One Drunken Night

474 23 1
                                    

One Drunken Night

"Dalawa pang shot ng tequila please," sabi ko sa bartender at iniusog ang shotglass ko.

Paglapag na paglapag niya ng dalawang shot ng tequila sa harap ko ay agad kong nilagok ang isa at sinipsip ko ang lemon na nakalagay kanina sa shot ko.

"Easy," narinig kong sabi ng lalaking kakadating lang.

Nilingon ko ito. "Mind your own fucking business, please," I hissed.

Pakialam ba niya? I will drink however the fuck I want. No one gets to tell me what to do right now. Wala silang lahat pakialam kung ano ang gawin ko dahil hindi naman sila ang niloko.

"Condom girl?" Gulat na tanong ng lalaki sa akin.

Tila nabulunan ako sa pagtawag niya sa akin. "Excuse me?" Naiinis kong sabi.

Ano daw iyon? Condom girl?

What the fuck?

Ngumiti ito, tila aliw na aliw sa akin. "Yes, ikaw nga. Kahapon? Sa Watsons?" Anito.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko talaga alam ang sinasabi niya. "What the hell are you talking about?" Napipikon na talaga ako sa lalaki na 'to.

"You were at the counter, tapos pinipilit mo na ibabalik mo nalang yung condom and kukuha ka nalang ng ibang item? Sabi mo hindi mo naman pala kailangan kasi nalaman mong niloloko ka ng boyfriend mo?" Mahabang litanya nito.

Agad na nag-init ang pisngi ko nang maalala iyon.

Bumili kasi ako ng condom ng isang araw sa Watson. I was supposed to give my everything and do it with my boyfriend for our third anniversary tonight.

Sabi ko pa, pwede naman na siguro dahil tatlong taon naman na kami at kahit kailan hindi ko siya pinagbigyan sa aspetong ito ng relasyon namin. So, deserve niya naman na siguro iyon.

But yesterday, I saw him fucking someone else in his condo, with my own eyes. Galit na galit ako, kaya kumuha ako ng malamig na tubig sa ref niya at binuhusan ko sila nung kabit niya. They were both shocked. Eh mga putangina pala sila, mabuti nga at malamig na tubig ang sinaboy ko. Kung gaga siguro ako ay kumukulong tubig ang ginamit ko.

Nagmakaawa ito sa akin pero hindi ko na siya pinagbigyan. Tangina sasabihin pa niyang hindi niya sinasadya? Anong kagaguhan yon?

Pag-alis na pag-alis ko sa condo niya ay dumeresto agad ako ng Watsons para isauli ang condom na binili ko dahil wala naman na akong paggagamitan non.

And the rest was history.

"Excuse me, ex-boyfriend. At tsaka bakit ba, chismoso ka ba talaga?" I told him and rolled my eyes.

Umiling ito. "Hindi ah. Ako kaya yung next sa pila kaya rinig na rinig kita, and besides, ang lakas ng boses mo, so feeling ko naman hindi lang ako yung nakarinig sayo," anito at tumawa.

Hindi ko alam kung yung alak ba ito, pero parang ang hot ng tawa niya.

Fuck, Kath. Ano bang sinasabi mo?

"Sus, ang sabihin mo chismoso ka lang talaga," sabi ko at nilagok ang isa pang shot ng tequila na nasa harap ko.

"Easy ka lang," pamumuna na naman nito sa paginom ko.

Mataman ko itong tinignan. "Pakialam mo ba," pabalik kong sabi.

"Pwede mo naman kasi ikwento, kaysa nilulunod mo yung sarili mo sa alak," sabi nito sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kathniel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon