Pahina 23

28.3K 486 8
                                    

JEFFREY

Magkasama kami ngayon ni Sandra dito sa mall. I think this is the first time na ginawa namin to dahil nung magkaibigan palang kami never pa kaming lumabas ng ganito. She buys girl stuffs and i'm with her. I buy boy stuffs and she's with me. Nakakatuwa lang.

"This one! Pero, Red or blue?" Nakatayo ngayon sa harap ko si Sandra na may bitbit na sapatos.

"Hmmm.. Red?"

"Why?"

"Coz it looks hot on you, Loves!"

Napangiti si Sandra pati ang nasa likod nyang sales lady. Why? I'm just being honest.

"Ilugar mo nga yang kalandian mo!"

"Sus! Kinilig ka naman eh. Diba miss?"

Nanlaki sa gulat ang mga mata nung sales lady. Palipat lipat pa ang tingin nya samin ni Sandra bago napangiti at tumango.

"Wow! Haha! Ok then. I'll take this open toe stiletto miss. Yung red." Tumango yung sales lady at kinuha na kay Sandra yung sapatos.

Naupo sya sa tabi ko habang hinihintay yung sapatos nya. Hindi ko naman maiwasang himasin yung muscles ng binti nya.

"The hell Jeff!"

"Sorry! Kaso, Kaya mo ba yung ganun kataas na sapatos?"

"Sus! Ano ka ba? I've been wearing heels na mas mataas pa dun!"

"Pano pag natapilok ka?"

"I won't! Sanay na ko eh!"

"Worried lang!"

"Ang sweet ah! May kasalanan ka no?"

Napakunot ang noo ko. Ang mga babae talaga! Nilalambing mo na pagiisipan ka pa ng masama.

Hinila ko nalang palapit sakin si Sandra at niyakap sya. Pag nagsalita pa ko, baka lumala lang at maging beastmode na naman sya. Nakakastress pa naman pag nagkakaganun na sya.

* * *

"So? Paglulutuin mo ako ngayon? Dapat kasi kumain na muna tayo bago umuwi eh!"

Lumapit ako kay Sandra at niyakap sya mula sa likod nya. Ang bilis naman uminit ng ulo nya. Kanina pa sya ah.

"Kalma lang loves. Hindi ba mas sweet kasi kung ipagluluto mo ko? You know? Parang ginagawa ng mag asawa?"

"Sweet? Papagurin mo lang ako! Tsaka anong ginagawa ng mag asawa? Hindi pa tayo kasal! Wag kang oa jan!"

Inalis nya ang kamay kong nakapulupot sakanya at inis na inis na dumeretcho sa fridge at kumuha ng tubig.

"Okay ka lang ba?"

"Huh?"

"Kanina pa kasi mainit yang ulo mo! Di na kita maintindihan!"

Hindi agad sumagot si Sandra at inirapan ako bago makaupo sa sofa. Kunot noo akong sumunod at naupo sa lamesa sa harap nya.

"What's wrong, Loves?" Seryoso kong tanong sakanya. Kukunin ko sana ang kamay nya pero inilayo nya sakin yun at parang ayaw nyang dikitan ko sya.

Masama ang pagkakatingin nya sakin. Umiiwas din sya tuwing malalaman nyang di ko inaalis ang tingin ko sakanya.

"We have a problem!"

"Huh? Ano ba yun?"

Umayos sya ng pagkakaupo at pansin ko pa ang paghugot nya ng malalim na pag hinga.

"Jeff. Delayed ako."

SANDRA

"So? Anong sinabi?"

"Wala."

"What?! As in wala lang? That's crazy!"

Siguro ubos na ang luha ko. Matapos kong sabihin kay Jeff na baka lang naman na buntis ako ay wala syang isinagot. Ni wala akong nakitang kahit anong emosyon sakanya.

Dumeretcho ako dito sa condo ni Bea. I've been crying so hard at ngayon pakiramdam ko wala ng luhang lalabas sa mata ko. Ubos na! Ang di nalang maalis sa isip at puso ko ay ang hinanakit sa lalakeng mahal ko.

"Ano ng balak mo?"

Ano nga ba? Ano bang dapat gawin? Hindi pa naman ako sigurado pero katawan ko ito at iba na ang pakiramdam ko.

"I think i need to get away!"

"Eh saan ka naman pupunta?"

"Uuwi lang ako. Kay Zancho. I'll be back asap! I just need some fresh air!"

"Kung fresh na air nga naman eh talagang jan ka sa Port Valencia pumunta!"

Ngumiti sakin si Bea and i tried my very best to smile back to her.

"Basta! Magtest ka at kahit na anong result nyan, ipaalam mo agad sakin, okay?"

"Ofcourse. Sino bang laging una kong sinasabihan? Mas nauuna ka pa nga kaysa sa pamilya ko eh!"

"Kasi super love mo ko! That's life, Sandra!"

Sinipa ko ang binti nya bago sya hinagit para yakapin. Buti at may bestfriend ako. Oo nga na nagiisa lang sya but she's enough for me.

Nakakainis isipin na eto na naman. Kung kailan akala kong ok na ang lahat tsaka may dadating na naman na problema.

Pero kung malalaman ko na totoo ngang may mabubuo ng bata sa loob ko, hindi ba dapat blessing yun at di problema? Hindi ba dapat ay maintindihan ni Jeff yun dahil sya naman mismo ang laging nagsasabi na mahal na mahal nya ko?

Kung nagsasabi sya ng totoo, sana naman mahalin nya rin yung batang pwedeng mabuo sa loob ko na obviously, magiging resulta ng pagmamahalan namin.

Our Lustful Friendship [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon