Chapter 4 - Minsan

132 13 18
                                    

Sorry kung may mga typo o mali sa grammar. Katamad na kasi ayusin kapag natapos na isulat HAHA. Vote and comment para update agad!



Chapter 4.

"Te-teka? Ikaw ba talaga 'yan Calvin?" Kunot-noong tanong ni Chervo habang dinudutdot ako, parang hindi makapaniwala na ako ang kaharap nila.

"Hindi ka ba nilalagnat? Nagbreakfast ka ba? Kumpleto na tulog mo? No'ng naliligo ka ba hindi ka nabagok? Kulang ka siguro sa vitamin J ano?" Sunod-sunod na tanong ni Jeremy saakin habang hinahaplos maya't-maya 'yung pisngi, leeg at noo ko.

Binatukan ko naman silang pareho.

"Ako nga ito. Ano bang masama kung sasali ako?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Kanina pa ganito ang akto nila simula nang sabihin ko sa kanila na kasali na ako sa Westhood Movers. Inagahan ko ang pasok ko kanina para agad na magparegister sa grupo na 'yon. I decided to bring back the old me--the one who has passion in dancing. Una dahil ayoko ng lapitan pa ni Lisana. At pangalawa, napaisip ako kung ano bang masama kung sumali ako sa Westhood Movers, sasali lang naman ako't hindi sasayaw. Naghahanap lang naman sila ng members.

"Ngina p're. Anong nangyari sa'yo? Nasaan kaibigan namin? Ilabas mo nga!" Sabi ni Jeremy bago ako niyugyog ng ilang beses. Tumigil lang siya ng titigan ko siya ng masama. "Sabi ko nga, Calvin ikaw 'yan," walang ganang saad niya.

"Pero seryoso Calvin, anong hangin 'yang nalanghap mo't sumali ka sa Westhood Movers? Hindi ka ba nalason sa kinain mo? Napanaginipan mo bang guguho na ang mundo kaya ka sumali?" OA na tanong ni Chervo bago kami umupo sa upuan namin sa loob ng classroom. Tabi-tabi lang naman kaming tatlo, and because we're too early, solo namin ang room. Pumunta pa sila sa harapan ko kaya naman nagulo ang arrangement ng mga upuan.

"Ano bang masama kung sumali ako? Dati ko na rin namang ginagawa 'yong pagsayaw. Besides, gusto ko ng bagong daily routine. Napaisip ako na nakakatamad din palang tamarin," kaswal kong sagot sa kanila pero hindi pa rin nawawala 'yung pagtataka sa mga mukha nila.

"Kahit na, Calvin. Kilala ka namin e. Kapag nagsabi ka na ayaw mo, you really don't want to. Ilang beses ka rin ba naming sinabihan na naghahanap pa ng members ang Westhood Movers? Ilang beses mo rin ba sinabi sa amin na ayaw mo? Kamo sayang sa oras," pang-iintriga ni Chervo, na para bang suspect ako sa isang krimen.

"People change, Chervo," sagot ko bago kinuha 'yung earphones sa loob ng bag ko.

"Ibang-iba 'yung change sa'yo, Calvin. Parang biglaan," seryosong sambit ni Jeremy kaya napatingin ako sa kaniya. Nagkatinginan sila ni Chervo tapos sabay na tumingin saakin. "Hindi kaya dahil kay Ligaya kaya ka sumali?" Parang out of nowhere na tanong nila kaya naman agad akong umiling.

Ayokong sabihin sa kanila na ang totoo kong motibo sa pagsali ay para layuan na ako ni Lovely. Tutal I've decided not to think about her anymore. Once na malaman na niya na kasali na ako sa Westhood Movers, hindi ko na rin naman siya makikita--at kung makita ko man siya, dapat niyang tuparin ang pangako niya na lalayuan na niya ako. Dahil kung hindi, ano pang saysay ng pagsali ko sa organisasyon na 'yon?

"Definitely not," walang pag-aalinlangan kong tugon bago sinalpak sa magkabila kong tainga 'yung earphones. Kunwari akong nakikinig sa music, pero ang totoo, kapag ganitong wala ako sa katinuan, at marami mas'yadong iniisip, ayokong nakikinig ng musics. Pakiramdam ko kasi, mas lalong gumugulo ang lahat. Mas lalo lang akong nalilito.

Sobrang daming pumapasok sa isip ko. Nakasali ako sa Westhood Movers ngayong araw. Natakasan ko nga si Libra, pero pumasok ako sa isang organisasyon kung saan mas maraming tsansa na magkaro'n ako ng mga bagong koneks'yon. Naisip ko na rin ito kagabi, na mas lalo lang gugulo ang buhay ko once na makasali ako sa grupo na 'yon. Alam ko kasi ang ugali ng isang dancer, it's either yayabang 'yan dahil sikat sila, o mas magiging palakaibigan para mas maraming supporter.

The Way She Look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon