Entry #5: Childhood Sweethearts

315 17 18
                                    

A/N: Obviously... dedicated sa nagliligawan.. HAHAHAHA. Pero kay Mia ko ito directly ide-dedicate since nakarami na ang mga boys dito.

Seryoso ako.. penge naman ako ng mga pictures nyo.. para hindi iniisip ng mga readers na malikot lang ang imagination ko.. at nang makita nila kung 'gwapings' nga talaga ang BonemanSons account owners.. hahaha.

At ikaw din Mia.. penge rin ako picture mo :D hirap gumawa ng story na true-to-life pero di ko naman alam kung ano mukha -___-

--------------------------------------------------------------------------------------

Ayan na nga, nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Nagkaroon na ng avid fans ang BonemanSons both in the cyberworld at sa dorm. Grabe lang ang hagikgikan ng mga kababaihan pag dumadaan yung tatlo, napapakamot ako ng ulo. Siguro pag nag-artista tong tatlo, sisikat sila. Joke lang.

Di pa naman dumadating sa point na nagsisigawan ang mga kababaihan. Behaved pa rin naman ang mga girls ko. Pansin na pansin lang talaga na kinikilig sila pag pinapansin at nginingitian ni Noru at Jed. Si Kuya Trez naman, dahil laging MIA at halos sa trabaho na matulog, hindi masyadong nakikita sa dorm. Dis-oras na ng gabi kung umuwi. Pero nakakarinig na ako ng mga bulung-bulungan tungkol sa kanya coming from the working girls.

Dumalaw na rin sa dorm si Kalamay Girl ni Noru. May dala naman syang suman noon. Binigyan pa nga ako eh. Nagpapadulas siguro para hindi ko sya bigyan ng visiting curfew. Eng-eng naman kasi tong si Noru. Pumayag na gawin ang project ni Kalamay Girl dahil daw magaling syang mag-drawing. Tapos ngayon, nagrereklamo dahil ayaw syang lubayan.

Pinakamatindi siguro nung hinabol ng isang batalyon ng mga bading si Kuya Trez nung minsang nag-commute siya pauwi ng dorm. Buti nalang hindi pa sila sumusugod sa Second Heaven kasi baka naging Second Hell dito. Yun pala ang market ni Kuya Trez! Hahaha, mga beki at mature women.

Si Jed naman, friendly lang talaga except na lang kung nasosobrahan talaga ni Noru ang Rexona nya at nakakalanghap din si Jed kaya bumabanat din sa MB. Pero nung una pa lang inisip kong siguro may lablayp na tong si Jed kaya deadma lang sa mga babae sa dorm. Na-confirm ko yun nung dumating si Mia mga isang linggo na nung nakalipat sa dorm yung tatlo.

"Ate Dew!!!!" malakas na bati nya habang tumatakbo papalapit sakin sabay yakap. Kulang nalang matumba kami sa sahig. Hindi kasi sya dito nakatira pero isang jeep lang yung bahay nila mula dito. Lagi lang nya talagang binibisita sina Gab at Janine. At magkasundo rin kami dahil parehas kaming Hopeless Romantics. Yun tipong konting bagay lang bibigyan na namin ng kulay at kakikiligan.

Pinakawalan nya ako. "Napadaan ka? di pa umuuwi si Janine ey, tsaka wala pa si Gab," sabi ko sa kanya.

"Nyahahaha, uu 'Teh, alam ko. Dadalawin ko lang yung pinsan ko."

Nagulat ako. "Ha?! May pinsan ka dito? Sino?!"

"Ay oo 'Teh. Si Minoru-panget."

Mas lalo pa akong hindi makapaniwala. "Weh?! Si Noru? Di nga?" Tumatawa si Mia na tumango. "Ay, umalis sya ey. May date daw sila ni Kalamay Girl, hahahaha."

Biglang dumating si Kuya Trez galing sa kwarto nila. "Bunsooooyyy!" sigaw niya na patakbong niyakap si Mia. In fairness, ngayon ko lang syang nakitang ganito.

"Kuyaaaa!!!" balik ni Mia at nag-sway-sway pa silang dalawa habang magkayakap. "Bakit di nyo sinabi saking may wattpad na kayo?" May kasama pang pout.

A Watty Kind of LoveWhere stories live. Discover now