Entry #3: The Friendly BonemanSon

351 17 21
                                    

A/N: Dedicated to Jedrick Louie Reonile.. oo, ikaw naman ang bida.. pero umeeksena pa rin si Noru as usual hahahaha.. pabayaan na natin.. ayaw nyang nagpapahuli eh..

Ahhh.. marami kaming ka-chat sa MB ng BonemanSons.. pero dahil POV ko toh.. tinanggal ko ang ibang usapan na walang kinalaman sa pagkakakilala ko kay Jed.. hahahaha.

Kung gusto nyong mabasa kung sino-sino ung mga ka-chat namin.. magback-read nalang kayo sa MB nila.. andun lahat un.

-------------------------------------------------------------------------------------

Hindi naman ako masyadong adik sa Wattpad. Medyo lang naman, hahaha. Pinost ko na rin yung ibang chapters ng English story ko na supernatural slash fantasy slash romance. Bago kasi ako napadpad sa Wattpad, yun na ang sinusulat ko.

Pero nung matapos ko yung 'Heartless B*tch' ni Erin at 'The Sadist meets the Cupid' ni Ash, nainspire akong isulat ang sarili kong love story. Feeling ko kasi, maraming makaka-relate sa kwento kong friendzoned-turned-girlfriend. Pero di ko pa alam kung anong medium ang gagamitin ko sa pagsulat.

Papasok na sa trabaho si Maui na mas kilala sa username na wyngardium_leviosa. At oo, tenant din namin sya. Nabasa ko kasi yung 'The Proxy Wife' nya at tuwang-tuwa ako dahil pinapakilig ako ng Vladi-Max labteam. At dahil comment ako ng comment kada chapter, naging 'Mare' ang tawagan namin kahit ilang taon pa ang tanda ko sa kanya.

"Hoy! Mare! Antagal namang magkaroon ng airtime ang Vladi-Max, hanggang kelan mo ako paghihintayin?" angal ko sa kanya.

"Hahaha, secret Mare. Basta magbasa ka lang, darating din tayo dyan," sabi ni Maui. "Kaw ba? Hindi ka ba magsusulat ng romansa?"

Nagkamot ako ng batok. "Actually, may gusto akong isulat na teen romance, pero iniisip ko pa kung anong medium ang gagamitin ko. Ever since kasi, English na ang gamit ko eh."

"Try mo magsulat sa Taglish, mare. Para hindi mo na problema ang pag-translate. Para sa akin, mas effective ang pagpapakilig pag yun ang ginamit na language. Tsaka, napakarami namang Pinoy dito sa Wattpad eh. Maraming makakabasa nyan."

At yun na nga, nagpasya akong TagLish na rin ang gamiting medium dahil puro ganun din naman ang mga nababasa ko lately. Pinamagatan ko syang 'Ikaw Na!(You Already!)... at hindi ko alam kung bakit yun ang napili ko. Bigla lang pumasok sa utak ko. Hmm, ganito rin kaya yung ibang mga manunulat dito sa wattpad? O ako lang yun?

Pero kahit excited akong alalahanin ang mga kaganapan sa pag-iibigan namin ni Karl na nagsimula mga walong taon na ang nakakalipas, may humihila sa aking bumisita ulit sa Message Board ng BonemanSons.

At sa pagkakataong ito, si Jedrick Louie Reonile naman ang nakilala ko...pero through Noru pa rin.

BonemanSons: (Noru) Im back ladies! What’s up?

Hunnydew: @BonemanSons     Noru-kun, I'm bored and sleepy

Dito na ako medyo naguluhan pati yung ibang mga nag-cha-chat sa MB nila. Isipin mo nalang, dalawa silang ka-chat mo na gumagamit ng iisang username. Kung hindi nila isusulat kung sino ang 'nagsasalita' at kung hindi mo ilalagay kung kanino mo sinasabi ang sinusulat mo, hindi mo malalaman kung sino ang kausap mo.

BonemanSons: @hunnydew

                               Jedrick:  so sleep now lol.

A Watty Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon