Valentines

10.3K 344 28
                                    

Valentines

"Chandria Manuel!" Tawag ng bestfriend kong baliw sakin sa cellphone.

Hindi ako nagsalita. Kinuha ko ang kape ko at ininom yun. Naalala ko na naman, madalas akong ipagtimpla ng kape noon ng hayop ng ex.

Nagumpisa na naman akong maiyak. "Hoy Cha! Nasan ka na ba ha?! Nagpapakalasing ka sa kape noh?!" Sigaw niya.

Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Liz." Sabi ko at napahagulgol na naman ako. "Tangina niya talaga! Manloloko siya! Hayop! Pangit siya! Ang kapal ng mukha niyang lokohin ako! Ang pangit naman niya!" Sabi ko habang umiiyak.

Buti nalang at konti lang ang tao dito sa coffee shop na tinambayan ko. Gusto ko kasing magpakalasing! Kaso hindi naman ako umiinom ng alak! Nasusuka ako sa lasa! Kainis!

Kaya eto sa sa kape ako nagpapakalasing.

"Kumalma ka nga! Nasan ka ba? Pupuntahan kita." Aniya sa kabilang linya.

Umiling ako. "Wag na. Uuwi din ako mamaya. Sige na. Magpapakalasing muna ako." Sabi ko at binaba na ang tawag.

Pangalawang kape ko na to. Bwisit! Mas bitter pa ata ako sa kapeng iniinom ko.

"Hindi nakakalasing ang kape, miss." Sabi ng lalaki sa katabing lamesa ko.

Napatingin ako sakanya at umirap. Pakialam ba niya! Eh sa hindi nga ako umiinom ng alak.

"Ang sungit." Aniya. "Kaya siguro iniwan ng boyfriend." Bulong niya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko.

"Bwisit ka! Makapagsalita ka jan! Wala kang alam!" Sabi ko at napaiyak na naman. Tinakpan ko yung mukha ko ng dalawang kamay ko. "Tangina! Wala kang alam!" Nabasag ang boses ko.

"Oh shit. Sorry sorry. Huy miss. Wag ka namang umiyak ng ganyan. Nakakaratanta ka naman eh." Sabi niya.

"Bakit ba ganyan kayong mga lalaki. Hobby niyo bang magpaiyak ng babae." Mas kalmado kong sabi pero patuloy parin sa pagtulo ang luha ko.

"Kaya pala Feb 13 niya ko inaya magdate. Kasi...Kasi may kadate siyang iba ngayong Valentines. Hayop siya. Manloloko. Magrereview daw siya tapos nakita ko siya kanina sa mall may kadate. Putspa! Gago! Gago kayong mga lalaki." Puno ng hinanakit na sabi ko at niyukyok ang ulo ko sa lamesa.

"Hindi naman lahat ng lalaki. Grabe ka naman. Natry mo na ba boyfriend-in lahat ng lalaki?" Aniya.

Umiling ako, patuloy parin sa pagiyak. Dalawang taon kong boyfriend si Dom. Dalawang taon. Bwisit siya! Paker siya! Manloloko ang gago! Nakakainis! Bakit ba kasi ako nagpaloko sa bwisit na yun!

"Eh bakit nilalahat mo. Wag ganun, miss. Sadyang may lalaking manloloko pero marami parin naman kaming matitino." Aniya.

Mas lalo akong napaiyak. Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya. "Leche! Tignan mo, pati linya niyo iisa! Matitino. Matitino my ass. Walang lalaking marunong makuntento." Sabi ko at uminom ulit ng kape ko.

Tumayo siya at umupo sa upuan sa harap ko. "Hoy! Hindi tayo close! Doon ka nga sa lamesa mo!" Sabi ko sakanya at pilit siyang pinapaalis.

"Sinabi mo na nga sakin yung problema mo eh. Edi close na tayo." Sabi niya.

Tinignan ko siya ng masama. "Feeling close ka lang. Hindi tayo close." Sabi ko at inirapan siya.

Bilib na ko sa sarili ko. Kahit naiiyak ako ay nagagawa ko paring mangirap. Bravo Cha. Bravo.

Kathniel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon