[ 10 ] Because of Wattpad

1.4K 42 5
                                    

VOTE || COMMENT || FOLLOW

Mamadaliin ko na yung story. Maximum na yung 20 chapters nito :)

Xyriz on the side.

CHAPTER 10: Because of Wattpad

Nasa students' lounge ng school sina Krystal, Nathalie, Nina, Faye at Delancey. Tumambay lang muna sila doon. Tapos na din kasi ang klase nila at uwian na nila.

"Wala pa kayong balak umuwi?" tanong ni Krystal sa mga kaibigan

"Hinihintay ko pa si Paolo" sagot ni Delancey

Si Paolo ang boyfriend ni Delancey. Nagaaral din ito sa school kung saan sila pumapasok pero iba lang ang kurso nito.

"Sasabay ako kay Delancey e" sagot ni Nina

"Ikaw Faye? Wala ka pang balak umuwi?" tanong ni krystal

"Basta sasabay lang ako sayo" sagot ni Faye

"Hindi ako makakasabay sa inyo ni Faye ngayon. Susunduin ako ni Daddy" -Nathalie

"Uwi na tayo Faye. Inaantok ako e" pagyayaya ni Krystal

"Sige na nga! Bye girls! See you tomorrow!" pagpapaalam ni Faye sa mga kaibigan

Sa totoo lang, tinext si Krystal ng kaibigan na si Vuhren para umuwi kaagad. Tinanong niya kung bakit pero hindi siya sumagot kaya naman napaisip si Krystal kung bakit siya pinapauwi kaagad ng kaibigan.

***

Pagkadating na pagkadating ni Krystal sa condominium kung saan siya nakatira, sinalubong kaagad siya ng guard.

"Mam, may nagpapabigay po sa inyo" sabi sa kanya ng guard

Agad niya naman kinuha ang binigay ng guard na sulat at saka dumeretso sa unit niya at kaagad na nagbihis. Matapos nun ay binuksan niya ang sulat. Maganda ang pagkakabalot noon kaya naman nagustuhan niya. Ikinagulat niya ang laman ng sulat na iyon. May maliit na papel at may nakasulat doon.

'I love you'

Napaisip siya sa kung sino ang pwede magbigay nun. Naisip niya naman na posibleng si Vuhren ang nagbigay nun dahil na din sa sinabihan siya nito na umuwi kaagad.

'Gusto ako ni Vuhren? Parang malabo yun. Sabi niya sakin kahapon, hindi' naisip niya

Hindi niya na din kaagad naisip si Xyriz dahil nga sa nakita niya noong nakaraang araw at hanggang ngayon ay hindi niya sinasagot ang mga tawag at texts nito. Ngayong araw naman ay hindi man lang siya tinext ng boyfriend niya.

Nakahiga siya sa kama nang marinig niya ang tunog ng door bell. Agad siyang bumangon at tumakbo papunta sa pintuan at sumilip sa peephole ng pinto. Nakita niya doon si Vuhren kaya agad niya itong binuksan.

"Vuhren. Pasok ka"

Agad naman na pumasok si Vuhren at napatingin kay Krystal.

"Teka, bakit ganyan ka makatingin sakin?" Nagtatakang tanong ni Krystal sa kaibigan

"This is the first time I saw you looking so wasted"

"Ha?"

Agad na tumakbo si Krystal sa harap ng salamin. Nakatali ang buhok niya at medyo magulo pero maayos naman ang itsura niya.

"Magulo lang naman yung buhok ko Vuhren e"

"But you look--"

"Oo na! Wag mo na ituloy. Panget na ako. Teka nga, paano mo nalaman na dito ako nakatira?"

Wattpad Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon