[ 9 ] Friendly Date

1.5K 44 4
                                    

Vuhren on the side.

VOTE || COMMENT || FOLLOW

CHAPTER 9: Friendly Date

Pumunta sina Vuhren at Krystal sa Mall of Asia. Wala ring ideya si Krystal na dito siya dadalhin ng lalaki na kasama niya ngayon. May sariling sasakyan kasi ito at wala naman itong sinasabe sa kung saan niya balak magpunta. 

Pagkapark ng sasakyan ay agad na lumabas si Vuhren para pagbuksan ng pintuan ng sasakyan si Krystal bago pa man siya nito maunahan. Talagang ganoon siya sa lahat ng babae. Isa siyang gentleman at isa iyon sa mga rason kung bakit nagtataka si Krystal at hindi pa ito nagkakagirlfriend.

"Thanks Vuhren"

"Sure"

"Bakit nga pala dito mo naisipan na pumunta?"

"Well, I promised myself to bring someone I like the next time that I'll go here and I just did"

"Vuhren"

"Don't worry. I like you as a person and nothing more. Just think of this as a friendly date, okay?"

"Yan ka n naman sa english mo!"

"You'll get used to it"

Hinawakan ni Vuhren ang kamay ng babaeng kasama niya at tiningnan ito ng deretso sa mata.

"Krys, please just for now, enjoy yourself at wag mo muna siyang isipin, okay?"

"Okay Vuhren"

Concerned si Vuhren kay Krystal. Siguro dahil na din sa kaibigan niya ito at gusto niya ito bilang kaibigan. Ayaw din kasi nito na nakakakita ng babaeng nasasaktan kaya ginagawa niya ang lahat para mapasaya ito.

'Kailangan kong makausap si Xyriz mamaya' sabi ni Vuhren sa sarili niya.

Hindi pa din binitawan ni Vuhren ang kamay ng kasama. Hinila niya ito papasok ng mall.

"May mga gusto ka bang gawin ngayon Krys?"

"Hm, wala naman. Ikaw nagdala sakin dito kaya dapat-- Aah! Vuhren!"

Nagulat si Krystal nang bigla siyang hilain ng kasama. Patuloy lang ito sa paghila sa kanya.

"Vuhren, saan mo ba ako dadalhin?"

"Here"

"Ice skating rink?"

"Yes"

"Why here?"

"Well, I just feel like it. Siguro naman nasubukan mo na ito dati diba?"

"Vuhren.. I"

"You what?"

Hindi masabi ni Krystal ang gusto niyang sabihin dahil nahihiya siya dito.

'Paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko pa nasusubukan yun? Hindi ako marunong. Nakakahiya sa kanya' yan ang gumugulo sa isip niya

Mukha namang nabasa ng lalaki ang iniisip ng babaeng kaharap niya. Pansin niya kasi na hindi ito komportable. Inilevel niya ang mukha niya sa mukha nito at nginitian niya siya ng nakakaloko.

"Don't tell me na hindi ka marunong?"

"Marunong ako! Parang yan lang" pagsisinungaling ni Krystal

"Are you sure?"

"Of course!"

"Then let's do it"

"Ha? No!"

"Scared?"

Wattpad Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon