MSBTB 64

1K 33 7
                                    

Sa epilogue ko nalang siguro sasabihin kung anong fanfic ang susunod kong gagawin basta tuloy tuloy lang ang pagtanggap ko ng sagot niyo sa last update ko na Bawal Snob okay?

Enjoy reading...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 64

Jairus' POV

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang maunawaan ni Sharlene ang paglilihim ko. Alam kong kahit anong anggulo ang tingnan ay mali ako at pangit isiping nalaman ni Sharlene ang sikreto ko sa ibang tao, tama si Sharlene, hindi ako nagtiwala sakanya kaya muntikan nanaman kaming magkagulo pero laking salamat ko nang intindihin niya ako. Napaisip na lang ako...hinding hindi ko na talaga hahayaang mawala pa si Sharlene sa piling ko, ipaglalaban ko siya, ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin.

“It's good you're here" bati agad ni mommy pagkababa niya ng sala, kagigising lang malamang at hindi sanay na andito ako. Tatlong araw narin kasi mula nung malaman ni Sharlene ang lihim ko, simula noon, lalo akong natakot mawala si Sharlene kaya araw araw ay wala ako sa bahay, kundi nakikipaglibangan sa kanya at sa barkada.

“May sleepover kami sa bahay nila Sophia mamaya, just so you know" sabi ko habang nakatingin parin sa pinapanood na basketball

“Pero dito ka magdidinner" -mommy

“What?" saglit akong napatingin kay mommy “Napagusapan naming doon narin magdidinner." dagdag ko pa

“Sleepover means doon lang kayo matutulog. Tulong lang. Kaya whether you like it or not, dito ka magdidinner together with Trish"

“Okay I got it but sorry ma. Ayokong makipagdinner sa kanya" sabi ko at binaling ulit ang tingin sa pinapanood

“Dapat masanay ka na dahil kayo rin naman ang mag asawa sa future"

“Future? You can't dictate what future would be. Hindi naman ako nainform na manghuhula ka na pala, ma" naiinis na ako kay mommy, masyado niyang kinokontrol ang mga bagay bagay

“You're acting rude, Jairus! Yan ang epekto sayo ng Sha----"  hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni mommy at nagsalita na ako agad

“Sharlene nanaman?! Bakit hindi niyo makita ang ginagawa niyo sakin? Bakit hindi niyo makita yung pagkukulang niyo? My life is being so miserable. We used to be okay, ma. Not until you came in to my lovelife" napayuko nalang si mommy

Babagsak na ang kumpanya natin anak, alam mo naman yun. Bakit hindi mo maintindihan?"

“Naiintindihan ko, ma! Alam kong may problema ang kumpanya natin pero kung talagang wala kang balak sirain ang buhay ko, maghahanap ka ng ibang paraan para masalba ang kumpanya. Pwede akong bumalik sa pagaartista, pwede nating isangla ang ilang mga properties natin ang bawiin nalang habang tumataas ulit ang kumpanya. Have you even think that? No! Kasi desperada na kayong masalba ang kumpanya kaya basta nalang kayong kumakapit sa patalim" reklamo ko pa. Nakakainis na talaga, bakit ba ganyan si mommy?

“This conversation is non sense" sabi lang niya at bumalik sa taas.

Nabwbwisit na ako!!! Bakit ba hindi ako maintindihan ni mommy?!.Mas gusto niyang sirain ang buhay ko kaysa mag isip ng iba pang paraan para maisalba ang kumpanya.

************

“Hiiii! Anong oras mo ako susunduin? Tayo nalang daw wala sa bahay nila Sophia" pangungulit ni Sharlene na nasa kabilang linya. Andito ako ngayon sa kwarto at nakikipagusap kay Shar sa cellphone. Nasa baba na si mommy at Trish, kanina pa ako tinatawag ng maid namin dahil pinapatawag na daw ako para sa dinner pero bahala sila

My Star Bestfriend To Boyfriend? [JaiLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon