47- I love you since 1892

3.5K 89 36
                                    

Author: UndeniablyGorgeous
Reads: 2.2M as of 09/09/17
——————

Meet Carmela Isabella ang spoiled maldita na nabitter sa pag-ibig pero lahat ng iyon ay magbabago nang bigla siyang napunta sa unang panahon, in the year of 1892. Oo tama kayo, panahon pa nila Jose Rizal. Natuklasan ni Carmela na may dalagang nabuhay noong 1892 na sobrang kamukha niya at ito ay si Carmelita Montecarlos ang bunsong kapatid ng kaniyang lola sa talampakan. Para makabalik siya sa 2016 kailangan niyang baguhin ang mapait na kapalaran na sinapit ni Carmelita dahil sa pag-iibigan nila ni Juanito Alfonso. Pero paano na lang kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay ma-inlove siya sa lalaking nasa ibang panahon? Ang spoiled brat ng 2016 na si Carmela ay nainlove sa gwapong gentleman ng 1892 na si Juanito, posible kaya to? Samahan niyo na ang makulit at sobrang epic na adventure ni Carmela sa panahon pa ng Espanyol... muli nating balikan ang love story of 1892.

--------------------------

Ok. So this is the first historical fiction na nabasa ko.

I read this story because I got curious. Marami kasing nagsheshare sa facebook neto e. Mahaba siya,oo, but it was worth your time. (Buti nalang ngayon ko lang to nakita kasi tapos na board namin. Hahahaha. I have a lot of time to read this)

First, I would like to thank my pillow and blanket, kasi sila ang karamay ko nung panahong umiiyak ako dahil dito. Charot. Hahahaha

This story will bring mixed and different emotions. Kilig, Saya, Lungkot, Pagkamuhi, Pagkahabag. Hahaha

Masaya ako na nung binasa ko to kahapon, (yes I just finished this yesterday) mag-isa ako sa bahay. Mas ramdam mo kasi yung story pag tahimik yung paligid. Kaso lang sa sobrang tahimik, mukha akong shunga na tatawa ng malakas, sisigaw sa sobrang kilig tapos biglang anlakas ng iyak ko. Hahaha. Napakahirap na itigil ang pagbabasa sa istoryang ito, kung maaari lang na hindi na ako maligo kahapon, pero kailangan. Tapos para akong iniwan ng aking nobyo, kasi hanggang sa pagligo, grabe iyak ko (pag inaalala ko yung chapter kung saan ako nagstop). As in brokenhearted talaga ako.  OA na kung OA pero meron yung as in "IKAW" lang ang sabi ni Juanito kay Carmela, pero grabe yung iyak ko kasi damang dama ko. Andami kong iniyak sa story na to ah. Hahahaha

Grabe! Ang ganda ng story na to. Ma-aamaze ka how deep and strong their love for each other is. And syempre, ang galing din kasi hindi ko ineexpect yung twist. Hahahaha. Or sadyang shunga lang talaga ako kasi hindi ko yun nahulaan.

Kwinento ko kasi to sa kapatid ko, tapos habang kwinekwento ko, umiiyak talaga ako. Hahahaha. OA much db?

I admire Juanito Alfonso so much. Grabe yung kilig ko sa kanya. Huhuhuhu. I just wish I can meet someone like him, soon ❤ Gentleman, gwapo, matalino, mabait and marami pang iba na puro positive.

This will be publish, around 700-800 ata ang price kasi hardbound. Get your copies soon guys. Hindi ko to palalagpasin. Mangungutang muna ako ng pera para may pambili. Hahaha. Mga ganitong story yung ginagastusan e. Kasi worth it talaga.

Basahin niyo na guys! Worth it promise

PS. Halos every chapter kasi, may attached video of song, I suggest you play it after reading the chapter, para mas dama or ramdam mo, specially dun sa heartbreaking scenes :)
----
08/26/2023

Read it for the 2nd time. After almost 6 year, binasa ko ulit ito. It's good thing na matagal na yung huli kong basa kasi hindi ko na alam yung ibang scenes, pero syempre naaalala ko pa yung plot twist. Actually, before reading it again, natatakot ako. Natatakot ako na baka wala na yung feels. Pero mali ako. Same feels pa rin. Mixed emotions. Pero pagdating sa last two chaps, hindi na mix. Puro sadness na sa akin. Sobrang hagulgol ko dito, promise, para akong iniwan ng boyfriend! Hindi ko madescribe ng mabuti pero ang sakit! Sobrang ideal ni Juanito. Sobrang ideal ng family Alfonso and they deserve better! Sobrang selfless. I kennat! Habang nagtatype ako naiiyak pa rin ako. Grabe ang effect ng story na to sakin, mahihirapan akong magbasa ng panibagong story after rereading this kasi ang hirap pantayan or lagpasan nito. Iba yung atake nito. Kaya I will never regret sleeping late para lang matapos ulit ito. Super duper worth the time!

---

Attached is an unboxing video of the book. Soon, a video about the first printed book and the latest book will be posted

MUST READ STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon