3 Words 8 Letters (His side)

8.7K 355 48
                                    

(We've heard her side of the story. Its time to hear his side <3)

3 Words 8 Letters (His side)

It was the start of our second year in high school when I felt this unfamiliar feeling inside me. Parang may kung anong nagwawala sa loob ko pag nakikita kitang tumatawa. Your simple gestures can make my heart go crazy. Ang bakla diba? Dun ko naisip na ganun pala kiligin ang lalaki.

Something within you caught me.

Siguro yung pagiging magaling mo sa Math, you were always the top student pag dating sa Math simula lumipat ka sa school. Weird but Ive never felt jealous na naagaw mo yung pwesto ko sa best in math. Instead, I felt happy. Happy for you. I dont know. Pati ako nawweirduhan sa naramdaman ko.

Siguro, yung tawa mo. You laugh like there's no tomorrow. Malakas pero hindi nakakairita. Yung bang nakakahawa yung saya mo. Pag nakikipagkwentuhan ka nun sa barkada mo sa canteen, ang sarap mo lang titigan at pakinggan. Kasi ang genuine ng tawa mo. Ang sarap sa tenga. Ang weirdo ko noh.

O siguro yung pagiging totoo mong tao. You showed us the real you. Kaya nga maraming nagmamahal sayo eh. Pinapakita mo kung anong nararamdaman mo. Pag masaya ka, masaya ka. Pag naiinis ka, sinasabi mo. You dont sugarcoat things. Prangka ka. And thats what makes Kathryn Bernardo, Kathryn Bernardo. Thats what makes you real. Hindi ka plastic.

O siguro yung passion mo sa ginagawa mo. You loved Volleyball so much. Sobrang passionate ka nun sa paglalaro ng Volley. Kaya siguro second year ka palang ay captain ball ka kaagad ng team ng school.

Actually, hindi ko talaga alam kung ano sa madaming magandang katangian mo ang nagpahumaling sakin ng ganto. You were like my daily dose of happiness for years. Makita lang kita, okay na ko. Tatanawin lang kita sa labas ng room mo o sa canteen ay kuntento na ko. It was like Im addicted to you.

Fourth year high school ng matupad yung pangarap ko. Oo pangarap ko. Pangarap kong maging classmate ka para mapalapit ako sayo. True enough, naging close tayo simula nung maging seatmates tayo. Madalas akong magpaturo nun sayo kahit na ang totoo ay nagegets ko naman ang lesson. Siguro way ko narin yun para mas mapalapit sayo.

Nung gabi ng high school dance ay dapat aamin na ko sayo. Na matagal na kitang mahal. But things happened. Umamin sakin yung bestfriend mo. Alam ko na agad na kung aamin ako sayo ay ituturn down mo ko. Ayoko ring maging bastos sa bestfriend mo para umamin sayo right after niyang umamin sakin.

I dont know if I did the right thing, maybe not. Pero nanligaw ako ng iba. Umiwas ako sayo. It took everything in me not to hug you tuwing makikita kong nasasaktan ka. Nasasaktan kaba kasi nanliligaw ako sa iba? Nagseselos ka na ba? Kasi sabihin mo lang. Titigil ako. But it never happened. Hanggang sa sabihin sakin ng nililigawan ko na obvious naman daw na ikaw ang gusto ko. Bakit ko pa pinapahirapan yung sarili ko.

Bumalik tayo sa normal. Mas naging sweet ako sayo. I wanted to make you feel how I love you. Kasi hindi ko pa masabi. Naghihintay ako na makaipon muna ko. Makaipon ng lakas ng loob.

Gabi nung retreat ng aminin ko sayo ang lahat. Actually, hindi pala lahat. Sinabi kong ikaw ang naging inspirasyon ko ng buong taong yun. Hindi ko nasabi na simula pala lumipat ka sa school ay ikaw na ang nagsilbing inspirasyon ko.

Kathniel One ShotsWhere stories live. Discover now