Chapter 20 - Para sa Masa

86 8 24
                                    

Sa mga nagtatanong kung ano 'yung sinabi ni Calvin last chapter. Jowa Haeyo - I like you. Jungmal Jowa haeyo - I really like you. It's hanggul. Song used from last chapter was Ligaya by Eraserheads. Happy reading! This is the last chapter!




Chapter 20.

3 months.

1 year.

1 and a half year.

To be exact, 1 and almost 7 months na akong nanliligaw kay Ligaya. I don't know why she wants me to court her for a very long time knowing na parehas naman kami na may pagtingin sa isa't-isa. Everytime I ask her about this, ang sinasabi lang niya palagi, "Just wait."

Yes, I'm willing to wait kahit kailan pa. 2nd year college na kami, at kung gusto niya na may trabaho na kami bago niya ako sagutin, then fine. Hindi ko hahayaang mawala siya sa akin ngayon pang alam ko na siya talaga ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. I love her so much that I'm willing to wait until she's ready to say yes.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ni Ligaya sa amin habang bumabyahe kami.

"Surprise nga," I said. Nakangiti pa rin ako at hindi ito mawala-wala sa labi ko. Ewan ko ba, pero naiisip ko pa lang kung saan ko siya dadalhin, natutuwa na ako. For sure, she'll love it too as much as I do.

"Naku Calvin. Grade 12 pa lang tayo ang hilig mo na sa suprises," sabi ni Ligaya bago mangalumbaba sa bintana ng kotse ko at tumingin sa dinadaanan namin. "Wala namang book fair ngayon dahil December na. Wala rin namang concert ang eraserheads kaya imposibleng pumunta tayo sa concert. Hindi ko naman din birthday ngayon. At hindi mo rin birthday. Walang event ngayon," sabi niya habang nakapalumbaba.

"Kailangan bang may event para bigyan kita ng surprise? Hindi ba p'wedeng gusto ko lang ng quality time with my future girlfriend?" Tanong ko sa kaniya kaya natawa siya.

"Future girlfriend huh," aniya. "Sure ka bang magiging girlfriend mo ako?"

Nawala ang ngiti sa labi ko at sumilay ang kunot sa noo ko. Saglit din akong napatingin sa kaniya bago tuminging muli sa kalsada. "What do you mean? May pagasa naman ako sa'yo 'di ba? Sabi mo gusto mo rin naman ako. 'Di ba? The feeling is mutual. Don't tell me pinapaasa mo lang ako?"

"Gusto nga kita," sagot niya. "Pero paano kung gusto lang pala kita as a friend? Anong gagawin mo? Paano kung gusto lang kita, pero hindi kita mahal tulad ng nararamdaman mo sa akin?" Tanong niya habang hindi tumitingin sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng kakaiba. Para bang... parang hindi siya si Ligaya. Para bang may gusto siyang iparating sa akin na hindi ko maintindihan kung ano.

Napalunok ako bago muling ngumiti. "Then it's okay. Kung one sided love lang 'to, I'll make sure na mafafall ka rin sa akin. Ikaw pa, eh marupok ka 'di ba?" Natatawa kong saad pero hindi siya sumagot. "Ligaya... I love you and I'll make sure that you will love me too. Alam kong gusto mo ako. Ikaw ang nagsabi no'n sa akin. Hayaan mo lang akong iparamdam sa'yo kung gaano kita kagusto. I'm willing to wait," saad ko.

Tumango naman siya at tumingin sa akin. Pagkatapos ay ngumiti siya. "Sana nga Calvin, makapaghintay ka. Sana nga," aniya kaya hinawakan ko ang kaliwang kamay niya.

"No need to worry Ligaya. I'm already waiting. Sana hindi ka manawa sa akin na naghihintay sa'yo," natatawa kong saad habang hawak pa rin ang kamay niya habang ang isa kong kamay ay nasa manibela at nagmamaneho.

"Si Ligaya Mercado? Mananawa sa mukha ni Calvin Herrera? Ang g'wapo-g'wapo mo kaya. Sinong mananawa sa'yo?" Aniya kaya napaismid ako. Mukhang nagkamali ako kanina.

Siya pa rin si Ligaya. Ang babaeng nagpatibok ulit ng puso ko. Siya si Ligaya na makulit, malambing at masiyahin. Simula nang ligawan ko siya, never na ulit siyang nagpakita ng lungkot. Kapag tinatanong ko kung may problema siya, sinasabi naman niya. Unlike before, minimal problems nalang at madali naming nasosolusyonan ang mga problema niya. Hindi na rin niya problema ang mga kaibigan niya ngayon dahil may mga bago na siyang kaibigan sa bago naming pinapasukan.

The Way She Look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon