Chapter 8: Hey, Mr. Soldier!

17 2 0
                                    

    “Triz, please,” humakbang si Gabriel palapit sa kanya ngunit umatras ang dalaga. 

“Alam mo, Gabriel. Ang saya kong umuwi noon, eh, kahit bigo ako sa pangarap ko. Because I have you. Pinakilala kita sa parents ko, sa family ko, sa mga kaibigan ko. They saw how happy I was daw dahil palaging maganda ang araw ko na kahit hindi ko natupad ang pangarap ko at least mayroong isang ikaw na dumating sa buhay ko. Pero isang araw, nagbago lahat ng iyon. Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa kong kasalanan. Siguro ang pagkakamali ko lang ay ang sumuko ako dahil  pinaramdam ng taong mahal ko na hindi na ako importante sa kanya at hindi na niya ako kailangan. Siguro hindi naman mali na bigyan ko rin ng pahinga ang sarili ko mula sa bawat gabi na hindi ako makatulog dahil sa kakaisip kung saan ako nagkulang o ano’ng pagkakamali ang nagawa ko. Pinabayaan mo ako, Gabriel. You never knew the feelings of unwanted, unimportant, and unlove.” Bahagyang nanginginig na ang kanyang boses. Hindi na rin niya napigilan ang umiyak. Pinahid niya kaagad iyon. Humakbang palapit sa kanya ang binata ngunit itinaas niya ang dalawang kamay tanda nang pagpigil dito na makalapit sa kanya.

“Triz, please listen to my explanation. Oo, nagkamali ako. Nagkamali akong hinayaan kitang pumakawala sa ‘kin. Hinayaan kitang iwan mo ako. Hindi ko nagawang ipaglaban ka, Triz. Dahil ramdam na ramdam kong nasaktan kita nang sobra. Ramdam na ramdam ko sa tinig mong nahihirapan kang pagkatiwalaan ako. Oo, nagpadala rin ako sa galit ko nang bigla mo nalang akong binitawan, Triz. You left me without any words. Ni hindi mo na ako kinausap. I know, from the start palang I was so annoying. But I never regreted to annoy you. Alam mo kung ano ang pinagsisihan ko buong buhay ko? Iyon ay ang hinayaan kitang umalis.” Nabagsak ni Beatriz ang dalawang kamay. Bakit ngayon pa? Ngayon pa na handa na niya itong kalimutan? Mabilis na pinahid niya ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. 

Hindi na siya kumibo pa. Mabilis ang mga hakbang na tinalikuran niya ang binata. Mahal pa ba niya ito? Bakit tila nasasaktan pa rin siya? Nagugulumihan na siya sa kanyang sarili. Dumiretso na kaagad siya sa cottage at ibinagsak ang sarili sa silyang gawa sa kawayan.

She just found herself staring at the waves away from Gabriel. Naramdaman nalang niya ang isang kamay sa kanyang balikat.

“Okay ka lang?” Nilingon niya ang kaibigang nakabihis na ng damit panligo. Pilit na sumukli siya ng ngiti at tumango. Nagpakawala ng isang buntong-hininga.

“Yeah, I don’t want to spoil the beauty of the sea. Nagugutom na nga ako. Kain na tayo bago maligo.” Yaya niya rito saka pinusod ang buhok na ginugulo ng hangin. Mabuti nalang at hindi nito nahalata na umiyak siya. She's good at pretending. At kaya niyang pagpretend na hindi siya nasasaktan.

Nagulat pa siya nang magkasabay silang lumapit ni Gabriel sa nakahandang hapag.

“Guys, kumain na muna tayo.” Sigaw ni Mark sa dalawang kasamahang may ka-video call. Hindi siya umimik nang i-abot ni Gabriel sa kanya ang isang pinggan. Nang abutin niya iyon ay napatigil siya. Hinila niya ang pinggan mula sa kamay ni Gabriel ngunit parang ayaw niyon ibigay. Matalim na mga tingin ang ipinukol niya sa binata.

“Oy, parang may naalala ako sa lagay na iyan, ah.” Turo ni Mark sa pinggang kapwa hawak nila ni Gabriel. Parang napasong binitawan niya kaagad iyon. Parehong nagulat nalang sila nang malaglag ang plato at tumama sa paa niya. Mabuti nalang at hindi iyon nabasag.

“Aray, “ napapikit si Beatriz sa sakit kaya bumagsak siya sa buhangin.

“Okay ka lang?” Magkasabay pa na tanong nina Claire, Mark, James at Jun.

“I’m sorry, Triz.” Agad na inagaw ni Gabriel mula sa kanya ang paang hawak saka hinihipan.

“Dyan ka naman magaling, eh. Bakit mo ba kasi binitawan.” Singhal niya kay Gabriel ngunit namimilipit pa rin sa sakit.

