10: The bessie talk

116 3 2
                                    

**Normal POV**

Habang mahimbing na natutulog si Solenn sa kanyang oh so beautiful pad ay bigla syang nagising sa KAGISING GISING na mga kalabog sa main door. Kaya napilitan syang bumangon kahit antok na antok pa sya at agad pumunta sa banyo para makapaghilamos.

Sa kabilang banda naman, excited na excited si Jessa habang nasa tapat ng condo ng kanyang kaibigan. Ngayong gabi kasi gaganapin ang blessing/mini party sa bago nyang titirhan. Kaso mga 30minutes na syang kumakatok wala paring nagbubukas ng pinto kaya mas kinalabog nya ng napakalakas ang pinto. Mga ilan saglit lang ay pinagbuksan na sya ng kaibigan.

“Goodmorning Bessie. Kanina pa ko dito. Ang tagal mo magbukas ng pinto. Tulog mantika ka talaga.” Nakapout na papasok ng condo si Jessa.

Ngayon lang napansin ni Solenn na maraming dala ang kaibigan at tumungo agad sa kusina. Sumunod naman sya dito.

“anong meron?” sabi ni Solenn sabay turo sa mga plastic bags na pinapatong ni Jessa sa counter sa kitchen.

“God Solenn. Ngayon yung mini party mo sa condo mo right?” sabi nya habang hindi natingin dito tuloy lang sa paglalabas ng mga pinamili nya. “Tinawagan ko na rin yung mga malalapit nating highschool friends and sila Stephen.” Nakasmile nyang pagbaling sakin.

“What? Bat kasama pa yun?” sabay talikod.

**SOLENN’s POV**

Naiinis ako!!! :3

Paniguradong awkward pag nandito sya mamaya. Lalo na sa nangyari sa paguusap namin yung isang araw. Hindi pa ko nakakaget over dun no. My Gosh!!!

Tumungo muna ko sa banyo para maligo. Pagtapos ay pumunta na ako sa kusina at tinulungan si Jessa na magprepared ng mga gagamitin para sa pagluluto naming mamaya. Mamaya ko na rin iisipin ang confrontation namin ni Stephen.

Anyways, yup. Kami ang magluluto. :)

I love cooking. Lalo na mga desserts. Yummy! \m/ Ganun din si Jessa. That’s why we’re bestbuddies. :D

Ang mga ihahanda namin ngayon ay yung mga simpleng pangdinner lang kasi paniguradoo mostly mas uunahin yung inuman. Kaya mamaya aalis kami si Jes to buy more liquor.

Habang naghihiwa ng mga ingridients sa mga gagamitin namin biglang naopen yung topic tungkol samin ni Stephen.

“So, whats your status?” may halong kalokohan ang titig sakin ni Jessa. This girl!! I probably killed her kung hindi ko lang sya bestfriend. Ugggh. The nerves.

Nakaramdam na naman ako ng inis at kaba. Inis dahil si STEPHEN REY yon. At kaba dahil dun sa nangyari the other day.

“Status ba kamo? Acquitance? We know each others name. that’s all.”

“Sounds bitter~. You know sis. Why don’t you see his worth? Mukang mahal na mahal ka parin nya kahit na ang tagal na panahon ng naghihintay yung tao.” Huminto sya saglit at tumingin sakin ng seryoso. “Bahala ka. Baka mamaya mawala na yan ng tuluyan.” Sabay balik ng mga tingin sa hinihiwa nya.

Binitawan ko yung knife at umupo sa long stool dito sa kusina. Yung kusina kasi ng condo ko ay yung parang bar type kaya pwede ka rin tumambay dito dahil sa mga silya and sa mga liquors na nakadisplay.

“Haaay Jessa.” Bumuntong hininga muna ak at itinuloy ang gusto kong sabihin. Kwinento ko yung nangyari sa pagitan namin ni Stephen, habang sya tahimik na nakikinig sakin at naupo narin sa tabing upuan ko. Nang matapos akong magkwento dun palang sya umimik.

“Girl alam mo feeling ko lang naman. Mali yung nakita mo dati.” Sabay hawak sa baba nya na para bang nagiisip. “Aha! Itanong mo kaya sa kanya?” Sabi nya na napatayo pa talaga at napakalawak ng ngiti.

Sa sinabing yon ni Jessa napaisip ako.

Pano kung mali nga yung nakita ko nun? Pero malinaw yung nakita ko eh.

Pano kung minahal nga talaga ako ni Stephen at patuloy na minamahal ngayon.

Ugggghhh... Ayokong umasa...

At hinding-hindi na ulit ako aasa pa sa kanya...

“Hay nako. Ayoko nga!” pagtataray ko. “At tska kitang-kita ng dalawang mata ko.” Pahina ng pahina ang boses ko habang sinasabi yan.

Wala nalang sinabi si Jessa tungkol dun at tska ipinagpatuloy ang ginagawa kanina ganun din ang ginawa ko. Nung matapos yun at umalis muna kami saglit at pumunta sa 7 eleven para bumili ng mga beers. Pagtapos nun ay umuwi agad kami at nagluto na dahil hapon narin. Nagkukulitan lang kami habang ginagawa ang mga dapat naming gawin.

**JESSA’s POV**

Nacoconfuse talaga ko dun sa kinwento sakin ni Solenn. Hindi kaya tama ang hinala ko? Pero tama rin sya. Kasi kitang-kita ni Solenn yung mga nangyari nung araw na yon.

Haaaay. I better talk to Stephen some other day. Kahit na galit ako sa kanya sa ginawa nya sa kaibigan ko, pero alam ko naman ngayon at nararamdaman kong mahal pa nito si Solenn at nagbubulag-bulagan naman ang gaga nyang kaibigan.

- - - - - 

Hi Mga Bebes!!! >:*< Ayan na ah. :) Sana may magbasa parin ng story ko kahit napakabagal kong mag-update. Sorry na po. Hihi.. Yun lang.

LoveLoveLove Mga Bebes <3

- batabatutainlove

VOTE - COMMENT - ADD TO YOUR READING LIST - SPREAD

Destined for Each Other ( O N G O I N G )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon