Pahina 6

46.3K 690 3
                                    

ANDREW

Nandito ako ngayon at tumatambay lang sa condo ni Jeff. Walang magawa eh! Di sya pumasok kaya ok ang timing ko.

"Akala ko ba ikaw pinag mamanage ng bussiness nyo dito? Eh bakit parang hayahay ka lang jan?" Bungad ni Jeff ng makabalik sa living room sabay lapag ng beers.

"Wala namang importanteng gagawin dun! Tsaka, ako naguutos pre! Bayaan mo silang gawin mga pinautos ko! Ayos ba?"

"Langya ka! Pag bumagsak ang kompanya ng parents mo, humanda ka na!"

"Chill! Wag na nga nating gawing topic yun. By the way, I want to ask you something."

"Go on.."

"May problema ba kayo ni Sandra? You know? Nung nag bar tayo hanggang ngayon, iba parin pakiramdam ko sainyo. Sa mga oras nga na to dapat kausap mo yun sa phone pero look, Walang abala sa usapan natin oh!"

"Don't mind it."

"Hala! Ano nga? Pare naman! What are friends are for? Wag kang ganyan uy!"

Imbis na sagutin nya ang tanong ko, binatukan lang ako ni gago.

"Tumigil ka nga! Daig mo pa babae sa pagka-chismoso mo!"

"Grabe! Gusto ko lang malaman eh! Bakit nga ba? Wait! Kayo noh? Tapos LQ kayo? Naku pare! Di ko ineexpect yan ah!"

"Tigilan mo na nga pangaasar mo! Una! Hindi kami at pangalawa, never magiging kami! Alam mo namang may boyfriend yun at mahal nga daw nya yung mokong na yun!"

"Ay! Jelly?"

"Alam mo? Kung di lang kita kaibigan, naihagis na kita sa bintana! Para kang bakla jan!"

"Highblood agad? Sabagay, nung college tayo, pag may nagtatangkang manligaw kay Sandra at Bea, dumadaan muna sating dalawa. Pero hanggang ngayon pala over protective ka parin kay Sandra."

"Pabayaan mo na nga yun! Hintayin mo yung pina-deliver kong pagkain ng matigil na yang bibig mo! Ang dami mong dada!"

Hands up! Hindi na ko nagsalita kasi mukha rin namang wala talaga sa mood tong si Jeff. Baka mamaya tuluyan akong ihagis sa bintana nyan! Sayang kagwapuhan ko kung mauuwi lang sa pagkawasak.

BEATRICE

"Sandra! Huy!"

Jusko naman tong babaeng to! Kung hindi kulang sa tulog, kulang naman sa inner peace! Tulaley nanaman!

"Madami tayong dapat tapusin kaya utang na labas naman Sandra! Maging tao ka muna ngayon! Later mo na ipagpatuloy yang dream mong maging zombie! Pwede?"

"Pwede rin ba? Wag mo kong sigawan! Masyado to! Akala mo naman nasa kabilang bundok ako!"

"Ikaw kasi eh! Gising gising din pag may time! Kasi wala na tayong time sa mga papers na to! Jusko! Kailangan na tong i-rush!"

"Oo na! Oo na! Manahimik ka nga muna jan!"

Sinimulan na naming ayusin lahat ng pinapautos samin ni Jeff. Grabe! Inuna pa kasi namin yung gimik! Yan tuloy, nagagahol kami ngayon!

* * *

"Okay! Ay! Nga pala Sandra. May lakad ka ba after work? Magkikita kayo ni Terrence?"

"Wala naman! And may bussiness meeting si Terrence, out of town kaya di kami magkikita. Pero wag mo ng subukan yayain akong gumimik noh! Wala tayong oras. Okay?"

"I know right! Pero ako kasi may lakad. Hinihintay na ko ni mommy sa bahay. Pwedeng favor? Ikaw nalang magdala nitong mga papeles kay Jeff. Kailangan lang ng signature nya."

"Bea! Ikaw nalang! Alam mo naman diba?"

"Aba girl! Ilabas ang personal na bagay sa trabaho hah! Sige na. Keri mo na yan! Alam mo namang ayaw ni mommy ng pinaghihintay sya ng matagal. Yari ako dun!"

"Eh! Bukas nalang kaya pagpasok nya?"

"Naka-leave nga po sya ng isang linggo! Okay? Sige na. Go ka na jan. Di ka naman papatayin nun! Siguro sa sarap pwede pa—"

"BEATRICE!"

"Okay! Okay! Nagbibiro lang eh! Mauna ka na. Papapirmahin mo lang sya tapos okay na. Okay? Ganun lang!"

"Oo na! Kainis naman!"

At padabog na nyang kinuha ang mga gamit nya at tuluyan ng umalis. Naku! If i know, hindi yan makakapasok bukas. Well, di sa naninigurado ako pero, we'll see. Mahirap magtrabaho kinabuksan kung pagod ka nung kinagabihan.

If you know what i mean?

Our Lustful Friendship [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon