Chapter 9 - With a Smile

98 6 1
                                    

Chapter 9.

"Vin! Ano ka ba bumaba ka riyan!"

Napatingin ako sa likuran ko. Muntik pa nga ako mawalan ng balanse pero buti na lang naalalayan niya kaagad ako. Hindi ako bumaba sa kinatatayuan ko, bagkus, humawak lang ako sa may pader na malapit sa kinatatayuan ko.

"Vin bumaba ka riyan ano ba?" Nag-aalala niyang saad pero nginitian ko lang siya.

"Angelica, hindi ko na kaya," I smiled, trying to erase those bad memories that bothering me this days. "Gusto ko na lang na mawala. Gusto ko na lang mamatay para matapos na 'tong paghihirap na nararamdaman ko. Angelica, you know how good I am. Hindi ko kayang gawin 'yun. You believe in me right?"

Tumango siya. May ngiti sa labi niya na never nawala sa mukha niya. Ang ngiting 'to ang palaging nagsasabi sa akin na dapat ngumiti rin ako. Na dapat maging masaya rin ako dahil she deserve someone who can make her happy. Which I think I did, pero hindi permanente. Temporary lang 'yung saya na naibigay ko sa kaniya.

"Yes, Vin, I do believe in you. Pero hindi mo masusulusyunan sa pagpapakamatay ang problema mo. You know, this problem is just a challenge. I mean a difficult challenge you need to conquer. Kapag nagpatalo ka rito at nagpadala, mas mapapatunayan lang na totoo nga ang kumakalat na balita laban sa'yo," lumunok siya ng isang beses. Lumuluha na siya at doon nagsimulang mawala ang ngiti sa labi niya.

"Vin, kapag nawala ka, paano mo dedepensahan ang sarili mo laban sa mga issues nila? Yes, mawawala at mamamatay ang issue once na mabalitaan nilang nagsuicide ka. Pero Vin, kahit hindi ka magpatiwakal, the issue will die and fade over time," aniya kaya napatulala ako sa kawalan. Gusto kong makinig sa kaniya dahil she's always right. Pero hindi pa rin ako kumbinsido na bumaba rito sa harang ng hallway namin.

"Kahit ano namang dipensa ko, hindi nila ako pinapakinggan. Everything to them is a joke. They did listen to my side, pero hindi sila naniniwala sa akin na hindi ako 'yung gumawa no'n kay Shaira. I'll never do that unto women!" Napataas ang boses ko tho hindi ko gusto at hindi naman dahil kay Angelica 'yon.

"Kaya nga nandito ako..." halos pabulong nitong wika habang pinipigilan ang mga luha niya. Ang paghikbi niya at pangangatal ng labi, nagdulot ng lungkot sa buo kong sistema.

"Angelica..."

"Sige Vin," pinunasan niya 'yung mga luha niya. Pagkatapos ay binigyan ako ng isang matapang na tingin na ngayon ko lang nakita sa kaniya sa buong panahon na magkasama kami. "Paano ako kapag tumalon ka rito? Paano 'yung pamilya mo? Naisip mo ba na sobra kaming masasaktan?" Aniya na gusto muling umiyak pero pinipigilan niya.

"Angelica--"

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Tumayo rin siya sa kinatatayuan ko na halos ikamatay ko na rin sa sobrang kaba.

"Anong pakiramdam na 'yung mahal mo nasa bingit ng kamatayan?" Tanong niya sa akin na may ngisi sa labi. "Nakakatakot 'di ba? Kinabahan ka right?" She said and I nod.

"Angelica, bumaba ka rito," I said.

"No," umiling siya. "Kung tatalon ka rito. Might as well to do the same. Para sa kabilang buhay walang sisihan. Hindi mo sisisihin ang sarili mo na iniwan mo ako, at hindi ko sisisihin ang sarili ko na hindi kita napigilan sa plano mong pagpapakamatay," she said with every point in each word.

"Pero Angelica..."

"Vin, ano na? Hindi pa ba tayo tatalon?" Tanong nito sa akin.

Napapikit ako.

I can't afford to lose someone like her. I mean, hindi lang siya someone. She's a very supportive, hardworking, brave and smart girl I ever had. Hindi ko kakayanin na mamatay siya ng dahil lang sa akin. Hindi ko kaya na mawala siya sa akin ng gano'n lang kabilis. I courted her for a couple of years at hindi ko sasayangin 'yung chance na binigay niya sa akin para pasayahin siya sa piling ko.

The Way She Look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon