Chapter 9: Hey, Mr. Soldier!

24 3 0
                                    

"Tingnan mo nga ang mga 'yun. Mukhang mga bata kung maglaro sa tubig." Untag sa kanya ni Claire habang tinuturo ang mga kasamahang lalaking parang mga batang nagsasabuyan ng tubig at naglulunuran.

"Guys, halina kayo. Iinit na masyado mamaya. Magkaka sun burn kayo." Sigaw sa kanila ni Mark. Alas dyes na kasi at tila mayamaya ay titirik na ang haring araw. Masyadong mahapdi na iyon sa balat. Mabuti nalang at sa kinaroroonan nila ay hindi masyadong mainit.

"Let's go, " walang anu-ano'y hila sa kanya ni Claire habang nakapaa lang patungo sa tubig. Hindi pa rin nagbabago ang kaibigan niya. Kahit alam niyang kaya niya itong talunin ngayon sa lakas ay hindi nalang siya nagprotesta. Kanina pa kasi siya naiinggit kina Gabriel na naliligo. Kapwa mga walang mga t-shirt ang mga ito. Hindi na iyon bago sa kanya. Noong nagvi-video call naman sila noon ni Gabriel nang sila pa ay malimit nitong tinutudya sa kanya ang abs daw nito na kung tutuosin ay 'ab' lang naman.

Kapwa napatigil ang mga binata maliban kay Mark nang hinubad niya ang damit na ang naiwan lang naman ay sleeveless na sumiksik masyado sa kanyang katawan. Manipis iyon at kapag nabasa ng tubig ay klarong-klaro ang kanyang hubog.

"Kinindatan siya ni Claire nang ngumuso ito papunta sa direksyon ni Gabriel. Nang lingunin niya ito ay muntikan na siyang matawa nang halos ay malaglag na ang panga nitong nakatingin sa kanya.

Halos ay tatlong metro lang ang layo niya mula sa binata. Kaagad na binabad niya ang katawan sa tubig. Nang lunorin niya ang buong katawan sa tubig at nang makaahon siya ay nagulat nalang siya nang nasa harapan na niya si Gabriel. Mabilis na napaubo ang dalaga kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata. Matalim ang mga tinging ipinukol nito sa kanya.

"You don't have to flaunt your body. Please, Triz. Marami ng taong paparating, magbihis ka." Mahina ngunit matigas ang boses niyong pagkakasabi sa kanya. Nang lingunin niya ang paligid ay may mga grupo na nga ng lalaking paparating. Ang iba'y nakatingin sa direksyon nila.

"Gabriel, " hindi na niya natapos ang sasabihin nang yakapin siya ni Gabriel. Parehong basa ang katawan nila at ramdam na ramdam niya ang malapad at makisig na dibdib ng binata. Napaigtad siya. She wanted to curse! Sandaling hindi siya nakahinga. But, yes, she admit, she misses this warmth feeling galing sa mga yakap ng binata. Mabilis na sinaway niya ang sarili.

"Gabriel, what are you doing?" Nagpumiglas siya at mabilis naman na bumitaw sa kanya ang binata.

"Gusto mong magkagulo rito, Triz? Tingnan mo nga ang mga lalaking iyon. Kanina pa nakatingin sa inyo ni Claire. My gosh, Beatriz nagkahiwalay lang tayo, ganyan ka na?" Mahina ngunit may halong inis na wika ng binata na sinundan pa ng bahaw na tawa.

"Gusto mong tayo ang magkagulo, Gabriel? Will you mind your own business? Huwag mo akong guluhin. Masyadong tahimik na ang buhay ko para makialam ka pa. So what kung pagtitingnan nila ako? The hell I care. Wala akong pakialam!" Irap niya sa binata saka lumangoy papalayo rito. Nagpupuyos na ang damdamin niya. Lumangoy at lumangoy nalang siya. Ngunit nang itunton niya ang mga paa ay nagulat nalang siya nang wala na siyang maapakang lupa. Kaagad na nalunod niya ang sarili. Lalangoy na sana siya ulit. But, sh*t, her cramp! Hindi na niya naahon pa ang sarili. Dalawang beses nang nalunod ang buong katawan niya. Nakainom na rin siya ng kaunting tubig-dagat. Habol na niya ang kanyang hininga at mariing ipinikit ang humahapdi na mga mata. Sa ikatlong pagkakataon, akala niya ay tuloyan na siyang malulunod ngunit isang bisig ang humila sa kanya. Mahigpit ang pagkakayakap niyon sa kanya saka siya hinila. Nakapikit pa rin siya at pilit niluluwa ang mapait na tubig sa kanyang baba.

Naramdaman nalang niyang nasa buhangin na siya nakahiga. Nanghihina na ang kanyang buong katawan. Samo't-saring boses ang naririnig niya dahil kanina lang ay naramdaman niya ang pamimingi.

Hey, Mr. Soldier (Gabriel) - Featured at No Ink ABS-CBN PageWhere stories live. Discover now