“Binitawan mo rin kasi.” Wika nito sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Pareho kayong bumitaw." Kapwa napatigil sila ni Gabriel nang magkasabay sina Claire, Jun at James ng pagkakasabi niyon.

Pinagkrus niya ang dalawang braso. “So, kasalanan ko pa? Sipain kaya kita dyan kahit masakit ang paa ko?” Singhal niya ulit sa binata. Napansin niya ang pagngisi at pag-iling-iling ng mga kasamahan niya na tila natutuwa sa eksenang pagbabangayan ulit nila ni Gabriel.

“Ayan na nga oh, hinihipan ko na nga. Masakit pa ba?” Malumanay na wika ni Gabriel nang kunin nito ang isang paa niyang natamaan ng pinggan. Nag-arko ang mga kilay ni Beatriz. Damn! She wanted to curse! Ayan na naman ang boses ng binata na tila nagpapahumay sa nagpupuyos niyang galit.

Natauhan tuloy siya nang tumikhim si James.

“Muling ibalik, ang tamis ng pag-ibig.” Pakanta-kanta pa ang hinayupak habang papalayo sa kanila bitbit ang pinggang may laman ng pagkain papunta sa kinaroronan nina Jun.

“Halika, umupo ka muna rito.” Inalalayan siya nito upang maka-upo nang maayos. Hindi na naman siya nagprotesta sa ginagawa ng binata. “Lagyan ko ng ice. Namumula pa kasi ang paa mo.” Hindi na siya nakatanggi pa nang mabilis na kumuha ito ng yelo sa ice bucket at hinugot nito ang panyo sa bulsa saka nilagay ang ice roon. Ito na rin mismo ang naglapat ng ice sa namumula pa rin niyang paa.

“Masakit pa ba?” Itinaas nito ang mga tingin sa kanya. Napapansin yata nito ang pananahimik niya.

“M…medyo okay na naman.” Kiming sagot niya saka iniwas ang mga tingin.

“Gabriel, pakilagyan rin ng yelo ang mukha niya. Namumula rin kasi.” Tukso ni Claire sa kanya na tinapunan niya ng masamang tingin saka tinaasan ng isang kilay.

“Ipagkuha nalang kita ng pagkain. Maupo ka lang dyan.”

“Huwag na, Gabriel. Kaya ko naman.” Saway niya rito. Ngunit nagulat nalang siya nang itinaas nito ang kanang kamay upang tumigil siya sa sasabihin.

Hinayaan nalang niya ito sa ginagawa. Matapos abutin mula rito ang dalang pagkain ay tahimik na sumubo nalang siya.

“You changed a lot, Triz.” Halos mabulunan si Beatriz. She hated his voice so much.

Mabilis na tinunton nito kaagad ang baso at nagsalin ng juice roon at binigay sa kanya. Mabilis na inubos kaagad ng dalaga ang laman niyon saka pinahid ang baba.

“Gabriel, pwede ba.” Irap niya rito habang pilit umiiwas sa mga titig ng binata. She wanted to escape from him ngunit sobrang sakit talaga ng paa niya.

“I mean it. Dati-rati, halos gusto mo itapon lahat ng maiiksi mong short, now you’ve learned to wear it. Dati-rati, puro ka t-shirts, ngayon you look so feminine. Babaeng-babae ka na though nakikita ko pa rin ang medyo kaangasan mo the way you act, you walk, you talk. Iisa lang ang hindi nagbago sa ‘yo.” Sinalubong niya ng mga tingin ang binata. Naghihintay ng idudugtong sa mga hindi niya alam kung papuri ba iyon. Siningkitan niya iyon ng mga mata.

“Hindi ka pa rin marunong magsuklay.” Hindi na niya napigilan ang mapatawa sa sinabi nito. Ganoon man ang binata ay tuwang-tuwa naman ito sa reaksyon niya. Nahawaan tuloy siya ng mga ngiti nito.

“Yes!” Sigaw ng binata. “I missed that smile so much, Triz.” Wika ng binata habang ngiting-ngiti na nakamasid sa kanya. Inilipat ng dalaga ang mga tingin sa mga alon ng dagat. “I missed you so much.” Bulong ni Gabriel. Nang magkasalubong ang mga tingin nila nito ay nakaramdam ng kirot ang kanyang puso. She can read sadness in his eyes, regrets, and emptiness. Mapapait ang mga ngiti ng binatang tumayo saka kumuha ng softdrinks upang inumin. Matapos niyon ubusin ang softdrinks ay nakatanaw ito sa malayo. Did she caused him too much pain? Mas nasaktan ba ito kaysa sa kanya?

Hey, Mr. Soldier (Gabriel) - Featured at No Ink ABS-CBN PageWhere stories live. Discover now