1: Bat nandito yan?

328 11 3
                                    

Hello Patpat19. Dedicated to you kasi ikaw yung nagsuggest sakin nung title. Thankyou. Keep on supporting po sana. Thankyou. Lovelots. Huug. ^o^

-  -  -  -  -  -  -  -  -  -  -  -  -  -  -  -  -

** SOLENN's Point of View **

"Welcome to the Ninoy Aquino International Airport. Sorry about the bumpy landing. It's not the captain's fault. It's not the co-pilot's fault. It's the asphalt." sabi ng isang flight attendant ng sinakyan naming eroplano.

"Please remain seated until the plane is parked at the gate. At no time in history has a passenger beaten a plane to the gate. So please don't even try. Please be careful opening the overhead bins because 'shift happens'." dagdag pa niya.

Tama kayo ng rinig, pabalik ako ng pilipinas ngayon. Ilang taon din ang nakalipas ng huli kong punta dito.

Haaaaaaaay. Naalala ko na naman ng mga nakaraan.

-  -  -  -  -

Naglalakad-lakad ako sa paligid ng school namin. Hinahanap ko kasi siya. Nagkatampuhan kasi kami kanina.

Habang naglalakad, dinala ako ng mga paa ko sa likod ng school, kung san makikita ang Playground...

At tama ako....

Nandito siya....

Lalapit na sana ako nang makita kong may kausap pala siya....

"Mahal kita!" sabi ng babaeng kausap niya sabay hawak sa kamay niya.

"Mahal naman din kita..." sagot ng lalaki na nagpadurog sa puso ko.

Pagkatapos na pagkatapos ng mga katagang lumabas sa bibig ng lalaki ay umalis na agad ako lugar na yon. MASAKIT!

-  -  -  -  -

Napapikit ako sa naalala ko, masakit parin pala kahit ang tagal na.

Ako nga pala si Marie Solenn Henarez, 23 years old. Simpleng babae NOON. Ngayon? Ewaaaan ko na. Sabi nila - B*tch, Whore, Party girl, Warfreak. Nang dahil lang naman sa kanya kaya ako nagkaganito.

Nakamove-on na ko no! Halos sampung taon din akong nawala dito. Sa tingin niyo, sino hindi makakamove-on dun? *irap face*

[a/n: Defensive te? Wala namang nagtatanong kung nakamove-on kana a? Woooooh, napaghahalataan kaaaa.]

Shaaaataaaap Author, will you? *taraaay* Okaaay, back to what I'm saying. Nagmigrate ang family ko sa States nung 13 years old palang ako, dahil sa business at para na din makalimot.

Nauna na nga pala ang family ko umuwi ng pilipinas last month. Ayoko talaga umuwi dito kaso pinilit lang talaga nila ako. Sabi nila for good na daw ulit kami dito, ewaaaaan. I don't care. Basta ako, ayoko na dito.

Nang nakababa na ako ng eroplano, hinanap ko ang sundo ko. Ang magaling kong kuya. Hindi daw kasi pwede sila mama kasi, ewaaaan ko. Basta si kuya nandito.

Nang nakita ko siya, umalis agad kami sa airport, tutuloy kami ngayon sa dati naming bahay dito. Nandun daw kasi sila lolo, at mga luma kong kaibigan (luma kasi diba nga nagbago na ko? You knooow. :))

Pero binilhan na naman ako ni papa ng sarili kong condo unit. Haha Papa's Girl e. Malakas ako dun, tska ayoko mag-stay kasama sila. Hellooo, I'm 23 years old already. /:)

Habang nasa byahe papunta sa bahay tinanong ko naman si kuya Mario kung bakit nandun yung mga kaibigan ko dati at kung sino-sino.

"Ah, yung bestfriend mo na si Jessa, tska ilang classmates mo nung highschool. Pinapunta sila ni mama dahil nga finally pumayag kana umuwi sa pilipinas." sagot ni kuya sabay kurot sa ilong ko. Nasa backseat kami sa kotse kaya magkatabi kami. Close kami nito, kahit hindi halata. May pagka-isip bata kasi e.

Si Jessa, yea, she is my bestfriend. Hanggang ngayon naman e. Nagkakausap parin kasi kami kahit nasa malayong lugar ako. Isa rin tong tumulong para kumbinsihin ako para umuwi na dito.

Dati kasi nung 18years old ako balak na umuwi talaga nila papa dito. E alam niyo naman, Papa's Girl kaya napilit ko si papa na wag muna umuwi.

"Yea right Kuya. May welcome party pa pala para sakin ngayon?" tatawa-tawa kong sagot tas tumingin sa bintana, nag-cross arms, sabay bulong ng "Ayoko naman talaga umuwi e."

"Hoooooy! Loko ka talaga" sabay pingot sakin, kaya napa-aray ako. Mahina lang naman. Pero alam niyo na, Maarte, you know. "Bat ayaw mo ba kasi umuwi dito ha? My pinaguutangan ka ba? Almost 10years na, limot na nila utang mo no." sabi pa ni kuya Mario ng pabiro.

Hindi kasi nila alam yung nangyari, kung bakit pumayag din ako na magmigrate sa States dati.

"Wala akong pinaguutangan no! Sila may utang sakin.sabi ko sa pahinang boses. Tas hinampas ng mahina lang naman si Kuya Mario sa braso. 

"Kung di lang mawawala ipapamana sakin, di naman talaga ko uuwi dito no." dagdag ko pa. Tamaaa, sabi kasi ni mama if within one month di ako sumunod sa kanila dito, hindi niya ako pamamanahan. Ayoko naman naging poor no!!!!

Tas nagtawanan lang kami at nagkwentuhan hanggang makarating sa bahay.

Habang papalapit sa bahay sumilip ako sa bintana ng kotse.

Wala pa ring pinagbago ang bahay namin. Ganong-ganon parin. Samantalang ako.....

Ibang iba na!!

Hanggang mapunta ang tingin ko sa gate ng bahay namin....

WAIT!!!!!!!

"Bakit nandito yan?"

*****

[a/n: Read, Vote, Fan, Comment. Tutuloy ko pa po ba? Huhuhu... Di ko alam kung kerii ko. Pa-spead na rin po. first story ko po itetch]

Sana umabot ng kahit 10 reads lang po. Thankyouuuu! ^o^

Next Update: Thursday

Destined for Each Other ( O N G O I N G )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon