60- HEARTLESS

522 6 2
                                    

Author: jonaxx

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang oras na lang ay pasko na. Yung feeling na tatlong araw na lang simula na ulit ng pasukan. Yung feeling na nasa gitna ka pa lang at di ka pa nakakarating. Yung feeling na malapit na pero hindi pa. Yun ang laging gusto ko. Yung nasa gitna pa lang. Yung nasa gitna ka ng dalawang bagay. Gitna ng isang building. Gitna ng langit at lupa. Gitna ng dalawang matatabang tinapay. Gitna ng byahe papuntang disneyland. Mas gusto ko yung feeling tuwing nagbabyahe kesa doon sa nakarating ka na. Mas gusto ko yung feeling na may inaantay ka kesa doon sa nandyan na.

I always like the things in between.

"You only like things in between, Coreen. You only like the chase... You only want me chasing after you. You don't want to decide... Pero pakiusap naman, magdesisyon ka na, kasi tao rin naman ako, nasasaktan. And you? I don't think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko... You are just too heartless."


---------


Actually, una ko tong ni-reread before WORTHLESS. Tinamad lang akong gumawa ng review. Hahahah. Kasi nga si Noah ang bias ko sa Elizalde brothers noh.

Ito ang story ni sexy manipulative beast na si Rozen Gaiser Elizalde at ang bestfriend ni Reina at patay na patay kay Noah, na si Coreen Aquino.

Pag nauna niyong nabasa ang MAPAPANSIN KAYA, for sure maiinis kayo kay Rozen, kasi nga siya ang nagturo kay Reina na maging stonehearted. Tapos napaka-manipulative niya pa.

Ganun din dito, manipulative pa rin siya. Pero, makikita niyo yung good side niya dito. Kung paano siya magmahal at ano ang kaya niyang gawin para sa mahal niya.

Yung iba, mas bet tong si Rozen kesa kay Noah. Hindi ko naman sila masisisi. Kanya-kanyang taste yan. Kung di lang ako solid Noah, malamang Rozen ako. Hahaha.

Ang sarap din kasi magmahal ni Rozen. Yung effort niya para kay Coreen? Ohmyghad. Taga-organize ng schedule, taga-gawa ng presentation, taga-tulong sa projects. Oh san ka pa? Playboy siya pero yung puso niya na kay Coreen lang. Akala mo puppy love lang, kasi minahal niyansi Coreen, teenager palang sila, highschool ata, pero tignan mo naman, greatest love na pala.

Rozen, i- 5 star hotel mo ako. Hahahahaha

MUST READ STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon