Entry # 8: Lalala-Love in the Air

211 10 27
                                    

A/N: Antagal nanahimik ng story na toh.. kaya eto.. mahaba-habang UD ang ginawa ko para sulit ang paghihintay.. hahaha.

Dedicated kay lyricalwitch :) Salamat ulit sa pagbabasa ng mga works ko :) muahugs

Disclaimer: di pa po pala kami nagkikita sa personal nila Kuya Trez. Noru at Jed pati rin sila Mia, Gab at J. Kathang-isip ko lang ang mga 'pagkikita' dito. Pero yung mga usapan.. totoo yan.. nasa Message Boards ng BonemanSons yung usapan namin ni Kuya Trez.. yung kay Noru at Gab.. sa wattpad chat yan.. Yung kay Jed.. sa facebook chat naman.. haha

GAB & JED: SORRRY!!! ATE HONEY LOVES YOU!!! HAHAHAH. Peace tayo ha? mehehehe. muahugs

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Kakasimula pa lang ng October pero bakit parang February na? Bakit nakakakita ako ng nagliliparang puso kung saan-saan? Ako lang ba ang may malamig na –ber month? Ahuhuhu, nami-miss ko tuloy ng sobra si Papa Karl.

Napadaan sa front desk si Kuya Trezdon. Nagulat ako. Halos di ko kasi nakikita sa dorm ang anino dahil may condo pala sya malapit sa trabaho nya sa Alabang, nakalimutan kong nagdo-dorm rin pala sya dito, hahaha.

“Ate Hun, have you seen a photo of J?” ang bungad nya sa akin sa kanyang pagdaan. Day off yata nya ngayon.

Waw lang, wala ba munang good afternoon, hi, hello para sa akin? Talagang si Janine lang ang tumatakbo sa isip netong lalaking toh. Bahaha. “Ehm, no, do you have one ba?”

Nakigamit sya ng laptop ko para hanapin ang larawan ni J. Nang makita nya, hinarap nya sakin ang monitor at maluwang ang ngiti nya. “Here’s the picture of J…tinag niya sa kin kanina. Wala kasi akong makitang picture niya sa mga albums na pwedeng ma-view yun pala may nakatago siyang picture dun. Pa-mysterious na bata, haha.”

Ayiee. Talagang naghahanap ng picture tong si Kuya Trez oh. Sarap sakalin. Inlab na inlab, ayaw pang aminin amp. Hahaha. Tinignan ko yung picture at napa-Nihonggo ako bigla, “Kawaii-desu!! Hounto ni Kawaii-desu!!!” Ang gusto ko lang sabihin dyan ay: Ang cute nya! Ang cute nya talaga. At dahil kinikilig ako sa kanila, nahampas-hampas ko sya ng di-oras.

Napa-WTF look si Kuya Trez bago lumayo ng kaunti at bumulong. “Ang bigat ng kamay ng babaeng toh.” Nung tinignan ko sya ng masama, ibinaling ulit ang atensyon nya sa larawan ni Janine. “She is, isn't she? Sabi ko nga tag pa niya ko sa iba pang pictures eh.”

Napasinga ako ng di oras. “Aiyieee.. At kinapalan mo pa talaga ang mukha mo't nagpa-tag ka pa. Yung mga damuvs mo kuya ha,” at binigyan ko sya ng mapanuksong ngiti.

“Kasi pag nagkikita kami, laging naka hood, naka sumbrero. May salamin. May shades. Itinatago ang mukha sa panyo. At least sa picture malinaw ang mukha niya di ba?” Paliwanag nyang may ningning pa talaga sa mga mata nya. Kulang nalang maging puso ang mga pupils nya, hahaha.

Di ko na napigilan ang sarili ko. Nahampas hampas ko lang naman ulit ang braso nya sa sobrang kilig. “Kyaaaaaaaaaaaa!!!! At nagde-date na pala kayo!!!!! Waaaahhhhh... Mamamatay ako sa kilig.”

“Aray ko! Nabubugbog mo na ako ha!” reklamo nya sabay himas ng braso nya. “Di po kami nagde-date. Yung tinatambayan niyang mall ay katapat lang ng opisina ko. Pag lunch naaabutan ko siyang nagsusulat ng libro.”

A Watty Kind of LoveWhere stories live. Discover now