[ 11 ] Birthday

1.4K 39 2
                                    

Dedicated sayo :) sorry, di ko mabigay yung dedication sa SIL kaya dito na lang. Madami kasi nakaline up na dedic doon ee.

Xyriz and Krystal on the side.

CHAPTER 11: Birthday

October na ngayon at mas okay na ang samahan nina Krystal at Xyriz dahil hindi na rin sila ginugulo ni Kaye simula ng magkaboyfriend ito. Hindi pa din nalalaman ng  mga magulang ni Krystal na may boyfriend siya.

"Gorgeous"

Napalingon si Krystal sa nagsalita. Agad na bumungad sa kanya ang boyfriend niya. Kakatapos lang kasi ng klase niya at hinihintay siya ni Xyriz sa labas.

"Happy birthday babe!" bati ni Krystal sa lalaki

"Regalo ko?"

"Regalo? Hug na lang"

Nilapitan siya kaagad ni Krystal at niyakap siya nito.

"Ehem ehem. Public display of affection" pagsita sa kanila ni Delancey

"Pagbigyan mo na girl! Birthday naman ni papa Xyriz" -Faye

"Happy birthday Xyriz!" -Nathalie

"Happy birthday! May date na naman siguro kayo ni Krys. Sige maiwan na namin kayo. Bye!" -Nina

Hinila ni Nina ang mga kaibigan niya at iniwan na doon sina Krystal at Xyriz. Nagsimula na din sina krystal na maglakad palabas ng school nila.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Krystal

"Sa bahay namin"

"Ano?!"

"May family dinner kami. Isasama na kita para makilala ka nila"

"Ayoko nga!"

"Bakit? May problema ba?"

"Nakakahiya. Nakauniform pa ako"

"Pumunta na lang tayo sa bahay niyo para makapagbihis ka. Wala naman doon sina tita diba?"

"Tita? Sina mommy?"

"Oo. Sino pa nga ba?"

"Wala nga sila. Bukas pa ng gabi yung balik nila"

"Punta na lang tayo doon"

"Pero Xyriz--"

"Ito lang gusto kong regalo mula sayo. Pagbigyan mo naman ako"

"Sige na nga"

Agad silang umalis ng school at dumeretso sa kung saan nakatira si Krystal. Nasa kwarto ngayon si Krystal at nagbibihis. Naiwan naman sa sala si Xyriz. Dahil sa wala siyang magawa, nagtingin tingin siya doon. Napansin niya ang photo album sa ilalim ng glass table sa sala kaya kinuha niya iyon at tiningnan. Hindi rin nagtagal at lumabas si Krystal. Agad niyang kinuha yung photo album kay Xyriz.

"Bakit mo to tinitingnan?!" sigaw niya

"Ang cute mo nung bata ka pa babe"

"Sa tono ng salita mo, hindi ko alam kung insulto yan o puri"

Tumayo si Xyriz at hinawakan si Krystal sa mukha.

"Pinupuri kita at hindi iniinsulto, okay?" sabi ni Xyriz

"Sige na nga"

Ninakawan ng halik sa labi ni Xyriz si Krystal. Ikinagulat naman iyon ng dalaga. Unang beses pa lang iyon ginawa sa kanya ni Xyriz.

"Tara na?" pagyayaya ni Xyriz

Tumango lang naman si Krystal at saka sila umalis ng bahay. Buong byahe nila papunta sa bahay nina Xyriz, tahimik lang si Krystal. Hindi niya inaasahan na gagawin yun ni Xyriz.

Wattpad Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon