Pahina 20

31.8K 576 5
                                    

JEFFREY

Ng maabutan ko ang pinaka cute na babaeng nagwalkout kanina, agad ko syang dinala sa kotse ko.

"Ano? Pagsasamantalahan mo nanaman ako? Gusto mo lang yata ako sa kama mo eh!"

Kumunot bigla ang noo ko. Kahit kailan ang bilis nya mag beast mode. Talagang back to normal na nga kami.

"May pupuntahan tayo!"

"Saan naman?"

"Sa lugar kung saan tayo lang ang may alam!"

Kumindat ako sakanya. Nginisian ko rin sya ng makita ko ang naiinis nyang mukha. Hindi ko naman sya pinagtitripan. Totoo namang pupunta kami dun sa lugar na hindi alam ng iba naming kakilala at kami lang talaga ang nakakaalam. Literal!

Hindi ganun kahaba ang byahe pero malayo layo rin ito. Nalaman namin tong lugar na to nung high school palang kami. Sure alam ng ibang tao to pero walang kakilala namin ang nakakaalam din nito.

"Ohhh... Now i get it!" Nakangiting ayon ni Sandra.

"Oh diba? I told you!"

Isa itong tago at di kalakihang beach. Hindi sya puntahan ng marami at talaga namang kailangan mo syang lakarin para mapuntahan mo.

Sinimulan na naming maglakad ni Sandra. Natutuwa ako ngayong nakikita ko syang masaya at mukhang excited talaga. Matagal tagal narin nung huli kaming nakapunta rito. At nung huli ko syang nakitang masaya.

"Wow! Ang ganda ganda pa rin dito!" Tuwang tuwa nyang ayon.

Itinaas nya pa ang kamay nya at dinama ang malakas na hangin kasabay ng malalakas na hampas ng alon sa dagat.

Kinuha ko ang pagkakataon para yakapin sya sa bewang galing sa likod nya.

"Sandra? It's the 8th of the month!"

Ramdam kong unti unting kumapit si Sandra sa nakapulupot kong braso sakanya. Ibinaba ko ang ulo ko sa balikat nya at idinikit naman nya ang ulo nya sakin.

"Happy anniversary, bestfriend!"

Lalong humigpit ang yakap ko sakanya. Kumirot ang puso ko ng tawagin nya akong bestfriend. Parang di ako sanay. Parang di na ko sanay at ayoko ng masanay ulit dahil ayoko ng maging bestfriend nya lang.

"Bestfriend?"

"Oh bakit? Friendsary naman talaga natin tuwing eight ah!"

"Hindi na ba tayo magkakaron ng totoong anniversary? Not as friends but me being yours and you being mine? Legally?"

Hindi agad nakasagot si Sandra. Panay himas sya sa mga kamay kong nakalapat sa tyan nya. Nilingon nya ko at gumaan ang pakiramdam ko ng makitang maaliwas syang nakangiti.

"Pwede yan! Una, pumunta ka sa bahay at magpakilala ng maayos sa parents ko! Pangalawa. Dalawin natin ang kapatid ko para ipakilala kita ng personal sakanya. Tsaka Jeff? Gusto ko sa Port Valencia!"

"Gusto mo dun mamalagi?"

"Kung pwede lang sana, why not diba? Tahimik dun. Masarap ang simoy ng hangin. Mababait ang mga tao! Payapa doon!"

"Kung ano o saan mo gusto, dun tayo! Kasama mo ko. Basta maging masaya ka lang!"

Malawak na ngiti lang ang isinagot sakin ni Sandra. Ok na yun para malaman kong nagustuhan nya ang sagot ko. Ok na yun para malaman kong masaya talaga sya.

Bigla nya kong hinila palapit sa dagat. Nakayapak na kami habang parang bata na naglalaro. Lumalapit kami at pagpapalapit na ang alon samin ay sabay kami na tatakbo pabalik sa buhangin.

"Ready?" Tanong ko.

"Ready!" Agad nyang sagot.

Sabay kaming naghubad ng damit. Bumagal ang pagtanggal ko sa shorts ko ng mabilis nahubad ni Sandra ang dress nya. She's now wearing only her plain hot red bandeau bikini top and boyshorts.

Her body is literally hotter than red.

I'm now wearing only my swimming trunks. Handa ako kasi naisip ko ng dalhin talaga dito si Sandra ngayon.

Nginisian ko sya at mukhang nalaman na nya ang ibig sabihin nun. Tumakbo ako para habulin sya at ng malapitan ko sya ay agad ko syang kinarga. Nagpupumiglas pa sya habang tawa ng tawa. Halos sabay naman kaming bumagsak sa tubig.

"Haha! Namiss ko to!" Aniya habang hinahawi ng kamay ang buhok nyang nakaharang sa mukha nya.

"Namiss kita!" Ayon ko.

Natigilan si Sandra pero di parin nawawala ang ngiti nya. Lumawak naman ang ngiti ko ng bigla nya kong yakapin. Niyakap ko rin sya pabalik. Ang lambot lambot ng balat nyang nakababad sa tubig alat.

Kumalas sya saglit ng yakap sakin at tinitigan ako. I literally like the view. I've never imagine falling for her. We're friends, bestfriends.

Noon pa man ay pantay ang tingin ko sakanila ni Bea. Pero ngayon, parang kusa ng lumabas ang matagal ng nakatago na feelings ko for her. Ni hindi ko alam na meron pala.

I started kissing her. Torridly. Halos sabay pa kaming bumibitaw to gasp for air. I missed her so much na ngayong kasama ko na sya pakiramdam ko wala na kong ibang hihilingin pa.

I've tried everything noon para makalimutan sya dahil sa sakit na nagawa nya sakin pero ganito yata pag mahal mo talaga. Kahit anong gawin mo ay di mo sya makakalimutan. Kahit nasaktan ka nya ay mapapatawad mo sya agad at makakalimutan nalang ang lahat.

"Mahal na mahal kita, Sandra!"

"Mahal na mahal rin kita, Jeff! Please don't ever leave me!"

Ngumiti ako ng makita ang desperation nya na wag ko syang iwan. Kung ako ang tatanungin ay mas hindi ko naman yata kaya pag sya ang nangiwan sakin.

"I will never leave your side! Poprotektahan, aalagan at mamahalin kita higit pa sa akala mo!"

She then hugged me. So tight that i feel like ayoko narin syang pakawalan. Ganito nalang sana kami.

* * *

Inabot na kami ng dilim kaya niyaya ko ng umuwi si Sandra. Hanggang dito sa loob ng kotse ay ramdam ko ang saya namin pareho. Sinasabayan namin ang tugtugin at panay indak pa talaga. Titigil lang kami tuwing pagsasabihan ako ni Sandra na umayos daw ako at baka mabangga kami. Tinatawanan ko nalang sya.

"Jeff? Wag mo muna akong iuwi!"

"Huh? Bakit?"

"Wala naman kasi akong kasama sa bahay! Next week pa ang balik nila daddy!"

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinasabi nya. Next week pa ang balik ni tito at tita. Mukhang masosolo ko sya ng ilang araw na hindi naiilang!

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko tarantado ka! Pangiti ngiti ka pa jan! Ang manyak mo talaga!"

"Wow huh? Masama matuwa kasi makakasama pa kita?"

"Oo masama! Kasi yang tuwa mo baka kung saan pa mapunta!"

Hindi na ko sumagot at napanguso nalang. Bakit parang ngayon palang ay nakikinita ko ng magiging Under kay komander ako? Hay naku!

Our Lustful Friendship [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon