[ 6 ] Schoolmates

1.8K 54 4
                                    

VOTE || COMMENT || LIKE || BE A FAN

CHAPTER 6: Schoolmates

Time passed by so fast. Ang bilis ng panahon at June na ngayon. 2nd year college na ako. Sa totoo lang, excited na ako kasi dito din sa school na pinapasukan ko papasok si Xyriz kaso 1st year pa lang siya. Magkaiba din kami ng course dahil IT yung kinuha niya. Ang sabi niya din sakin, nagpalipat din daw sa school namin si Vuhren at parehas kami na second year pa lang kaso Business Administration course niya at Accountancy yung sakin.

Papasok na ako ngayon ng classroom. Nasa room na daw kasi yung mga friends ko. Malapit lang kasi sa school yung tinitirhan namin kaya tanghali na ako gumigising. Pagkapasok ko sa room, nagulat ako kasi nakita ko si Vuhren. Bakit siya nandito? Umupo ako kaagad sa tabi ng mga kaibigan ko at sakto naman na nakatabi ko din siya.

"Hi" -Vuhren

"Hi. Teka classmate kita? Akala ko ba BA yung course mo?"

"Nagpairreg ako. I found out that we have 3 subjects this semester which are the same so I enrolled in your class. That is only every Monday and Thursdays"

"Awesome! Mahirap kaya kapag irreg ka"

"It's alright. Nakikita naman kita"

"Oi ah! Wag mo nga akong dinadaan sa ganyan! Baka nakakalimutan mo na boyfriend ko na si Xyriz"

"Pwede ko naman kayo paghiwalayin kung gugustuhin ko" pabulong niyang sinabe pero sapat na para marinig ko

"Ano?"

"Wala. Sabi ko bata pa siya kaya malaki chance na maghiwalay pa kayo"

"Okay"

"Let's have lunch together. My treat"

"Girl, niyayaya ka na maglunch kaya pumayag ka na. Wag na umarte diba kuya? Oo nga pala, I'm Delancey. Nice meeting you! You are? Friend ka na pala nitong si Krystal. Hindi man lang nagsasabi"

"Delancey! Nakakahiya sa kanya!" pagsisita ko

"Ano ka ba? Okay lang yan. Classmate naman natin diba kuya?" -Delancey

"Ah yeah. I'm Vuhren"

"Oi girl! Sa kanya ka na sumabay magluch. May pupuntahan pa kami. Wag na umangal! Pakilala mo na din siya sa kanila" -Delancey

"Ha? Sige. Vuhren, sila sina Nathalie, Nina at Faye. Gus, si Vuhren"

Dumating na din yung prof kaya nagsitahimik na sila.

*Lunch time*

3 hours yung vacant ko ngayon. Buong day ko pala classmate si Vuhren kapag Monday at Thursday. Nandito pa kami ngayon sa room pero nakaalis na sina Delancey. Si Raine kasi, hindi ko na classmate this sem.

"Let's go" -Vuhren

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Hideout"

Hideout?! O_O Isang building lang naman school namin kaya walang mapagtataguan dito. Sagana pa sa guards. Saan niya naman ako dadalhin? Bigla niya na lang hinawakan yung kamay ko at hinila ako papunta sa rooftop.

"We're here"

"T-teka! Bawal students dito. Lagot tayo kapag may nakakita satin"

"Don't worry. I'll take care of you. You're safe with me"

Bigla naman may narinig kami na parang papalapit dito. Nagpanic tuloy ako bigla. Nagulat ako kasi hinila niya ako papunta sa sulok kung saan hindi kami agad mapapansin. Tinakpan niya ng kamay niya yung bibig ko at halos nakayakap na siya sakin. Ang lapit ng mukha niya. Kyaaaah! *O* ang gwapooo. Halos kamukha niya din si Xyriz kaso mas matured lang ng konti yung mukha niya. Hindi nagtagal at dumistansya na siya ng konti.

Wattpad Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon