Chapter 3 - Huling El Bimbo

179 16 22
                                    

Chapter 3.

Akala ko dahil sa pagtapon ko ng cupcakes na gawa niya kahapon, titigil na siya sa pangungulit saakin. Pero mukhang hindi pa rin.

Pagpasok namin kanina, naka-abang na siya sa school gate. Sabi pa niya, buti na lang daw at pumasok siya ng maaga. Naabutan pa raw niya kami. At kami raw talaga ang sad'ya niya sa school gate kaya hindi pa siya pumapasok sa loob.

Pinaglihi yata sa kakulitan 'tong babaeng 'to kaya hanggang ngayon, sunod ng sunod saamin.

"Mr. Pogi na med'yo masungit! Ilang taon ka na ba? Ano ba talaga pangalan mo? Ay teka! Calvin nga pala! Nag-friend request nga pala ako sa Facebook mo. Add mo na kasi ako. Pero ayos lang kahit hindi, palagi naman kitang nakikita," daldal nito habang sunod ng sunod saamin nila Chervo. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano at saan niya nalaman 'yung pangalan ko sa facebook. Might as well delete that account.

"Uy p're. 'Di mo ba talaga papansinin 'tong babae na 'to? Kanina pa 'to nakasunod saatin ah," pabulong na tanong ni Chervo bago tumingin sa likuran niya kung saan nakasunod si Libag.

"Oo nga p're. Para na nga 'tong langaw na nakasunod sa tae," sagot ni Jeremy kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Oy p're. Wala akong sinasabi na tae ka kung 'yan ang iniisip mo," defensive niyang sagot habang nakataas ang dalawa niyang kamay.

Hindi ko sila sinagot at dire-diretsong pumasok sa loob ng room. Hindi pumasok si Ligsa. Siguro hindi kami magkaklase sa class na 'to kaya hindi siya pumasok. Pero kahit nasa loob na ako, may huli pa siyang sinabi.

"Wait kita mamaya sa favorite spot mo! Sana sabay ulit tayo maglunch," sabi niya bago umalis sa tapat ng pintuan namin.

"P're. Mukhang may tama na ata sa'yo 'yung babae. Ano bang pangalan no'n?" Tanong ni Chervo pagka-upo namin sa upuan namin.

"Limas," Maikli kong tugon. Takang-taka sila sa sinabi ko, more on hindi makapaniwala. Para bang may kasinungalingan akong sinabi pero nang tingnan ko sila na parang nagtatanong, hindi naman sila nagtanong.

Agad ko namang nilapag 'yung bag ko sa upuan. Do'n ko lang napansin na may sticky note na nakadikit dito.

Dear Mr. Pogi na medyo masungit,

Have a nice day ahead! Kita tayo sa favorite spot mo mamaya ah! Hintayin kita do'n ;)

From Ligaya nambah wan

I crumpled the paper after reading its content. Tapos agad kong hinagis sa trashbin 'yung papel. Nakita 'yon nila Jeremy kaya agad na nagtaka 'yung mga mata nila.

"Ano 'yun?" Tanong ni Chervo pagkatapos tumingin sa trashbin.

"Ano bang tinatapon sa basurahan?" Kaswal na tanong ko bago umupo. Iilan pa lang kami sa loob ng room. Hindi kami maaga, late lang talaga 'yung mga kaklase namin dahil wala silang pakialam sa pag-aaral nila. Ganoon naman kasi sa senior year, walang pakialam nga teacher mo sa'yo kung pumasok ka sa klase o hindi. Hindi naman sila 'yung magsasagot ng test paper mo sa exam. Tiga-pasya lang sila kung gagraduate ka o hindi.

"Kalat?" Inosenteng tanong ni Jeremy.

"Exactly. That's a trash," maikli kong tugon.

"Sus! That's a trash daw. If I know Calvin, galing ulit 'yan kay Limas," nang-aasar na sabi ni Chervo. Hindi ko siya pinansin. Bagkus sinaksak ko nalang sa tainga ko 'yung earphones na dala ko. Wala akong oras para sayangin ang laway ko sa pakikipag-usap. Tutal hindi naman nila maiintindihan lahat ng sasabihin ko.

The Way She Look at MeWhere stories live. Discover now