MSBTB 68

326 8 0
                                    

This is it! The last chapter of MSBTB, sana magustuhan niyo :)

—————————————————————————————————————————————————————————————


CHAPTER 68


[Narration]


Natataranta ang lahat, pinatrack nila Jairus ang location nila Sharlene and they found out na nasa nueva vizcaya nga sila.


"Nueva Vizcaya?! Too far yet she only gave us one hour to come over. What the hell is she thinking?!" sigaw ni Nash.



"One hour isn't enough kung magro-roadtrip tayo." napalingon ang lahat sa sinabi ni Andre.



"Anong ibig mong sabihin?" tanong sakanya ni Jairus.



"What I mean is, bakit pa tayo magro-road trip kung alam naman nating hindi tayo makakaabot? May helicopter kami, bakit hindi nalang yun ang gamitin natin?" biglang nabalot ng pag asa ang lahat nang sabihin ito ni Andre



"Kung ganun, pwede niyo ng gamitin yun to para sa pagpunta dun pero bibigyan ko kayo ng dalawang tao ko para sigurado. Nasabihan ko narin ang pulisya ng Nueva Vizcaya para sa biglaang transaction na 'to." sabi ng hepe.




"Ano pang ginagawa natin dito? Tara na, we're running out of time." natatarang sabi ni Francis



————————————————



Sharlene's POV



"50 minutes left, hinihintay ka na ng sementeryo Sharlene. Hindi ka ba naeexcite?" -Trish. Sa bawat minuto ko dito, lalo akong natatakot. Paano kung hanggang dito na nga lang pala talaga ako? Paano kung yung happy ending namin ni Jairus, mauwi sa tragic ending? Paano kung yung mga pangarap namin ni Jairus, hindi na matupad? Paano kung sa mga pangakong binatawan namin sa isa't isa, ako pala yung unang bibitaw? Hindi pwede. Kailangan kong mabuhay, ayokong mauwi sa wala ang mga pinagdaanan namin.





"Oh. Sorry ha, napaiyak yata kita. Pero truth hurts sabi nila. You have to deal with it, hanggang dito ka nalang talaga. You're oh so called JaiLene is over." -Trish. Hindi ko napansing lumuha na pala ako sa pagooverthink. Pero bakit ako magpapakita sa kanya ng kahinaan ko? Kailangan kong ipakita na hindi ako natatakot sa kanya.



Maya-maya ay nagsalita nanaman siya...

My Star Bestfriend To Boyfriend? [JaiLene]Where stories live. Discover now