Chapter 1: Hey, Mr. Soldier!

122 4 0
                                    

Padabog na ibinagsak ni Beatriz ang kanyang cellphone sa kama. Hindi maipinta ang mukha niya habang pinagmamasdan ang cellphone na tumutunog. Mabilisang naiinis na ginulo niya ang kanyang buhok. Magulo na nga ang buhok niya, magulo pa pati utak niya. Papaano ba kasi ay panay ang tawag nang tawag sa kanya ng nagngangalang Gabriel Ferrer. Panay ang pangungulit at kwento nito sa kanya sa mga bagay na wala namang ka kwenta-kwenta at nauubos ang oras niya. Wala pa naman siyang kahilig-hilig makipagtsikahan lalo na sa cellphone. Ang ayaw pa niya ay dahil isa itong sundalo. Sa totoo lang ay napilitan lang naman talaga siyang e-entertain ito minsan dahil na rin sa pangkokonsente ni Claire at Mark sa kanya.
  
Kahapon lang ay text ito nang text dahil nga binigay ng kaibigan niyang sundalo na nanliligaw kay Claire na si Mark ang number niya sa kung sino mang Gabriel na iyon. Tila kasi nakatatak na sa kanyang isipan kung ano'ng uri makipag-relasyon ang mga sundalo. She admired the work of being a soldier, but not the way they handled relationships. Mahilig kaya siyang magbasa lalo na nang mapadpad siya sa Hugot Sundalo page sa facebook. Maraming nagpo-post ng mga sawing love story doon kaya ayaw niyang mapabilang sa kanila.

"Triz, bakit ayaw mong sagutin?" Nagising ang kasama niya sa kwarto na si Claire dahil sa ingay gawa ng kanyang cellphone nang buksan na sana niya ang pinto upang lumabas. Gusto niyang humingi ng pasensya ngunit nanaig ang inis niya. Mariin na ginakagat niya ang pang-ibabang labi. Nalipat ulit ang mga mata niya sa cellphone na nasa kama. Napangiwi nalang siya at nag peace-sign dito.

Una sa lahat, tinapangan niya ang sarili nang pumunta siya ng Capiz kahit wala man lang siyang masyadong kaibigan kundi si Jomar lamang na nakilala niya sa facebook at katulad niya ring aplikante na nakasama niya sa byahe papunta ng kampo. Sabay silang naghanap ng boarding house. At dahil sa dami ng aplikante at halos lahat ng bahay ay naukupahan na, kailangan nilang mag-share ng kwarto sa iba at dito niya nakilala si Claire. Isang taon ang agwat nila. Isa itong Criminology Graduate, mataas at tuwid ang hanggang puwet na buhok at sa tuwing nag-uusap sila nito dahil minsan ay kuwela siya ay lagi itong natatawa sa kanya dahilan nang ikinagaanan nila ng loob sa isa't-isa. Si Jomar naman ay kasama rin ng tatlo pang lalaking aplikante na nasa kabilang kwarto. May pinsang sundalo si Jomar, at iyon ay si Mark na naging manliligaw ni Claire. Naging kaibigan na rin niya ito. Gusto niyang pagpaluin ang dalawa dahil panay ang pang-rereto nito sa kanya kay Gabriel. And she hated it. Ayaw nga niya sa mga sundalo. Siya nalang ang magsusundalo.

"May gagawin kasi ako sa kusina. Maghuhugas ako ng pinagkainan natin. Hayaan mo na, titigil din 'yan mamaya." Tugon niya at walang anu-ano'y lumabas na ng kwarto.
"Manigas ka." Bulong niya sa sarili. Nagmamaktol na dumiretso siya ng kusina upang maghugas ng pinggan.

"Triz, 20 missed calls na. Sinagot ko na. Andito siya sa kabilang linya. Gusto ka raw niyang makausap." Sigaw ni Claire sa kanya sa namamalat na boses nang puntahan siya nito sa kusina. She rolled her eyes at bumuntong-hininga. Ni hindi pa nga ito nakapagsuklay ng buhok. Nilingon niya ito at sinenyasan ng tumahimik.

"Sabihin mo sa kanyang naghuhugas ako ng pinggan. Busy ako, pakisabi." Bulong at tanggi niya. Nakita niya ang pagngiti ni Claire. Mas binagalan pa niya ang pagsasabon sa mga pinggan.

"Sorry, naghuhugas pa kasi ng pinggan si Beatriz. Mamaya ka nalang daw tumawag." Rinig niyang wika ni Claire. Nilingon niya ito at nginitian bilang pagpapasalamat.

"Triz, maghihintay raw siya. Ayaw niya kasing patayin ang tawag. Bilisan mo dyan." Kahit basa ang mga kamay ay nagmamaktol na kinuha niya ang cellphone mula sa kaibigan at pinatay iyon.

"Ba't mo ginawa iyon?" Wika nito sa kanya. Kahit nagmumukha siyang bastos sa ginawa niya ay wala siyang pakialam.

"Ayaw ko nga siyang kausapin, nu. Nakukulitan ako sa kanya. Saka ayoko makipag-usap sa isang sundalo except kung kaibigan ko siya." Isinilid niya sa bulsa ang cellphone. Kahit panay pa rin ang ring niyon ay hindi na niya pinapansin. Bahala na nga. Pumunta siya ng Capiz, Camp Macario Peralta, Jamindan para mag-apply hindi para makipagkulitan nang tawag sa kung sino mang sundalo roon. Wala siyang balak mag-entertain ng kahit ano. Alam naman niya kasing may iba itong intensyon sa kanya maliban nalang kung gusto siya nitong tulongang makapasok bilang isang sundalo.

Hey, Mr. Soldier (Gabriel) - Featured at No Ink ABS-CBN PageWhere stories live. Discover now