Chapter 3: Hey, Mr. Soldier!

29 1 0
                                    

"Maaari ka bang lumabas sandali kung kaya mong bumangon?" Wika ni Gabriel sa kabilang linya nang magising siya dahil sa tumutunog na cellphone. Nasa boses nito ang pag-aalala na dahilan nang ikinangiti niya. "Andito kasi ako sa labas ng gate." Dugtong pa nito. Wala si Claire. Siguro ay nasa kusina ito kasama sina Jomar na nagluluto at ang iba pa nilang kasamahang lalaki na aplikante.

"Oo, kaya ko naman." Mahinang boses na kanyang sagot. Inayos niya muna ang sarili at nagsuklay. Medyo gumaan-gaan na rin naman ang pakiramdam niya dahil sa mga gamot na kanyang ininom at nakapagpahinga rin siya nang mabuti.

"Claire, pakisamahan naman ako sa labas." Yaya niya sa kaibigan na nasa kusina kasama ang ibang aplikante na nagluluto.

"Oy, Triz, ayos ka lang?" Bungad naman ni Nat na pinakabata sa kanilang anim. Dalawampong taong gulang pa ito. Mahinang tumango siya bilang tugon. Sinalikop niya ng dalawang braso ang sarili dahil ramdam pa rin niya ang lamig kahit na naka-jacket naman siya.

Nang nasa gate na sila ay nandoon nga at nakatayo ang binata habang naghihintay. May dalang supot na may lamang prutas. Sa palagay niya ay sobrang kapal na ng kanyang mukha upang tanggapin ang mga rasyon nito. Pero ano ba ang magagawa niya, eh, ito na mismo ang nag-offer niyon. Nang makalapit siya ay kalmado lamang itong tumitig sa kanya kahit nasa mukha ang pag-aalala. Pilit na nginitian niya ito nang makalabas na siya ng gate.

Ngunit nagulat nalang siya nang kaagad na inilapat nito ang kanang kamay sa kanyang noo at leeg. Hindi na siya nakaiwas at nakailag dahil nga medyo hilo pa rin ang pakiramdam niya. Hindi niya naman magawang magalit dahil sa ginawa nito. Kahit na nagulat siya ay para namang nakaramdam siya ng kaunting kudlit ng tuwa sa kanyang puso dahil sa pag-aalala ng binata sa kanya at wala siyang ganang kontrahin ang nararamdaman ng puso niya sa pagkakataong iyon.

"Medyo mainit ka pa rin. Ito ang mga prutas, kainin mo saka may gatas din iyan. Iniinom mo ba iyong mga gamot na binili ko?" Masuyong wika nito sa kanya. Sandaling napatitig siya sa binata. Bakas sa boses at sa mga mata nito ang pag-aalala sa kanya. Sa bawat pagbigkas nito ng mga salita ay tila hinahaplos niyon ang nababato niyang puso. Tunay na kay malumanay nang boses nito.

"Ininom na niya, Gabriel. Huwag kang mag-alala, nandito naman ako." Si Claire nalang din ang sumagot matapos tumikhim at nagising ang kanyang diwa.

"Paki-alagaan namang mabuti ang buddy ko, Claire. Alam mo namang hindi ako makapagtrabaho nang maayos doon hangga't ganyan ang sitwasyon niya. Saka malapit na kaya ang PFT ni'yo." Mas lalong nalito ang puso at isipan ni Beatriz. Ano nga iyong sinabi ni Gabriel kanina? Buddy ko? Gustong magronda ng kanyang dalawang kilay at umikot ng kanyang mga mata ngunit hindi niya magawa. Napatikhim nalang siya. Hindi niya kasi alam kung bakit tila napapanic ang kanyang puso sa tuwing nagkakatagpo ang kanilang mga tingin. Nagpaparamdam ba itong si Gabriel sa kanya? Sinaway niya ang sarili. Sabi nga nito ay pakikipagkaibigan lang ang sadya nito sa kanya. Huwag nga siyang feeling!

"Salamat nga pala sa tulong mo, Gabriel." Marahang wika niya. Napansin niya ang sandaling pagtitig ng binata sa kanya. Sinalubong nito ang mga tingin niya. Namuo ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nang mga sandaling iyon ay tila ba gusto niyang humingi ng tawad sa binata. Naramdaman nalang niya ang sariling ngumingiti rito. And there she goes, smiling to this man in front of her. At ang mapupungay na mga mata nito'y tila ba sa pagkakataong iyon ay kaakit-akit tingnan dahil na rin sa mga pares ng mga makakapal na kilay nito.

Natiklop ni Beatriz ang baba. Ano ba ang kanyang iniisip? Marahang napailing-iling siya.

"Ah, kailangan ko nang pumasok sa loob, Gabriel. Maraming salamat talaga sa mga tulong mo. Balang araw babawi ako." Pilit ang mga ngiti na itinugon niya rito upang makaiwas. Bago pa ito may sasabihin ay sinikap niyang bilisan ang mga hakbang. Hindi pa rin kasi inaalis ng binata ang pagtitig sa kanya na kanina pa na niya iniiwasan. Tila ba nakakamagneto ang mga tingin nito na siyang dahilan nang ikinababalisa niya.

Hey, Mr. Soldier (Gabriel) - Featured at No Ink ABS-CBN PageWhere stories live. Discover now