75- SOMETHING SPECTACULAR

884 11 9
                                    

Author: april_avery

Genre: Teen Fiction

Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt something lacking. She often felt she was living to her parents idea of what she should be, and she started to doubt if that was what she really wanted.As her uncertainty and longing continued, she met a group of people from a poorly funded, nearly dissolved, university organization. A group of six university students who taught her the value of friendship, the courage that comes with pursuing her dreams, and the importance of living in the moment and creating Something Spectacular.

-----

05/02/2020

Mag-kwento muna ako kung paano ko na-discover tong story na to ha? Please bear with me. Hahahaha

First story ni ate april_avery na nabasa ko. Isa ito sa mga stories na sobrang affected ako. At ito yung nag-iisang story na sobrang naging emotional ako. Halos every chapter naluluha ako, then dun sa chapter 20 ata yun and beyond, umiiyak na ako bawat chapter.

Matagal na tong nasa library ko. As in nakapila siya sa mga babasahin ko noon pa. Pero hindi ko alam bakit hindi ko makuha yung momentum ko noon na basahin to. Nakita ko to noon sa mga recommended stories sa facebook, about ata sa mga nakakaiyak daw na stories. Isa itong Something Spectacular sa most mentioned dun. 

Then this year, may nakita nanaman akong thread about sa ganun nga, nakakaiyak. Meron pa rin to. Pero may unang tatlong stories akong unang dapat basahin kasi ng series. Hahaha. After kong basahin yung series, inopen ko na tong story, pero hindi ko pa rin binasa. Clinose ko ulit, ewan ko ba. Then nagbasa ako ng ibang story, kaso hindi ko bet yung way ng pagsulat nung author sa story na binabasa ko, kaya bumalik ako dito. So sabi ko, sige na nga, ito na siguro yung time para basahin to. Sigurado ako maganda to. 

Informed naman na ako na nakakaiyak to before ko basahin. Pero hindi ko pa alam yung mangyayari. Informed lang ako sa masakit at nakakaiyak.

After ko basahin yung first chapter, meron akong ibang feeling. Ewan ko ba. Bakit parang ayaw ko nang ituloy? Bakit parang masakit sabi ko. (Hindi pa ako na-spoil dito)

Nung tinuloy kong basahin, lumalakas yung feeling ko na ganun. Ito lang yung story na ganun ang naramdaman ko. Yung kinakabahan sa mga mangyayari kahit wala pa naman ako sa climax or sa gitna ng story. Kumbaga nasa starting line palang ako pero bat ganun na yung feeling ko? Nasasaktan na ako. (Hindi pa ako na-spoil dito)

Mahilig talaga  akong magbasa ng comments sa isang story. Walang kaso sa akin yung spoiler chuchuness lalo na kung alam kong happy ending or very very light yung story. Pero dito, amputs, pinagsisihan kong nagbasa ako sa comment section. Nasa chapter 2 palang ako nung na-spoil na ako. Kaya guys, please wag kayong magbasa sa comment section. Nagulat at nainis ako sa totoo lang, kasi yung line na may comment, hindi ko ineexpect na dun sila mag-sspoil. Asar na asar ako. Gusto kong balewalain para surprise ending pa rin e. Pero shunga talaga ako, nag-search pa ako sa facebook ng quotes kasi na-curious ako. Hahahaha. Huwag niyo akong gayahin.

Hindi pa ako tapos sa story nun ha, nasa chapter 4 palang ako nung nag-search ako sa facebook.

Hindi ko alam kung OA lang ako or what pero nung nabasa ko sa facebook yung mga lines/quotes , hindi ko pa alam yung buong story nun, ending lang ang alam ko but not the whole story, umiiyak na ako. Yung ang sakit na talaga. Hindi ko alam, pero sa mga lines palang, ramdam ko na yung sakit. Bakit ganun? 

Sabi ko, itutuloy ko pa ba? Chapter 4 palang ako, wala pang masakit na nangyayari, pero bakit nasasaktan na ako? 

So sige. Ituloy na. Masakit na kung masakit. Curious ako anong nangyari, bakit ganun ang ending. Tutal fiction lang naman to, makaka-move on din naman ako after, sabi ko. Akala  ko lang pala. Habang nakakalayo ako, mas bumibigat yung nararamdaman ko. Mas masakit. Wala na atang chapter dito na hindi ko iniyakan. Sobrang naging emotional ako dito.

Na-spoil na ako sa lagay na yun ha, grabe pa iyak ko. Paano pa kung hindi.

Pag babasahin niyo to, isang box ng tissue dapat nasa tabi niyo. Promise. Sobra sobra ang sakit.

Hindi ito yung nakasanayan nating college girl meets college boy then boom, mai-in love.  Typical love story.

More on  story about friendship. About you. About life. About being brave

This is a deep story. 

Maraming life lessons and realizations na matutunan. Gusto ko yung mga words of wisdom ni Gavin. Yung mga advices niya. Everytime na nagbibigay siya ng WOW, naiiyak ako. Paano ba magkaroon ng isang Gavin? Paano ba magkaroon ng isang kaibigan na tulad niya? Paano ba magkaroon ng mga kaibigan tulad ng Arcadian na kaya kang intindihin? Yung pwede mong sabihin problema mo sakanila without you, being judged. I admire how strong they are. May kanya-kanya silang problema pero nandyan parin sila for each other pag kailangan ng tulong ng isa. Walang iwanan. Nahanap nila yung comfort nila sa isa't-isa. They are more than an organization, they are family.

I admire all the characters here. They are strong and brave enough. Walang tapon. 

 Bawat chapter, mabigat at masakit. Bawat salita, tumatatak.

Sana may makilala rin tayong tulad ni Gavin na tutulungan tayong mahanap yung sarili natin, yung tunay na kaligayahan. Pero sana hindi mawala yung taong magpapamulat sa atin ng mga bagay na gusto natin. Gavin is an ideal man, but damn.

Napaisip ako na, meron at meron talagang tao na darating sa buhay natin na sobrang lakas ng impact at magkakaroon ng important role sa buhay natin, pero ah shit! 

Tawagin  niyo na akong OA pero after kong basahin to, grabe pa rin iyak ko. Habang naliligo, habang kumakain, naiiyak pa rin ako. Parang naging part ako ng story. Ang hirap mag-move on. Parang hindi ko kaya

This is worth reading! One of the best stories in wattpad. Ang galing ng pagkakasulat. Ang galing ng author.

"We are only a moment in this vast universe."

BE BRAVE, EVERYONE!

-----

Because of this story, I remember someone. Gavin reminds me of him. Around 2015 yun, he was a member of Jonaxxstories Lover.  We're not close, but I was saddened when I heard the news about him. He's Kuya Sorr Betes. Gustong-gusto ko kasi yung boses ni kuya, then mabait pa siya. I also downloaded his covers on facebook before, then ipe-play ko pag may ginagawa akong paper works. I don't know if anyone of you know him. Matagal na rin kasi yun. Wala lang, bigla ko lang kasi siyang naalala. Kung nabasa niyo na tong story, then alam niyo na bakit ko naaalala si Kuya Sorr kay Gavin.

-
09/25/2020
Hey guys. So this story will be self publish. Ordering period will be Nov to Dec this year. I'm so excited! Kung may pera kayo, bili na kayo. Hehe. Let's support Ate April 🙂

MUST READ STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon