Before Anyone Else

10.1K 300 29
                                    

Bae

 

"Kathy!" Sigaw ng bestfriend ko. Si Deej. Makasigaw naman to. Akala mo ang tagal namin hindi nakita. Eh kakakita lang namin kanina actually. He's my ride to school for years already.

Perks of having a bestfriend with a car.

"Ang lakas ng boses mo Deej! Nakakabingi!" Sabi ko naman sakanya.

Inakbayan niya ko. "Excited lang ako. Luluwas daw si Jane ngayon dito sa Manila. Pakilala kita sakanya." Excited na sabi niya.

Oh no no. Thanks but no thanks.

"May gagawin ako mamaya eh." I lied. "Next time." Sabi ko.

Niyakap yakap niya ko. "Kathy naman eh. Ilang beses ka ng ganyan. Dali na kasi." Kulit niya sakin.

"Ang kulit mo Deej! Sa susunod nga. Busy ako. Marami akong gagawin mamaya." Inis na sabi ko.

Ayaw ko nga makita yung babaeng yun. Duh. Yun yung girlfriend niya sa province nila. At sobrang selos na selos yun sakin. Nung minsan nasa isang mall kami, dapat ay pupuntahan ako ni Deej kaya ayun inaway niya si Deej. Ang laki ng problema nun sa mundo.

Nagseselos siya na malapit kami ng boyfriend niya. Ay malamang, bestfriends kaya kami. Malamang close kami. At tsaka clingy kasi si Deej noon pa man, kaya ayun laging kulang nalang patayin ako sa parinig sa twitter niya. Kesyo daw may gusto talaga ko sa bestfriend ko. Nilalandi ko daw.

Nilalandi? Really?

Natawa nalang ako nung nabasa ko yung mga yun eh. Alam ko naman yung totoo. Bestfriend ko si Deej. Yun lang yun. Madalas kaming ma-issue sa sobrang closeness namin pero normal na samin yun kasi nga bestfriends kami. Sadyang marami lang malisyoso.

"Oo na po. Magagalit ka na naman sakin eh. Ang hirap mo pa namang amuhin." Sabi niya sabay hilig sa balikat ko.

Isa pa yan sa kinaiinggitan ng girlfriend niya. Pag kasi ako ang nagalit o nagtampo, kahit pa kasalanan ko naman talaga ay sobrang sorry si Deej sakin. Pero pag sila ang nagaaway ay mataas ang pride ng lalaking to. Ewan ko ba dito. May sapak din to sa ulo eh.

Inirapan ko lang siya. I was never the sweet bestfriend. Sa aming dalawa, siya yung sweet, siya yung malambing. Ako, ako yung nakakapagpasunod sakanya. Pag sinabi kong magaral siya at wag mag-laro, susunod yan. Ako yung masungit at siya ang nakakatiis ng kasungitan ko.

"Eh paano ka uuwi? Susunduin ko siya sa terminal eh." Sabi niya. Alam ko na agad yun. Malamang hindi niya ko maihahatid.

I shrugged him off. "Kaya ko naman umuwi magisa. Hindi naman ako pilay." Sabi ko.

"Tapos magtatampo ka na naman. Tapos susuyuin na naman kita. Tapos -"

I cut him off. "Tapos ay sasaktan kita pag hindi ka tumahimik. Ang dami mong sinabi. Magcocommute lang ako pauwi."

Kathniel One ShotsWhere stories live. Discover now