang binitawan at nagsalita ng hindi nililingon si Solenn.

"Pano mo kinakaya na sinasaktan mo ko ng ganito ng paulit-ulit?" kuyom ang mga palad at nakayukong saad nya.

Hindi na napigilan ni Solenn ang luha nya, may biglang pumatak sa kanyang mga mata kaya maagap na pinunasan ito.

Hindi nya alam kung anong sasabihin o gagawin sa lalaki.

'Bakit may epekto parin sayo ang nakaraan Solenn, tapos na yon. Ibinabaon nalang dapst sa limot anh mga yon.' pangungumbinsi ng utak nya.

"Ikaw ang unang nanakit Stephen. HINDI AKO!!" halos mabasag na ang boses nya dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng kanyang mga luha na pilit nyang pinupunasan gamit ang kanyang mga kamay.

Para namang tangang napa-straight body si Stephen sa narinig. Alam nyang umiiyak na ang dalaga dahil narin sa tono ng boses nito, kasi hindi nya alam ang pinagsasabi nito.

'Sinaktan? E halos puro pagmamahal nga lang ang ibinigay ko sa kanya e.' sabi ni Stephen sa sarili.

"Ako?" Tanong nya kay Solenn na hindi parin nakaharap sa dalaga.

"Mahal mo pa ba ko, Solenn?"

Para namang sinabuyan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Solenn sa tanong ng lalaki.

'Mahal ko pa ba sya?' tanong nya sa sarili. Naguguluhan na sya.

Hindi umimik si Solenn, kaya nagsalita na ulit si Stephen.

"Then, I'll make you fall inlove with me AGAIN, Bebu!" then he left the pad of Solenn.

* - - - End of Flashback - - - *

Napaupo si Solenn sa pagkaalala doon.

Haaaaay. Nahihirapan na sya.

Isang linggo palang sya sa Pilipinas pero gusto na agad nyang umalis at bumalik nalang ng states. Naguguluhan na talaga sya.

-  -  -  -  -  -

[a/n: Short update, IKnow. hihihih sorry yan lang po kinaya ko ngayon.]

vote and FEED BACK. Be a fan. Lovelots. Huuugiiiie ^o^

Destined for Each Other ( O N G O I N G )Where stories live. Discover now