Pahina 11

36.2K 601 3
                                    

JEFFREY

"Sabihin mo lang kung kailangan na kitang ilayo dito, gagawin ko yun Sandra!"

Matapos ikwento sakin ni Sandra yung nangyari sakanila ni Terrence, di ko mapigilang manginig sa galit. Ang sarap manuntok ng tarantado ngayon!!

"Jeff calm down! Kilala ko si Terrence. Hindi nya kayang gumawa ng masama. Paniguradong iba ang ibig nyang sabihin sa mga sinabi nya sakin!"

"Eh ano?! Sandra nagbabanta sya sayo! Ano pa bang pwedeng ibig sabihin nun bukod sa saktan ka nya?!"

"Hindi! Basta maniwala ka sakin Jeff! Hindi kayang manakit ni Terrence!"

Napaupo nalang rin ako dito sa sofa ko at sa tabi ni Sandra. Alam kong may gumugulo talaga sa isip nya.

"Bakit Sandra? May iba pa ba syang sinabi o ginawa?"

"W-wala naman! Pero kasi... Kahit alam kong wala namang pwedeng gawing masama si Terrence sakin, talagang-- ewan ko ba! Kinakabahan lang talaga ako!"

Ayoko ng magtanong pa at pag-isipin pa si Sandra ng kung ano-ano. Nagaalala nalang ako sakanya ngayon kasi aminado naman ako! Malaki ang kasalanan ko. Maayos naman ang lahat noon pero ako ang nagpagulo.

Maayos ang friendship namin ni Sandra. Maayos ang relationship nila ni Terrence. Nasa ayos ang lahat until i got out of control. No one can blame me, Madaling mahalin si Sandra.

"Basta, nandito lang ako sa tabi mo! Ako ang bahala!" Ayon ko at agad syang niyakap.

Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari pagkatapos nito, at kung anong kayang gawin ni Terrence bilang nagbanta na sya. But one thing i know, hindi ako aalis sa tabi ng babaeng mahal ko. Akin na sya.

* * *

Ilang linggo ang lumipas, nakatanggap ako ng imbitasyon para sa 50th golden wedding anniversary ng mga magulang ni Sandra. Wala parin silang alam sa mga nangyayari ngayon.

Paminsan minsan pag nakakausap ko ang daddy ni Sandra, panay pasasalamat lang naman sya dahil daw maayos ang sitwasyon ni Sandra sa kompanya namin at dahil sa alam nila na hindi ko rin naman pinapabayaan ang anak nila. Well, kung alam lang talaga nila kung pano ko protektahan ang anak nila, matanggap kaya nila?

"Kalma dude! Chill ka lang jan!" Natatawang ayon ni Andrew. Hindi kasi ako mapakali kanina pa.

"Ano ba't di ka mapirme jan pre? Natatae ka ba? Maaga pa! Di naman siguro sila magagalit kung malate tayo ng konting! Ilabas mo na yan!"

Umiling iling lang ako sa sinabi ni Andrew. Ang hayop palibhasa walang pinoproblema. Sarap ng buhay!

"May iniisip kasi ko pre! Nung isang araw pa kasi to gumugulo sa utak ko!"

"Ay bet ko yan! Tara let's make beks to beks talk! Dali! I-chika mo na sa eardrums ko yan bakla!"

Agad kong binatukan si Andrew. May saltik na naman si gago at kung ano anong pinagsasasabi. Baka mauna ko pang mabugbog to kaysa kay Terrence eh! Pasalamat sya at kaibigan ang turing ko sakanya!

"Seryoso kasi to brad!... Nung nalaman ko kasing invited ako sa wedding anniversary ng parents ni Sandra, naisip ko na... Pano kung ako na kaya ang magsabi sakanila na kami na ni Sandra?"

"Kayo na?"

"Gulat?"

"Eh di ka naman kasi nanligaw eh!"

"Di na kailangan yun. Understood na yun, bobo!"

"Ay ang talino mo hah?"

"Talaga!"

"Sus! Kung matalino ka talaga, dapat naisip mo noon pa na may boyfriend na si Sandra, na di ka dapat pumasok sa eksena kasi kaibigan ka lang naman dapat!"

Di ako nakasagot sa sinabi ni Andrew. Ang mokong, pumupunto! Kahit ayokong tanggapin, tama talaga sya! Pero may magagawa pa ba ko? Eto na! Nangyari na eh! Ganito pala pag tunay na pagmamahal na.

"Kitams! Natameme ka jan ano? Sabi sayo eh! Tiwala lang talaga! Gumagana rin naman tong utak ko paminsan minsan!"

Maangas na tumayo si Andrew at akala mo na parang ang laking tulong ng mga sinabi nya kung magyabang sya ngayon. Ewan! Bahala sya sa buhay nya. I made up my mind.

Today i will confirm our relationship to everyone. Sana umayon ang lahat sa plano ko.

Our Lustful Friendship [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon