Lesson 14

7.7K 143 11
                                    

Avery Rain Santillan

"Coffee for you." Nilapag niya sa gilid ko yung cup na may kape. "If you want to change your clothes, just check my walk-in closet. The one with a purple door. Pumasok ka lang doon then look for something for you to wear."

Napakunot ang noo ko sa kanya. "You have women's clothes here?"

He was caught off guard with my question. He was just staring at me impassively.

"May mali ba sa tanong ko?"

Napailing ito ng ilang ulit. "Wala naman. I—I have sisters. They stay here sometimes."

Tumango-tango ako saka dumiretso sa walk-in closet niya. Kaya naman pala nasabi niya ang patungkol sa kulay ng pinto dahil may dalawang pinto pagpasok mo sa loob. May itim na pinto at may purple na pinto. Dahil sinabi niyang sa purple na pinto ako pumasok, yun nga ang binuksan ko.

Pagkapasok ko, natuwa ako dahil purple and lavender ang theme ng walk-in closet. Purple has been my favorite color ever since. May mga white closets na may labels ng brands. May Gucci, Hermes, YSL, Charles & Keith at marami pang iba. This looks like exactly the replica of my walk-in closet on the mansion. Triple lang ang laki nun at mas marami pang closets sa loob.

I checked my wristwatch. It's late night at lumakas pa lalo ang ulan sa labas kaya siguro dito na lang muna ako magpapalipas ng gabi. I don't think makakauwi pa ako ng mansion.

Kaya mong umuwi. Ayaw mo lang.

Napailing na lang ako saka lumapit sa closet na may nakalagay na Victoria's Secret. I wasn't surprised to see various designs of nightdresses, pajamas and lingeries. I grabbed a red nightdress and it fits perfectly on me. Magkasize lang pala kami ng mga kapatid niya.

When I went out, I saw him watching some late night news. Umupo ako sa tabi niya saka tinext ang mommy at daddy na sa bahay na muna ako ng isang kaibigan matutulog.

"Nga pala Kyron, where's Amber? Di ba magkasama kayo kanina?"

"She was fetched by Niccolo. Hindi ko alam kung ano pang nangyayari dun sa dalawang yun but for sure, magkakaayos din ang dalawang yun."

He spoke like he knew everything. Hindi ko na ipagtataka iyon lalo na when I saw how close he is to Amber.

"Close na close kayo ng kakambal ko ano?"

"Not really." Tila hindi interesado niyang sagot habang nakatitig pa rin sa screen ng TV. "Accidentally lang kaming nagkakilala three months ago."

"Huh? Three months ago? How?"

"Papunta sana ako sa board meeting ng Holstein-Sonderburg nung muntikan ko na siyang masagasaan." Napasinghap ako sa kwento niya. "That was the time she learned about your relationship with Niccolo."

I felt guilty upon hearing na muntikan ng masagasaan si Amber noong nalaman niya yung patungkol sa naging relasyon namin ni Niccolo. "Ganun ba?"

"From what I heard too, isang taon na yung relasyon niyo noon. Kung hindi pa siguro sinundan ni Amber si Niccolo, hindi niya malalaman na may relasyon kayo ni Niccolo." Ramdam ko ang panunuya sa tono niya. Hindi ko naman siya masisi kasi may kasalanan naman talaga ako sa pangyayaring yun. Napabuntong-hininga na lang ako.

"What I wanted to know Avery is why you kept it from her? Why hurt your sister? Bakit kailangan niyong itago ang relasyon niyo kay Amber? You're thinking that she won't accept it? She can't handle the pain? Hindi niya—"

Her Deceitful AdonisWhere stories live. Discover now