Lesson 35

6.2K 108 4
                                    

Avery Rain Santillan

Holiday break is over and just like the usual days, bumalik na ako dito sa opisina nila Kyron to finish my OJT.

Until now, hindi pa rin nagsisink-in sa akin ang lahat. Parang naging mabilis ang lahat ng pangyayari but then, it's already there. We are happy to live with it. After all, they made me complete. Who am I to question things made possible by Him?

"How's your holiday break Avery?" Hinarap ko si Joseph na kararating lang sa floor namin.

"It was well spent. Ikaw?"

"Sakto lang." Tipid na sagot niya.

"Bakit naman sakto lang?"

"Dumating kasi yung pinsan kong may sira sa ulo. Ewan ko ba kung bakit bumalik pa yun. Akala ko nga patay na yun eh." Inis na inis na kwento.

Somehow, his story reminds me of Nadine. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nahahanap si Nadine. Walang makapagturo kung saan siya possibleng nagtatago. Masyadong magaling magtago si Nadine.

"Oo nga pala, alam mo bang usap-usapan na ng mga empleyado dito si Sir Tanjuatco?"

"Ha? Bakit naman?" Wala naman akong narinig na chismis patungkol kay Kyron kanina noong papunta ako dito sa floor namin.

"Ang sabi kasi ng mga empleyado dito, kasama daw ni Sir Tanjuatco yung girlfriend niya noong holiday."

"Hindi naman na nakakagulat yan. Kahit naman siguro sino gustong makasama ng pasko at bagong taon ang taong mahal mo."

"Alam ko naman. Pero ang chismis kasi, may anak na daw pala si Sir Tanjuatco! Tatlo na daw."

Kung may iniinom siguro ako, malamang nasamid na ako o di kaya nabuga ko yun sa gulat.

"Ha? Paano niyo nalaman?"

"Eh kasi, di ba may mga nakafollow sa facebook account ni Sir? Ayun, nagpost siya noong new year ng picture ng mga anak niya."

Napapalunok ako ng wala sa oras ng dahil sa mga naririnig ko. "Baka naman mga pamangkin o anak ng kapatid niya yung mga bata."

"Nakita ko yung picture eh. Kamukha ni Sir yung mga bata tsaka yung caption niya kasi proud daddy ang nakalagay. Hindi ko akalaing cheesy pala si Sir Tanjuatco ano?"

Kainis na Kyron to! Hindi man lang ako sinabihan na magpopost pala siya ng pictures ng triplets. Sana sinabihan niya muna ako para napaghandaan ko di ba?

"Talaga? Cheesy si Sir? Baka naman proud lang talaga siya sa mga anak niya. Proud daddy nga di ba?"

"Hindi lang naman kasi tungkol sa triplets ang gumimbal sa buong kompanya. Pati yung post ni Sir na magkahawak kamay sila nung babae at parehas na may suot na singsing. Nakakakilig daw kasi yung caption ni Sir. Noong nabasa ko naman, nakakakilig talaga."

Mabilis kong naitago ang kamay ko sa likuran ko. Pati pala yung mga kamay naming may nakasuot na singsing pinost niya! Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko.

"Wait, hindi mo ba finofollow si Sir sa FB? Parang hindi ka updated ha?"

"Ahh, masyado kasi kaming naging busy netong bakasyon kaya hindi na ako nakapagbukas ng facebook." Palusot ko na lang. "Wait lang ha? Restroom lang ako."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang papunta sa banyo. Naging maingat din ako na walang empleyadong makapansin ng singsing sa daliri ko. Pagdating ko sa banyo, mabilis kong inalis yung singsing sa daliri ko at nilagay sa bulsa ko. Nakahinga lang ako ng maluwag nang mailagay ko yung singsing sa bulsa ko nang walang nakakakita noon.

Her Deceitful AdonisWhere stories live. Discover now